CHAPTER 2: MEET OUR BIDANG GIRL! (EDITED)

384K 9.2K 1.4K
                                    

Karissa's POV

Wait, pakilala muna ako ah? Ako kasi bida ng story na toh eh. Kaya KAILANGAN, magpakilala ako. WALANG AANGAL! STORY.KO.TOH.

I'm Karissa Asajar. Ang babaeng feeling ordinary. Pero pag iniisip ko kung sino ako. Hindi talaga ordinary eh. I'm the only daughter of the owner of KAKO Entertainment (Yun mala-ABSCBN and GMA!) at A. Jewerly (Obvious naman bilihan ng mga mamahalin alahas). I has a SUPER DUPER EXTRA SUPERSTAR CELEBRITY KUYA. Oh diba? I'm so ordinary! At dahil nga feeling ordinary ako, I never tell to everyone may Kuya akong ganun. Because that's our family dark secret. Alam lang ng lahat na I'm just an only child. Gusto niyo ba ipakilala ko kayo sa Kuya ko? Sige, punta kayo sa heaven. Doon niyo siya makikilala. Sad to say, My Kuya left us 3 years ago. Kinuha na siya ni God. AY TAMA NA NGA TOH! May chapter ako para magdrama diyan. Ngayon, INTRODUCTION ko muna! Ay wag na nga! STORY ko na agad! Tutal naman makikilala niyo rin ako. Basta I'M JUST ORDINARY GIRL! PERIOD.

Bakit ganito? Bakit ang laki-laki ng school na toh?! Andito pala kami sa Xavier Boy High which is, school na namin! This is UNFAIR! Sister-brother school naman kami. Pero bakit mas malaki ng doble o triple un school nila sa amin?! Oo, alam kong magkaiba ang may-ari ng school namin. Pero diba? Since partner school kami, kailangan SAME school dapat! Eh nagmukang squatter un school namin dahil sa malapalasyong school na toh. Eh bakit ba ang reklamador ko?! Dito na kami magaaral kaya SCHOOL NA NAMIN toh!

Nabalitaan niyo na ba kaming Xavier Girl High students ay ililipat na dito sa Xavier Boy High? Kung hindi pa, SAAN LUPALOP KA NG PILIPINAS NAKATIRA?! Bakit hindi mo alam yun? Hindi niyo ba alam nasa FRONT PAGE ng lahat ng newspaper yun. nasa HEADLINE ng lahat ng balita sa TV. LAHAT NG STATION! Ok, I'm not exagerating anything, sadyang ganyan kasikat ang school namin. Lalo na tong XBH. XAVIER HIGH na pala ang tawag sa school namin.

Ang nakakapagtaka lang, bakit kaya walang magulang na nagreklamo about dito? Kasi hello? Kaya nga nila pinagaral yun mga anak nila sa all-girls school para walang boys sa school. tapos ngayon, nilipat kami, WALA man lang silang reaction. Yun iba pa, parang pinagmamayabang pang un anak nila nilipat sa XBH! Ang gulo ni mother earth!

"Ms. Asajar?" Nagulat na lang ako ng biglang may sumulpot na matandang lalaking panot sa harap ko. Opps! Hindi ako nanglalait! I'm just stating the fact. Hindi naman masama yun diba? Pero teka, paano niya pala nalaman name ko? Tinatanong pa ba yan? Malamang dahil alam ng lahat anak nga ko ng may-ari ng KAKO ent. at A. Jewerly.

"Po?" Uy! Wag na kayong magtaka! Magalang ako sa matatanda este nakakatanda!

"Ako ang Head Teacher ng school na to." Jusko! Head Teacher pala toh.

"Good Morning po Head Teacher."

"Uhm, Ms. Asajar. Nagkaroon kasi ng problem sa magiging classroom mo. Napagdesisyon namin na bigyan ka na lang ng special classroom."

TEKA LANG! Ordinary nga lang ako! Tapos may special classroom?! AYOKO NGA! Nahiwalay na nga ko sa mga bestfriends ko tapos may special classroom naman! HINDI AKO PAPAYAG!

"Head Teacher, wala na po bang ibang paraan? Kasi sa totoo lang, ayoko po ng may special treatment." Sinabi ko ng diretso kay Head Teacher. Wala ng paligoy-ligoy pa!

"Pero-" hindi natapos ni Head Teacher yun sinabi niya dahil may lumitaw naman sa gilid namin na manang na 4-eyes! (4 eyes ang tawag ko sa mga taong nakasalamin!). Talaga bang parang mga kabute mga tao dito?

"May isang paraan Ms. Asajar!" maligayang sabi ni Ms. 4-eyes manang.

"MS. PHYSIC!" Sumigaw at tumingin ng napakasama ni Head Teacher kay Ms. Physic (LOL! Ganyan din pala mga tawag nila dito. Kung anong subject un tinuturo nila yun ung tawag sa kanila!)

"Meron naman po palang paraan, Head Teacher. Let's choose that way wag lang yun magkaroon ako ng special classroom. Do I look like a special child?"

Nataranta naman umiling si Head Teacher.

"Hindi naman po ganun, Ms. Asajar."

"Karissa na lang po."

"Ok, Ms. Karissa." Kulit din nitong tanders na toh. Karissa nga lang. Bakit may MS. pa din?! Hindi ko na lang pinansin dahil importante un classroom ko!

"Yun one way na sinasabi ni Ms. Physic is really different. This classroom is very different among all." Panong different? Bakit sa Venus ba ang classroom namin?

"Do I have a classmates on that said classroom?"

"Yes, Ms. Karissa." Yun naman pala eh! ORDINARY CLASSROOM CHECK!

"Dito pa naman sa school yun classroom namin diba?" Oo! Alam kong weird na tanong yan! Hindi ko rin alam kung bakit natanong ko yan. Pesteng Venus yan! Pumasok pa sa utak ko!

"Yes naman po, Ms. Karissa" ORDINARY CLASSROOM CHECK!

"So what's the problem? I think that's a normal classroom."

"You're the only girl student there, Ms. Karissa." Hasus! Yun lang ba ang dahilan ni HT kung bakit different yun. Ok, BAGO sa akin yun! Since birth, I never had a boy classmates. And worst pa, ako lang pala magiging girl classmate nila. Pero MAS better yun kaysa magkaroon ako ng special class.

"I think there's no problem with that. As long as, may classmates ako." That's ORDINARY!

Halata naman mukhang defeated na yun mukha ni HT kaya nagdecide na lang siya na dalhin ako sa magiging classroom ko.

Ay sosyal! May elevator ang new school namin! Bumaba na kami ni HT sa 5th floor. whoo. nasa pinakamataas yun classroom namin. Dahil siguro 4th year na kami, kaya ito siguro ang floor for 4th year. Naglakad na kami ni HT, infairnes kahit hallway, nakaaircon! Napansin ko may 10 classroom (Napadaan pa nga ko classroom nila Rayne at Ciara. Alam ko kasi Class 4-2 sila. Though hindi ko sila nakita dahil tinted ang glasses ng bawat classroom) sa buong floor namin pero pinagtataka ko pagkadating namin sa 6th room, bakanteng room na siya. hanggang 7th room, 8th room, at 9th room. At napansin kong habang papalapit kami sa huling classroom, paingay ng paingay. Diba may soundproof tong bawat classroom? Bakit may naririnig kaming ingay?

"Andito na po tayo Ms. Karissa. Welcome to Class 4-6."

At binuksan ni Head Teacher ang pintuan at nakita ang aking NEW classroom at NEW classmates.

O_____O

XAXA: THANK YOU PO SA LAHAT NG BINABASA PA DIN TONG CLASS 4-6 KO.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon