TMH 29

1.8K 64 7
                                    

[THIRD PERSON POV]

She was expecting something new ng tuluyan na siyang makalabas ng kotse. Pagkatapos ng isang buwan ay pumasok ulit siya, kung bakit ba kasi kailangan niyang samahan ang kanyang ate papunta sa isang beach resort na noon pa lamang niya napuntahan. Ngayon ay nakakasigurado nga siyang maraming nagbago dahil bukod sa kailangan niyang mag attend ng make-up classes para sa isang buwang pagkawala niya ay ngayon ay kitang-kita niyang sa isang bench ay nagtatawanan ang dalawang bruhang kaibigan niya habang may tinitignan sa isang digicam. Makikita sa aura ng dalawa na sobra-sobra ang pagkakasundo nila sa iisang bagay. Sa gilid naman nila ay si Yui na abala sa pagsusulat ng kung ano sa isang papel. Nakakunot ang noo nito at kung sigurong bumubuga ng apoy ang kanyang mga mata ay kanina pa nasunog ang papel sa harapan niya.

"Szadebebe!" Sigaw ni Zam ng mapansin niya si Autumn na papalapit na sakanila. Tumayo si Zam at masiglang nilapitan niya ito saka niyakap ng mahigpit. Oh i miss her bulong ng sistema ni Autumn.

"Saan ka ba galing?! Bakit wala kang pasabi at bigla ka nalang nawawala ha?!" Naka pout na tanong ni Zam sakanya at inakay niya ito papunta sa bench na pinanggalingan niya kanina.

"Ah sinamahan ko lang si ate, kakauwi lang kasi niya nung nakaraang buwan." Sagot nito. Nginitian naman siya ni Ysabela ng paupo siya sa bench na inuupuan nila.

"So? What's new?" Tanong ni Autumn. Sumulyap siya ng mabilis kay Yui na hanggang ngayon ay abala sa pagsusulat ng kung ano at inilipat ang tingin sa hawak na digicam ni Ysabela.

"Ahh punishment." Nagkibit balikat lamang si Ysabela sakanya tukoy sa anong pinagkakaabalahan nung bruhang si Yui sa gilid na mukhang may sariling mundo. Hanggang ngayon ay naiinis parin siya sa sarili niya.

"And look!" Natatawang sabi ni Zam at iniharap kay Autumn yung digicam na kanina pa nila kinakalikot. Kumunot ang noo ng dalaga ng makitang mga pictures iyon sa mall at may tatlong babae na hindi maipinta ang mukha at may hawak na malaking placards na may nakasulat na isa silang thief.

Kumunot ang noo niya sa nakangising mukha ng dalawang bruha at ng mapagtanto niya ang ginawa nila ay hindi niya mapigilan ang tawa niya na sinabayan naman ng dalawa. Mga bruha talaga.

--

"Pst." Sitsit ni Ysa kay Zam habang hinihintay nila ang pagbaba ng elevator. Tanging pagtaas lang ng kaliwang kilay ng dalaga ang nakuhang sagot ni Ysa.

"I dare you." Nakangising sabi ni Ysa kay Zam.

"Dare what? Go ahead." Tugon naman ni Zam habang walang tigil sa pag pindot sa button ng elevator.

"Kung sino man ang unang lumabas jan. Boyfriend mo ng isang linggo." Natatawang sabi ni Ysa.

"Sus. Yun lang pala eh." Irap sakanya ng dalaga.

Nang bumukas ang elevator ay isang matandang lalaking mataba ang bumungad sakanilang dalawa. Nanlaki ang mga mata ni Zam ng mapagtantong ito ang instructor nila sa isang subject.

"Good morning sir!" Bati ni Ysabela sa instructor. Natatawa.

"Good morning miss Ebreo." Bati din sakanya ng instructor.

"One week ha." Paalala ng dalaga sakanyang kaibigan ng makapasok na sila sa elevator.

"Tss! Manahimik ka nga!" Asar na sabi ni Zam. Tinawanan lang siya ni Ysabela.

"Autumn!" Tawag ni Zam sa kaibigan ng makitang naglalakad itong mag isa sa hall pagkalabas nila ng elevator.

"Tapos na ba klase mo?" Tanong niya ng makalapit kay Autumn.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon