Kabanata 46

23 1 0
                                    

" Tay Tasyo ano pong ginagawa mo dyan sa labas ng bahay? Takang tanong ni Almira ang anak na babae ni Mang Tasyo.

" Tinutulungan ko ang mga gagapi sa Itim na anino Anak! Sagot ni Tasyo habang nakaluhod ito sa labas ng bahay at nakatinggin sa kalangitan.

" Tay Naman ! Hanggang ngayon po ba ay naniniwala padin kayo na ang itim na anino na yun ang dahilan sa pagkawala ni Nanay? Naiiling na tanong ni Almira.

" Pumasok kana sa loob at hayaan mo lang ako dito sa aking ginagawa! Taboy ni Tasyo sa anak. Pumasok naman ang Dalagang anak nito na si Almira na kakamot kamot sa ulo nito.

Habang sa bahay naman nila Alice ay patuloy parin ang pakikipaglaban ng mga ito sa itim na aninong si Rigor.

" AT IKAW NAMAN , ALAM MO BA NA ANG AMA MO ANG MAY KASALANAN KONG BAKIT NAMATAY ANG IYONG ASAWA? HUH? HAHAHAHHAAHA , KUNG HINDI LANG SANA PANGAHAS ANG IYONG AMA AY HINDI AKO GAGANTI SA INYONG PAMILYA AT ANG KAMALAS MALASAN MO LANG AY SA IYONG ASAWA TUMALAB ANG AKING SUMPA! HAHAHAHAHAHA! Sigaw ni Rigor sa katauhan ni Alice habang patuloy sa pag usal si Kanor ng kanyang Orasyon , hindi pwedeng mawala ang kanilang konsentrasyon kahit sino sa kanila dahil pag nagkataon ay hindi na nila mahuhuli ang itim na anino ni Rigor.

Hindi lingid sa kaalaman ni Kanor na totoo ang kanyang hula nuon na kagagawan ni Rigor ang pagkakasakit ng kanyang Asawa kaya naman  hinayaan nya nuon si Simon ang kanyang Ama na lisanin ang kanilang tahanan para ilayo sila sa kapahamakan pero huli na ng gawin iyon ng kanyang Ama.

Pinilig ni Kanor ang kanyang Ulo para hindi mawala sa konsentrasyon ito , Madami pang pagkakataon para ipaliwanag iyon ng kanyang Ama at hindi mgayon , napatawad narin nya ito ng buong puso dahil alam nito na tama lang ang ginawa ng Amang simon para puksain si Rigor.

" MGA INUTIL PINAGLALARUAN LANG KAYO NG MATANDANG SI SIMON! IKAW MARYO , HINDI BA'T SUNOD SUNURAN KA LANG NUON SA MATANDANG SI SIMON , HINDI MO NA BA NAALALA NG MINSANG IPAGKANULO KA NYA SA MGA ENGKANTO SA KAGUBATAN PARA ILIGTAS ANG KANYANG ASAWA? Tanong ni Rigor kay Maryo.

Bumalik iyon sa Alaala ni Maryo nunong binata pa sya at nagsasanay sa ilalim ng Pagtuturo ni Ka Simon nuon sa kanila , Naputol ang kanyang daliri sa kaliwang kamay nuon dahil sa Pagliligtas nito sa sarili sa mga engkanto nuon ng iwan sya ni Ka Simon sa Gubat habang inililigtas ang Asawa nitong Si Maria. Pero tapos na iyon nalaman din ni Maryo na isa lang itong Pagsubok sa knya bilang mangagamot kaya kinalimutan na ni Maryo ang lahat ng iyon.

" WALA BANG GUSTONG MAGSALITA SA INYONG LAHAT HUH? galit na galit na tanong ni Rigor sa mga ito.

Biglang humangin ng napakalakas na animoy may ipo ipo sa loob ng bahay , Nalagot din ang pagkakatali ni Alice kaya naman Lumutang ito sa Kawalan.

Samantalang...

" Tiyo Marsing , ano po ang ginagawa nyo dyaan? Tanong ni Benito sa Tiyuhin nito.

" Umupo ka lamg dyan at mag usal ng isang panalangin!

" Para saan po?

" Tutulungan naten ang aking mga kaibigan na si Simon! Kailangan nya ng tulong naten at mga dasal kaya magdasal ka dyan Benito! Anas ni Ka Marsing ang kaibiganng Mangagamot ni Simon sa Lugar ng Bulacan.

Ganun din ang ginawa ng mga kaibigan ni Simon sa iba't ibang panig ng pilipinas , Nag usal ito ng mga orasyon para sa kaligtasan ng kaibigang si Simon at ang mga kasama nito.

Bago pa magumpisa ang Ritwal ng mga ito ay napaabot na ni Simon ang paghingi ng pabor sa mg kasamahang Mangagamot para tulungan sila sa gagawing orasyon para sa Paghuli sa aninong si Rigor.

Hindi naman Nabigo ang Matandang Simon sa paghingi nito ng tulong sa mga kaibigang mangagamot nito sa lahat ng Panig ng pilipinas.

Imperet illi Deus, supplices deprecamur: tuque, Princeps militiae caelestis, Satanam aliosque spiritus malignos, qui ad perditionem animarum pervagantur in mundo, divina virtute, in infernum detrude. Amen.

HousemateKde žijí příběhy. Začni objevovat