Kabanata 22

32 1 0
                                    

     Naglilinis ng bahay si Alice dahil isa din ito sa mga bilin ng Albularyo at maging si Bernard na palagi akong maging malinis sa bahay para hindi nagagalit ang mga nakatira dito sa bahay , Ayon kasi saknila na kami ang nakikitira lang dito sa bahay at sila ang totoong nakatira dito. Kaya naman hindi nakakaligtaan ni Alice na palaging maglinis ng bahay kahit masama ang pakiramdam nito.

Nagpupunas ng bintana si Alice ng matapat ito sa lumang bahay sa tapat ng sala. Pilit na sinisilip ni Alice ang loob ng bahay pero madilim ito at tanging lampara lang ang makikita mong ilaw sa loob , at syempre ang araw - araw na tumutunog na radyo sa kabila.

" Mag iingat ka dyan iha!

Nagulat ang dalaga ng biglang may nagsalita sa bahay , pero hindi nya ito nakikita.

" Sino po yan? Tanong ni Alice.

Isang matandang lalaki ang lumabas sa may bintana , nakasalamin ito at puting puti na ang buhok.

" Ano po ang nais nyong sabihin na mag ingat ako? Tanong ko dito.

" Mag -iingat ka o mas maganda kung umalis na kayo sa bahay na yan , baka magaya kayo sa asawa ni Tasyo na namatay sa sakit ng matira sa bahay na yan! Anas ng matanda.

Biglang nakaramdam ako ng pagkatakot at kilabot narin , ang Tasyo na tinutukoy ng Matanda ay ang Mang Tasyo na palaging nag aabang sa may gate mg bahay. Kung sa gayon may alam din ang matanda sa kabilang bahay tungkol sa nangyayari dito sa bahay.

Ng titingan ko ulit ang matanda ay nawala na ito sa bintana. Napatinggin ako sa kwarto ni Peter at Paul dahil ramdam ko ang pag ingit ng Sahig ng bahay na ibig sabihin ay may taong naglalakad. Pero wala namang tao sa loob kaya alam ko na narinig ng kung sino man ang sinabi ng matanda.

Isasara ko na sana ang Bintana pero nagulat nalng ako ng biglang lumabas ulit ang matanda.

" Kunin mo ito!

Inilabas nito amg isang maliit na bote na kulay brown na may taling kulay pulang ribbon.

" Para po saan yan?

" Basta kunin mo nalang kakailanganin mo yan para malaman mo kung nariyan na sila! Anas ng matanda.

Kinuha ko ang maliit na bote na kulay bRown.

" Langis na lana yan , kapag nariyan sila ay kukulo ang langis kaya malalaman mo kung may Elemento ang nasa paligid mo! Ingatan mo at wag na wag mong ihihiwalay sa katawan mo yan!

" Opo tay! Maraming salamat po ano po palang pangalan nyo?

" Simon ang pangalan ko , isa rin akong mangagamot nuon pero ngauon mahina na ako kaya hindi ko na kayang manggamot pa!

" Ganun po ba , maraming maraming salamat po dito sa langis , Tay Simon! Pasasalamat ko.

Agad kung inilagay ang bote sa bulsa ko , samantalang nagpaalam na si Tay simon , mukhang mahina na nga ito at inuubo pa. Ngayon nabawasan ang takot na nararamdaman ko sa bahay na ito simula ng makilala ko na si Tay Simon.

Magtatanghali na ng makatapos sa paglilinis si Alice. Nagpahinga lang ito saglit at kumain ng pananghalian.

" Ayoohhhh!!! Narinig kung tawag sa pinto.

Binuksan ko ang pinto at iniluwa nito si Ate Minda.

" Ibibigay ko lang itong resibo ng kuryente at Tubig nyo!

" Sige po sasabihin ko nalng din po sakanila!

" Okay kana ba? Tanong ulit nito.

" Medyo okay na po , pero minsan inaatake ako ng pagkahilo!

" Try mo kayang magpatinggin sa Albularyo baka nababati ka lalo pa bago ka lang dito sa Cagayan!

" Meron po bang albularyo dito?

" Si Tang Simon sana sa kabila kaso nga lang matanda na at may sakit narin kaya nasa bahay nalang at hindi na nangagamot!

" Si tay simon po ba sa Kabila duon? Tanong ni alice at itinuro ang bintana sa sala.

" Oo sya nga nakilala mo pala sya?

" Opo kanina lang nung naglilinis ako! Pero saglit lang din po kasi inuubo sya kaya nahihirapan narin magsalita.

Hindi sinabi ni alice ang tungkol sa Lana sa kadahilanang baka isipin nito na kinakatakutan namin ang paupahan nila , kaya hindi nalang sinabi ni Alice ang tungkol dito.

Nagpaalam narin si Minda dito at kumain naman ng pananghalian ang dalaga. Tinawagan din nya si Bernard at ikinuwento ang tungkol sa Lana. Natawa pa nga ito dahil sa kinakatakutan ni Alice dati ang Bahay na iyon yun pala ay isa ding mangagamot. Mabuti naman daw at nabigyan si Alice ng langis na yun proteksyon nya din kasi yun sa mga kaluluwa na hindi nya nakikita.

HousemateWhere stories live. Discover now