Kabanata 50 ( FINALE )

32 0 0
                                    

Masayang masaya ang lahat para kay Alice at may Bernard. Maging ang mga magulang nito ay hindi rin tutol sa kanilang dalawa nakita naman ng mga ito kung gaano kayang Mahalin at ipagtanggol ni Bernard si Alice kaya walang duda na maalagaan talaga nito ang dalaga.

Naghahanda narin ang mga ito para sa orasyon na gagawin para sa pagpapalaya at pagbasbas sa mga kaluluwang naroon. Naghahanda narin si Bernard at ang Ama nito maging si Ka Maryo para sa pagbabaon ng Sagradong Garapon sa malayong kagubatan ng Cagayan.

" Makikita rin po ba namin ang lahat ng mga kaluluwa na narito? Tanong ni Peter.

Natawa naman si Simon sa tanong nito.

" Gusto mo ba? Tanong naman ni Bernard.

" Nakakatakot ba sila Alice? Bulong ni Peter.

" Kung Ready kaba makakita ng mga Dumudugo ang mukha! Naagnas pwede naman Peter! Anas ni Alice at tuminggin pa kay Bernard na naiiling naman.

" Oh sya mag aalas sais na ng hapon kaya kailangan na nateng maumpisan ang orasyon! Si Simon.

Habang tahimik lang naman si Lando sa tabi at tinapik ito ni Ka Maryo.

" Wag ka mag - alala magiging okay din ang lahat.

Ngumiti si Lando dito at tiningnan ang anak na si Alice na masayang masaya.

Tumunog ang kampana hudyat na alas sais na ng Hapon , nag aagaw na ang dilim at liwanag. Nagsindi ng Itim na kandila si Kanor at inilagay sa gitna ng bahay. Umupo naman si Kanor , Si Bernard si Ka Maryo at si Simon sa sahig at pinalibutan ang itim na kandila.

Nasa gilid lang naman nakaupo sila Alice , Lando , Peter at Paul. At taimtim din na nagdarasal.

" Tinatawagan ko ang lahat ng kaluluwa na naririto na magparamdam at Magpakita sa amin.

Biglang umihip ang isang malakas na hangin. Napayakap si Peyer at paul sa kanilang mga sarili ng maramdaman ang paglamig ng paligid.

" Naririto na sila! Anas ni Simon.

Isa isang nagsipaglapit ang mga kaluluwa na naroroon , Pinangunahan ito mg Matandang Naagnas na ang mukha agad itong nagpunta sa likuran ni Ka Maryo at sumunod narin ang mga iba pa.

" Gumawa kayo ng ingay kung naririto na kayong lahat! Utos ni Simon.

Tahimik ang bawat isa , Maging si Peter at Paul ay pigil ang paghinga ng mga oras na iyon para silang nasa isang Pelikula na kagaya ng pinapaunuod nila nuon na Shake rattle and Roll. Habang si Lando ay hindi rin malaman ang nararamdaman may tuwa at sakit sa puso nito.

Isang halakhak ng batang babae ang pumailanlang sa buong kabahayan. Halakhak iyon ng batang si Jenny.

" Jenny! Anas ni Alice.

" Anak! Anas naman ng isip ni Lando.

Hindi malaman ni Lando kung anong klaseng pagkabog ng dibdib ang nararamdaman nito sa mga oras na iyon habang naririnig ang halakhak ng isang batang babae.

" Ngayong naririto na kayong lahat , hinihiling namin sa inyo na magpakita kayo sa aming mga tao! Maari ba? Paghingi ni Simon ng pahintulot sa mga iyon.

" Sigeeeee!!!! Bulong ng Matanda sa Tenga ni Simon.

Inutusan ni Simon na magmulat ang mga ito ng kanilang mga mata. Isa isa ngang nagmulat sila Alice , Bernard , Kanor , Maryo , samantalang hindi mawari ni Peter at Paul kung kaya ba nilang makita nag mga kalukuwa na naroon kaya unti unti nilang iminulat ang mga mata ng mga ito.

Napansin naman ni Alice ang ama na parang nanginginig ito at naiiyak.

" Pa! Imulat mo na ang iyong mata! Bulong ni Alice dito at hinawakan ang kamay ng Ama.

HousemateWhere stories live. Discover now