Kabanata 20

37 1 0
                                    

     Isang umaga nagising si Alice na masakit na masakit ang katawan nito at parang nahihilo , Bumabalik na naman ang pag ikot ng Paligid nito. Pinahinto narin ng Doktora ang iniinom na mga gamot nito para obserbahan kung side effect padin ba ito ng gamot.

Naintindihan naman ni Paul na hindi makakapasok sa opisina si Alice dahil nakikita nito ang kalagayan ng dalaga. Hindi man sabihin ng bibig ni Paul ay nag aalala na sya para sa Dalaga , Minsan pa nga ay humihingi sya ng Advise sa asawa nya kung anong pwedeng kainin ni Alice dahil sa Beef noodles lang ang kinakain nito.

Nagpaalam na ang mga ito kay Alice at isinara naman ni Alice ang pinto ng bahay at bumalik sa Pagkakahiga , dahil bahagyang umiikot na naman ang paningin nito.

Mag aalas Tres na ng hapon ng maalimpungatan si Alice , iginala pa ni Alice ang mga mata nito unti unting umiitim ang paligid ng dalaga at alam nyang nasa harap nya ang itim na anino na iyon. Gusto man labanan ni Alice ang pagdilim ng paligid nito ay bigla nalng syang nanghina.

Lumipas ang ilang oras ay nagkaroon ng malay si Alice at unti unting idinilat ang mga nito , Masakit na masakit ang ulo ng dalaga , Pinilit din nya na makatayo sa pagkakahiga , pero isang nakakapangilabot na pangyayari ang ikinatakot ng dalaga.

" Bernard! Sir Paul ! Peter! Tawag nito pero walang sumasagot.

Mas binalot ng kaba ang dalaga ng makitang alas sais na ng hapon napatinggin si Alice sa Sulok ng kwarto , Nanginginig si Alice sa kaba at takot ng marealized nya na wala sya sa kanyang kwarto kundi nasa kwarto nila Peter at Paul.

Inalala lahat ni Alice ang pangyayari kanina , alam nito na nahiga sya sa Kwarto nya ng makaalis ang mga kasama , paano syang napunta sa Kwarto ng mga ito? Napatayo ang dalaga at pilit lumabas ng kwarto ng maalala na bago sya nawalan ng malay ay kitang kita nya ang paglukob saknya ng itim na anino para mandilim ang kanyang paligid.

Agad na tinawagan ng dalaga si Bernard , sa tuwing may mangyayaring kakaiba kasi saknya at s abahay ay si Bernard agad ang tinatawag nito dahil ito rin lang ang kaisa isang naniniwala saknya. Agad namang nagtunggo si Bernard sa bahay nila Alice.

Naabutan ni Bernard na nakaupo lang sa sulok ang dalaga at parang takot na takot.

" Anong nangyari sayo? Nag aalalang tanong ng binata.

" Hindi ko alam basta paggising ko nasa kwarto na ako nila Peter at Sir Paul.

" Baka naman namali ka lang talaga ng pasok ng kwarto akala mo eh sayong kwarto dahil nga sa nahihilo ka?

" Pero hindi eh! Hindi ako pwedeng magkamali sa kwarto ako natulog kanina , nagising lang ako ng may maramdaman akong kakaiba sa Labas ng pintuan ko! Tapos nagdilim na ang paningin ko! Salaysay ni alice.

" Sure kaba na nakita mo ang itim na Anino na nasa harap mo?

" Oo kitang kita ko sya Bernard! At bigla nalang akong nawalan ng malay! Tapos pag gising ko nasa loob na ako ng kwarto nila.

Tumayo si Bernard at may kinuha ito sa Bag nya , isang maliit na bola inilagay ni Beranrd sa loob ng kwarto ng mga ito at isa naman sa kwarto ni Alice.

Bumalik si Bernard sa kinauupuan ng dalaga.

" Para saan yang mga nolagay mo na bilog na parang bola na yan?

" Spiritual ball yan , kapag umilaw yan ibig sabihin narito sila , pero kapag hindi wala sila dito.

Ilang minuto pang naghinta ang dalawa sa resulta ng spiritual Ball ni Bernard. Ng biglang napatinggin ang mga ito sa bola na nasa loob ng kwarto nila Peter at Paul. Umiikot ito habang umiilaw ng ibat ibang kulay.

Napahawak si Alice sa braso ni Bernard , Kahit nakakakita ang dalaga ay hindi sya sanay sa mga ganitong ginagawa ni bernard.

" Nasa kwarto na sya! Anas ni bernard.

Tuminggin sa Orasan si Alice , alas syete na ng Gabi ibig sabihin oras na ng pagpasok ng Itim na Anino.

" Wag ka matakot , baka pinaglalaruan kana naman nya kanina! Anas ni Bernard.

" Sa twing nanghihina ako ano- ano ang nakikita ko!

" Kiukuha nya kasi ang lakas at paniniwala mo!

" Gustuhin ko man na labanan kaso hindi ko kaya , para akong nanghihina!

Tumayo si Bernard at kinuha ang bola na nasa loob ng Kwarto. Napahinto pa sya ng may marinig sya na boses.

" PAKIALAMERO KAAA!!! Dinig na dinig ni Bernard ang boses na yun.

" May narinig kaba Bernard? Tanong ni alice.

" Na ano?

" Merong nagsalit na parang galit , katulad din sya ng boses ng bumubulong saken! Anas nito.

" Wag mo na intindihin yun , mabuti pa eh magready nalang tayo ng pagkain , may dala akong baboy dyan na adobo!

Pansamantalang nawala ang kaba ni Alice dahil narin sa may kasama ang dalaga. Nagaasikaso ito ng makakain nila ni Bernard.

HousemateWhere stories live. Discover now