Kabanata 36

30 0 0
                                    

Tatlong araw nalang at kabilugan na ng buwan , malapit na ang oras para matigil na ang masamang kapangyarihan ng itim na Anino na si Rigor.

" Tatlong araw nalang Kanor at kabilugan na ng buwan kailangan na naten kumilos! Anas ni Simon sa anak na si Kanor.

" Kailangan pa naten ng tulong ng isang Albularyo Amang , mukhang hindi naten kakayanin ang kapangyarihang itim ni Rigor! Sagot ni Kanor.

" Kailangan naten ng isa pang magaling na mangagamot! Anas ni Simon at hinawakan ang itim na Metal na Krus na suot nito.

Samantalang Nakaramdam si Alice na parang umiinit ang katawan nito at para syang inaapoy ng lagnat kaya pagapang syang humingi ng saklolo sa mga kasama.

" P_eter! S_ir P_aul! Nahihirapang tawag ng dalaga sa mga ito.

Mabuti nalang at saktong iinom ng tubig ang binatang si Peter kaya naabutan nyang walang malay si Alice sa sahig sa harap ng pintuan ng kwarto mg mga ito.

" Aliceee?? Tawag ni Peter at agad na binuhat ni Peter si Alice.

" Inaapoy sya ng lagnat Peter kumuha ka ng Tubig sa Gripo dali! Utos ni Paul.

Mahihinang pag ingit lang ang nagawa ni Alice , hinang hina ang katawan nito na animoy nauupos na kandila.

Patakbong bumalik si Peter na dala na ang tubig at malinis na bimpo. Agad na nilagyan ni Paul ng bimpo ang nuo ni Alice.

" Peter tawagan mo kaya si Bernard? Utos ni Peter.

" Kanina ko pa nga tinatawagan pero hindi nya sinasagot baka busy pa sa trabaho! Sagot naman ni Peter habang hawak hawak ang celfone nito.

" Eh kung katukin na kaya naten ang Lolo ni Bernard sa Kabila? Tanong ni Paul.

" Si Tang Simon ? Eh di ngayon naniniwala kana saknila? Tanong pa ni Peter.

" Pwede ba wag kana madaming tanong pa dyan bilisan mo na! Inis na utos ni Paul sa binata.

Patakbong nagtunggo si Peter sa bahay ng Matandang Kanor , Hindi na ito nahirapang hanapin ang daan dahil sa nakapunta na ito nuon kasama ni Alice at Bernard. Naabutan ni Peter na bukas ang gate kaya pumasok na ito.

" Tang Simon? Tang Simoonn? Tawag ni Peter.

" Ta_ng!

" Ano ang kailangan mo? Tanong ng isang Lalaki na lumabas sa pinto ng matanda. Hindi sya maaring magkamali iyon si Mang Kanor ang tatay ni Bernard.

" Nariyan po ba si Tang Simon? Tanong ulit ni Peter.

" Pasok ka iho! Narinig ni Peter ang boses ni Simon.

" Tang Simon ! Kailangan po namin ng tulong nyo!

" Anong nangyari? Tanong ng matanda.

" Si Alice po kasi inaapoy ng lagnat sa bahay! Kanina ko pa po tinatawagan si Bernard pero hindi po nito sinasagot ang tawag ko! Sagot ni Peter.

Pumikit si Matandang Simon at may inusal na orasyon. Tuminggin ang matanda kay Kanor.

" Kailangan nateng madala dito si Alice bago sumapit ang ika anim ng hapon! Amas ni Simon.

Napatinggin si Peter at kanor sa orasan sampung minuto nalang ayag aalas sais na ng hapon.

" Magmadali kayo! Utos ni Matandang Simon.

Samantalang sa bahay ng mga ito ay mahimbing na natutulog si Alice habang nag aasikaso si Paul sa kusina ng mga ito.

" Nasaan na kaya ang Peter na yun! Anas ni Paul sa sarili at pinagpaguloy ang ginagawang paghuhugas ng mga plato.

HousemateWhere stories live. Discover now