Kabanata 44

29 1 0
                                    

Pagod na pagod ang lahat dahil sa pakikipag tuos ulit ng mga ito kay Rigor.

" Grabe talaga tong si Rigor hindi ba sya talaga napapagod? Tanong ni Peter.

" May napaoagod bang Kaluluwa? Baliw ka talaga! Anas ni Paul at napailing iling itong napasnadal sa dingding. Iniinda nito ang kanyang balikat dahil sa pagkatama nito sa Dingding kanina.

Maayos narin si Kanor at ang iba pa. Si Alice naman ay nagpapahinga parin sa kama nito.

" Mang Lando ayos lang po ba kayo? Tanong ni Bernard dito.

" Oo Iho! Okay na okay na ako! Salamat sa Kwintas na bigay ni Mang Tasyo! Anas ni Lando.

" Ngayong kumpleto na ang Sandata naten para sa Ritwal ay sinisigurado kong makukulong na si Rigor sa Sagradong garapon at kahit kailan ay hindi na ito makakalabas pa! Si Simon.

" Gagawin ko po ang Lahat Lo! Para matapos na ang lahat ng ito at makabalik na tayo sa normal nateng buhay! Si Bernard.

" Mamaya bago pumatak ang alas sais ng hapon ay kailangan na nateng proteksyunan ang bahay na ito para sa pagdating ni Rigor! Si Ka Maryo.

" Kailangan din naten na maging handa dahil siguradong ibibigay na ni Rigor ang buong itim na kapangyarihan nya sa atin at tuluyang makukuha ang Kaluluwa ni Alice! Si Kanor.

Kinilabutan naman si Peter at Paul sa huling sinabi ni Matandang Simon , mung sa gayon kapag natalo sila ng Itim na Anino ay makukuha narin nito ang kaluluwa ni Alice. Mas lalong kinilabutan ang dalawa sa kakaharapin na laban ng mga ito mamaya kay Rigor.

" Kayong dalawa! Tawag ni Simon.

" Yes po Tay Simon? Dueto pa ng dalasa at napahinto sa pag inom ng kape.

" Kakailanganin din namin ang mga tulong nyo! Si Simon.

" Paano po kami makakatulong s ainyo? Gayong wala naman po kaming kaalaman gaya sa mga orasyon na sinasabi nyo? Tanong ni Peter.

" Malaki ang maitutulong nyo para magapi ang kasamaan ! Anas ni Simon at Sinabi ng matanda ang kanilang magihing partisipasyon mamaya maging si Lando.

" Makaasa po kayo samin Tay Simon! Sagot pa ng dalawa.

Habang kumakain ang ilan ay naghanda narin si Ka Maryo , at Kanor na lagyan ng mga Pulang Papel ang bawat sulok ng bahay , Ang bintana at Pinto labas at sa loob para sa gagawin nilang ritwal mamaya.

" Pa! Tawag ni Alice sa Ama

Agad na nagtunggo si Lando sa kwarto ng dalaga. Naabutan ni Lando na nakatinggin ang Anak sa Mga tali nito sa kamay at papa , bago ang panaling iyon Pulang lubid at may Kakaibang Nakasabit na animoy bala ng baril ang mga iyon.

" Ano yun Anak? Tanong ni Lando.

" Para saan po ito? Tanong ni Alice.

" Anak mamaya na ang nakatakdang ritwal para hulihin ang Aninong itim na si Rigor magiging Proteksyon mo iyan para sa pagsanib ng kaluluwa nya sa katawan mo!

" Alam ko po na magagapi nila ang Itim na Anino! At kung hindi man po ay palagi nyo pong tatandaan na mahal na mahal ko kayo ni Mama at ng mga kapatid ko. Si Alice.

" Wag ka magsasalita ng ganyan Anak, Maniwala ka sa itaas na ililigtas nya tayo sa masamang kapangyarihan ni Rigor at makakauwi na tayong ligtas!

" P_ero hindi ko na po alam kung kakayanin pa ng katawan ko ang kalabanin si Rigor sa katawan ko , Nanghihina na po ako Pa at nahihirapan! Tumulo ang mga luha ni Alice dahil sa sinasapit nito.

Ayaw man ipakita ni Lando ang habag sa anak ay hindi narin nito naowasan na maiyak dahil sa sinapit ng anak. Habang sa labas naman ng kwatto ay tahimik lang ang lahat sa pag uusap ng Mag Ama.

Napakuyom pa ang mga palad ni Bernard at napahawak sa Kwintas na suot nito.

" Hindi ako paoayag na hindi ka namin makuling sa Sagradong garapon Rigor! Madiing anas ni Bernard.

Kita naman ni Kanor at Simon ang galit sa mukha ng Apo at Anak na si Bernard , alam ng mga ito kung gaano kagalaiti si Bernard na mapuksa si Rigor at ito ang kailangang Bawasan ng Binata para hindi mawala ang Focus sa gagawing ritwal nito.

" Anak huminahon ka , alam kung mananali tayo sa Kapangayarihan ni Rigor! Anas ni Kanor.

" Oo Apo at alam ko rin na matapang ang iniibig mong si Alice kaya alam kung mapagtatagumpayan nyong pareho ang laban nyo sa Itim na anino! Pagpapalakas pa ng loob ni Simon.

" Wag mong sayangin ang lakas mo sa Galit na nararamdaman mo kay Rigor ,gamitin mo ang Liwanag ng isip , Malinis at payapang puso mo para magawa mo ng Buong lakas ang Ritwal sa paghuli sa Anino! Si Kanor at tinapik pa ang binata.

" Kayang kaya mo yan Bernard! Cheer din ng dalawa.

Natapos na ang paglalagay ng mga Pulang papel sa Bawat sulok at nakaayos narin ang lugar na pag gagawan ng ritwal. Nakahanda na ang mga kagamitan na pupuksa at gagamitin sa paghuli sa Aninong Itim na Si Rigor.

Nagapasyang magpahinga muna ang mga ito para may lakas ang lahat mamaya sa pagsalakay ni Rigor. Gising na gising si Alice habang nakatinggin sa mga kasamahaan , kita ng dalaga ang Pagod at awa sa Mga hitsura ng bawat isa , napatinggin sya sa nakahigang Ama na Si Lando.

" Jenny! Anas ni Alice ng makitang papalapit si Jenny sa Amang si Lando.

" Anong gagawin mo sa Papa ko? Tanong ni Alice sa kaluluwang si Jenny.

Tuminggin lang ito at ngumiti , lumapit si Jenny sa natutulog na si Lando at itinaas ni Jenny ang kanyang Kanang kamay at inilagay sa balikat ni Lando. Kitang kita ni Alice ang Paglabas ng Puting usok sa kamay ni Jenny patungo sa Balikat ng ama.

Maya maya ay tumingin si Jenny kay Alice at tumayo ito at narinig ni Alice ang masayang halakhak ni Jenny.

Nakatinggin lang si Jenny sa Nakahigang Ama.

" Anak okay ka lang ba? Tanong ni Lando ng maalimpungatan ito.

Nakatayo ito ng mabilis na parang walang iniindang sakit. Napahinto pa si Lando sa paglapit kay Alice ng Ipihit pihit nito ang kanyang Leeg at  iikot ang Balikat nito at ngumiti.

Napaisip si Alice sa kinilos ng ama , ibig sabihin ay pinagaling ni Jenny ang Ama nyang si Lando. Nabuo sa isipan ni Laice kung bakit ginawa iyon ni Jenny sa Ama nyang si Lando.

" May gusto kaba anak? Tanong ni Lando dito.

Umiiling kang ito at buong tamis na ngumiti sa Amang si Lando.

" Magpahinga ka dyan Anak , para mabawi mo ang iyong lakas! Anas ni Lando.

" Makita ko lang po na okay kayong lahat ay lumalakas din po ako Pa! Nakangiting si Alice.

Bumalik na si Lando ulit sa pagkakahiga at Naiwan naman si Alice na nakatinggin sa Kisame at napadako ang mga mata nito sa Nakapakong Krus sa dingding sa paahan ng kama nya.

" Panginoon ikaw na po ang bahala saken mamaya! Alam ko po na hinding hindi mo kami papayagan na mapahamak ,.alam ko na walang kasamaan ang nagwawagi sa kabutihan , Ikaw na po ang bahalang magbigay ng mapagpalang kapangyarihan mo kay Bernard , Tay Simon ,.Mang Kanor at Karyo para puksain ang masamang aninong si Rigor , ingatan at iligtas mo din po si Papa at ang aking mga kaibigang si Paul at Peter , proteksyunan at patawarin mo po lahat ng kaluluwamg nahihirapan at nakakulong s aitim na kaoangyarihan ni Rigor! Lahat po ng ito ay hinihiling ng aking puso sa pangalan nyo Amen...

Dumaloy ang mainit na Luha sa mga mata ni Alice , Pinauubaya na ng dalaga ang kanyang kapalaran sa poong maykapal. Pinikit ni Alice ang kanyang mga mata at pinapayapa ang kanyang kalooban.

HousemateWhere stories live. Discover now