Kabanata 14

44 2 0
                                    

      Matutulog sana si Alice , dahil nakakaramdam ito ng pagkaantok pero biglang tumunog ang Celfone nito. Rumihistro ang Pangalan ng Papa nito. Agad na sinagot ito ng Dalaga.

" Hello Alice! Narito ako sa bahay ni Ka Maryo at gusto ka nyang makausap!

" Sige po Pa! Ibigay mo po saknya ang Celfone! Utos ni Alice.

" Hello Iha! Anas ni Ka Maryo.

" Hello Ka Maryo!

" Nakita ko ang kalagayan mo dyan sa bahay nyo! Mas maganda kung aalis ka dyan sa bahay na yan sa madaling panahon!

" Ano po?

" Mas magandang lumipat kana lang na matitirahan , hindi ka tatantanan ng nilalang na itim dyan sa bahay nyo habang naririyan kayo!

" Pero ayaw naman po nilang maniwala saken na may kakaiba dito s bahay!

" Hayaan mo lang sila pero dapat ikaw ang makaalis dyan sa mabilis na panahon , wag mo na hintayin na kunin ka pa nya at maging habang buhay na kasama na dyan sa bahay nila!

Bigla akong nakaramdam ng matinding takot sa sinabi ni Ka Maryo , sa gayon eh lalo pang lalala ang mga Allergies ko habang narito ako?

" Igala mo ako sa buong kabahayan nyo Iha! Utos ni Ka Maryo.

Iginala ni Alice gamit ang Celfone at ipinakita nito ang kabuohan ng Bahay.

" Huminto ka!

Agad na huminto si Alice sa loob ng Kwarto nila Peter.

" Dito sya palaging namamalagi , tirahan nya ang lugar na iyan! Kaya kapag anumang gamit ang nakakalat dyan ay hayaan mo lang dahil pagmamaya ari nya lahat ng nasa kwarto na yan!

Agad na lumabas si Alice sa kwarto ng makaramdam ng kakaiba sa loob ,takot at lakas ng kabog ng dibdib ang nararamdaman ni Alice sa oras na iyon.

" At hindi sya nagiisa Iha! Naroon naman ang tirahan ng Batang babae sa sulok malapit sa banyo ng bahay! Mapaglaro ang batang yan kaya magiingat ka!

Biglang naalala ni Alice ang naranasan nito ng gabing nakahiga sya sa Sala na parang may kakaibang enerhiya na nakaupo sa sulok ng Bahay malamang ito na ang sinasabi ni Ka Maryo.

Iginala pa ni Alice ang matanda sa Bahay.

" Napakadaming nilalang sa bahay na yan , kaya kailangan mo ng mkaalis sa bahay na yan sa lalong madaling panahon! Maniwala ka mas matindi pa ang mararanasan mong sakit habang nakatira ka sa teritoryo nila!

Tinuruan din ni Ka Maryo si Alice ng gagawin kapag lumipat na ang dalaga , at mga bagay na dapat nyang gawin habang nasa bahay si Alice.

" Wag matigas ang ulo Alice , sundin mo lahat ng sinasabi ni Ka Maryo para sa ikabubuti mo! Bilin pa ng Papa nito.

Tumango naman si Alice at natapos na ang video call ng mga ito. Mag aalas Otcho na ng Gabi kaya nagpasya na si Alice na maghapunan.

Abala sa pagsubo ng kinakain nitong Kanina at gulay na amapalaya ang dalaga ng marinig nito ang tila ba naglalaro ng Seradora ng pinto sa labas.

Hindi maalis ni Alice ang mga mata sa seradora na animoy may naglalaro dito , kinilabutan din si alice ng matindi ng marinig nito ang halakhak ng isang batang babae.

" In Jesus Name! Anas ni alice at nag sign of the cross pa.

Ito na siguro yung sinasabi ni Ka Maryo na batang babae na nakatira sa Bahay na ito , Hindi parin inalis ni alice ang mata nito sa Pintuan ng bahay , kailangan nyang tatagan at tapangan ang loob gaya ng sabi ni Ka Maryo para hindi maramdaman ng mga nilalang na Mahina ang loob ng dalaga. Ito daw kasi ang nagiging lakas ng mga ito kapag nakikita nilang natatakot at pinanghihinaan ng loob ang dalaga.

Agad na tumayo si Alice at pinukpok ang Pinto para mawala ang tunog ng naglalaro sa pintuan. Narinig din nito ang mabilis na yabag ng paa na animoy bumaba ng hagdan.

Sinabi kasi ni ka Maryo na Pag sapit ng alas syete ay dun palang pumapasok ang Itim na anino sa loob ng bahay at ang iba apa ay sa pagsapit naman ng Alas Dose ng Gabi.

Sinabi din nito na umaalis ang mga ito sa umaga kasabay ng pag alis ng mga tao sa bahay , sumsabay ito sa paglabas ng pintuan.

Nagkaroon ng kaibigan si Alice si Bernard at napag alam nito na may alam din pala ito sa mga kaluluwa kaya naman nagkasundo ang dalawa.

Nagpasya si Alice na imbitahan si bernard sa bahay ng mga ito para ipasuri kung nararamdaman at same din ba sa nakikita nila ang makikita nito. Hindi ikinuwento ni Alice kay Bernard ang tungkol sa nangyayaring kakaiba sa bahay at ang mga housemate na na hindi nakikita.

" Owwwww!!!!! Anas ni Bernard ng sunduin ko ito sa Ibaba ng hagdan.

" Bakit? Tanong ko dito.

" Bad awra! Sabi pa nito.

Hinihintay ko din kung anong sasabihin nito , kung nakikita rin ba nito ang mga Housemate namin sa bahay.

" Upo ka muna pasensya kana huh? Magulo pa ang bahay dipa ako nakakapaglinis kasi nanghihina ang katawan ko.

" Inaagaw kasi nila ang energy mo , gusto nila na mahina ka lang! Anas nito.

Napakunot ang nuo ko at parang may hinihintay na sabihin ito.

" May kakaiba sa bahay na ito Alice , bakit kaya hindi kana lang lumipat ng tirahan ! Anas nito habang iniikot at sinisilip ang bawa pinto at paligid.

Naitanong din nito ang nakatira sa bahay na luma sa tabi ng bahay namin. At ipinasara nito ang Bintana na katapat ng bahay na nasa gilid namin.

" Kakaiba ang nandito sa bahay nyo , napakadami nila , pero may nagiisang naghahari sa bahay na to at ayaw nya na may ibang nakatira dito maliban sayo na tao!

" Huh? Wag mo nga akong takutin Bernard!

" Wag kang matakot sakanila , kasi mas lalo silang nagiging masaya na Paglaruan ka ! Kamusta na pala ang mga allergies mo okay na ba? Tanong nito.

" Wala padin pagbabago parang lumalala pa nga sila , bumaba na din ang bp ko dahil sa hindi ako nakakatulog sa gabi! Kwento ko pa.

" Kapag kasi matutulog ka tawagan mo ako para may kasama ka , sabihan mo din ang kasama mo na linisin nya ang kwarto nya para hindi nagagalit ang nakatira dito! Saad pa ni Bernard.

" Sa tinggin mo sino kaya nakatira dito? Kunyaring tanong ko dito.

" Gusto mo ba sila makita? At makilala at malaman kung bakit sila nagagalit sa inyo? Tanong ni bernard.

Biglang kinilabutan si alice sa mga sinabi ni bernard.

" Hala kakausapin naten sila? Tanong ko

" Kung gusto mo , kailangan lang naten ng kandila at ilalagay naten sa gitna ng sala at dito tayo sa loob ng kwarto mo magmamasid , makikita mo na naroon sila nakapalibot sa ilaw ng kandila!

" Ayoko bernard , natatakot ako! Kahit may 3rd eye ako ewan ko ba bakit napanghihinaan ako ng loob sa bahay nato! Naiiyak kung anas dito.

" Ikaw bahala., Basta sabihan mo lang ako kapag gusto mo malaman kung sino-sino sila dito! Lalo na yung Itim na anino na nasa kwarto ng mga kasama mo!

Mas pinanindigan ako ng balahibo dahil tama din at kaparehas ng sinabi ni Bernard ang Sinabi ni Mang Tasyo , Ni Papa , Ka Maryo at ang nakikita ko sa hagdan at pumapsok sa loob ng kwarto nila Peter.

Naikwento rin ni bernard habang nagtatali ito ng sapatos dahil uuwi na ito, na Ang favorite tambayan ng Itim na anino ay Sa itaas na hagdan kung saan malimit na nauupo nuon si Alice kapag nagkakape sila ni Warren sa hagdan.

Hinabilinan din ni bernard ang kaibigan na wag lilinisin ang mga kalat na nasa loob ng kwarto nila peter dahil pagmamay ari ng Anino ang Lugar na iyon , iwasan din ni Alice na magsabi ng kung ano anong bagay sa sala para hindi magalit ang mga nakatira duon, linisin din nito at walisan ang Sala. Dahil para sa mga kalukuwa na nakatira duon ay sila ang may ari ng bahay at sila Alice lang ang nakikitira.

HousemateWhere stories live. Discover now