Kabanata 26

29 2 0
                                    

                     Nagising si Alice ng makaamoy ito ng maanghang na amoy. Nakita ni Alice ang mga kasama at pati narin si Bernard. Bakas sa mga mukha nito ang pag aalala.

     " Bakit ka nandito? Anong oras na diba may trabaho kapa bukas? Tanong ni Alice kay Bernard.

     " Ano kaba wag mo ngang isipin ang trabaho ko bukas , kamusta na ang pakiramdam mo? Tanong nito.

                    Naupo si Alice at inalalayan naman ni Bernard ito. Habang hindi naman mapakali si Peter sa kakalakad.

     " Ano ba Peter , umupo ka nga dyan , para kang hindi mapaanak na pusa dyan! Sita ni Paul kay Peter.

    " Nakita ko sya Bernard , nakita ko sya! Paulit ulit na sinasabi ni Alice.

    " Sino ang nakita mo sa kanila Alice? Tanong ni Bernard.

    " Si Mila! Sagot nito.

    " Sinong Mila alice? Tanong ni Paul.

    " Ang babaeng nakaputi na nakatira dito sa bahay! Sagot ni Alice.

    " Nakatira dito sa bahay? Nakaputi? Ano ba pinagsasabi mo Alice.

    " Pwede ba hayaan mo muna syang magkwento! Saway naman ni Bernard kay Paul.

                    Napailing nalang ang binatang si Paul , Hindi kasi talaga naniniwala si paul sa mga kababalaghan kaya nahihirapan syang paniwalaan ang mga ito.

                    Samantalang ikinuwento ni Alice ang nangyari sa kanyang panaginip , nakikinig lang naman si Bernard at Ang dalawang kasama nito sa mga kwento ni Alice. Halata sa mukha ni Peter ang pagkatakot , naniniwala ang Binatang si Peter sa mga nakikita ni Alice dahil mismong sya ay nakakaramdam narin sa bahay.

     " Sinabi ko naman sayo na wag na wag kang makakalimot na magdasal bago ka matulog ! Si Bernard kay Alice.

    " Nagdasal naman ako kanina bago ako dalawin ng Antok , pero pilit parin akong dinadalaw ng mga kung ano - anong panaginip! Alam mo naman na hindi lang ito amg unang beses na ipakita saken ng itim na anino kung anong mga nangyari sa mga nakatira dito! Si Alice.

     " Mga nakatira? Sinong Itim na anino? Hindi ko maintindihan! Si paul.

     " Hindi mo talaga sya maiintindihan dahil hindi ka naman naniniwala sakanila! Si Bernard.

     " Dahil wala naman talagang mga multo ano ba kayo ,iniisip nyo lang kasi yan kaya kung ano ano ang mga nakikita nyo! Si Paul at pumasok na ito sa Kwarto.

                      Naiiling nalng si peter sa inaasal ni Paul. Hinayaan nalng din ni Alice at Bernard ito wala naman silang magagawa kung hindi ito naniniwala sa mga kaluluwa.

     " Basta ako naniniwala ako sayo Alice! Si Peter at Pasilip silip pa ito sa kwarto nila ni Paul.

     " Akala ko Bro hindi ka rin naniniwala eh! Anas ni Bernard.

     " Naniniwala ako , lalo na nung nakarinig ako ng mga halakhak ng batang babae nung kami lang dalawa dito nuon ni Alice! Pahayag nito.

     " Halakhak ng Bata? Tanong ni Bernard.

     " Oo kaya alam kung hindi lang kami ang nakatira dito, hindi ko ito kinuwento kahit kanino dahil baka hindi nila ako paniwalaan at baka mas lalong madagdagan ang kababalaghan dito sa bhay! Mahinang anas ni Peter na animoy ayaw marinig ni Paul.

     " Si Jenny ang naririnig mo! Sagot ni Alice at napatinggin sa nakaupong si Jenny sa Sulok ng Bahay.

     " Jenny? Sino sya alice? Natatakot na tanong ni Peter.

     " Yung naririnig mo Bro na tumatawa si Jenny yun, sa katunayan nariyan nga sya sa sulok ng bahay! Anas ni Bernard at tuminggin din sa kinaroonan ng bata.

     " Wag nga kayo magbiro ng ganyan! Takot na si Peter.

     " Sabi mo naniniwala ka samin ni Bernard? Tanong ni alice dito.

     " Naniniwala ako pero wag nyo na saken sabihin kung nasaan baka mamaya hindi na ako makaihi sa madaling araw.!

                       Nagkatawanan naman si Bernard at alice sa sinabi ni Peter.

     " Mabuti pa ay magpahinga nalang kayo! Si Bernard.

     " Mabuti pa Bro na dito kana lang matulog mamaya kana lang umuwi na umaga , delikado narin kung uuwi ka alas tres na ng madaling araw! Anyaya ni peter.

     " Kaya nga Bernard dumito kana lang muna baka mapano kapa! Si Alice.

     " Sige dito nalng din ako sa sala para nababantayan ko si Alice! Sagot nito kay peter.

                     Bumalik na si Peter sa kwarto nito , nakapikit narin si Paul habang nakapasak ang earphone nito sa magkabilang tenga. Habang si Alice naman ay nahiga narin at kinapa ang kumukulong lana narito kasi lahat ng mga nakatira sa bahay kaya walang palya ang pagkulo nito. Si Bernard naman ay humiga na sa Sala , hindi narin nito pinatay ang mga ilaw sa buong bahay para hindi narin masyado matakot ang mga ito lalo na si Alice.

                     Ipinikit na ni Bernard ang mga mata nito. Pero nakikiramdam sya sa paligid ng bahay. Alam kasi nyang alam ng mga kaluluwa duon na nakikita sila ni Bernard. Minsan pa ngang Hinahawak ng Matandang lalaki ang buhok ni Bernard pero hindi kumikibo ang binata. Samantalang Pinipitik naman ng Lalaki na nakasuot ng pansundalo ang tengga ng binata , pero hinahawakan lang iyon ni bernard na animoy dinapuan lang ng Lamok. Maya maya ay naramdaman ni bernard na unti unti ng lumalayo ang mga ito sa kinahijigaan nya.

      " PAKIALAMERO KA TALAGA!!!!  Anas ng isang malagong na boses ng lalaki. Boses ito marahil ng Itim na anino.

                     Pero hindi ito pinansin ni Bernard nanatiling nakapikit ang mga mata ng binata , siguradong galit na galit na naman saknya ang Anino na iyon dahil sa pagtulong nya sa dalagang si Alice. Alam ng anino na ito na may kakayahan si Bernard tungkol sa mga kagaya nyang Ibang Elemento kaya galit na galit ito sa binata.

                     Habang sa kabilang dako ng bahay ng mga ito sa bahay ng matandang simon ay lihim din itong nakikiramdam sa mga nangyayari sa kabilang bahay.

     " Hindi kaparin talaga tumitigil sa pananakot at pagpapahirap sa mga taong nainirahan sa bahay na iyan RIGOR!

     " MANAHIMIK KA TANDA! WALA KA NG MAGAGAWA DAHIL MATANDA KANA , KUNG DATING NATALO MO AKO NGAYON AY HINDI NA MATANDA KANA! Sigaw ni Rigor sa matandang si Simon at narinig nito ang nakakakilabot na halakhak ni Rigor.

                     Napabangon si Alice maging si Bernard.

     " Tang Simon! Anas ng dalawa.

                    Lumabas ng kwarto si Alice at naabutan nito na nakaupo si Bernard habang nakatinggin sa bintana ng Sala ng mga ito.

    " Narinig mo din sya? Tanong ni Alice kay Bernard.

                   Tumango si Bernard kay Alice at napatingginat kumapit si Bernard aa suot nitong Kwintas na bigay saknya ng yumao nyang ina.

    " Kung sa Gayon kilala pala ni Tang Simon ang Itim na Anino na iyon? Tanong ni alice kay Bernard.

   " Kailangan naten puntahan si Tang Simon bukas anas ni Bernard!

                   Bumalik na sa kwarto si Alice at muling bumalik sa pagkakahiga si Bernard. Kailangan nilang makausap si Tang Simon para malaman kung anong nalalaman nya tungkol sa Itim na Anino na naninirahan sa bahay nila Alice.

HousemateWhere stories live. Discover now