Kabanata 3

84 2 0
                                    

       Agad na nagligpit na ng gamit nito si Alice at ang mga kasama nito para makaalis na sa Hotel na tinutuluyan nila.

Isa isa ng nagsipaglabasan ang mga ito.

" Okay ka lang ba? Tulungan na kita? Tanong ni Peter kay Alice.

" Okay lang ako mauna na kayo magsasapatos lang ako! Sagot ni Alice.

Naiwan si Alice sa kwarto , napahinto ito sa pagsusuot ng sapatos ng makaamoy ito ng bulaklak.

Pero sa totoo lang hindi naman ako natatakot sa mga kaluluwa normal na ito saken pero bakit ngayon parang naduduwag ata ako. Nagmadali na ako sa pagsusuot ng sapatos at inaliw nalng ang sarili , pagkatapos ay sinukbit ko na ang bagpack ko. Akma kung sasarado ang pinto ng Kwarto ng makita ko ang isang babaeng duguan at umiiyak na nakatinggin saken habang papasara ang pinto ng kwarto.

" Aliceeee! Nagulat pa ako ng biglang tawagin ni Peter ang pangalan ko.

Napatinggin ako dito at nakita ko naman ang pagtataka nito sa mukha.

" Ano na naman ba ang nakita mo huh? May takot na tanong ni Peter sa akin.

" Wala! Tara na at baka hinahanap na nila tayo! Sagot ko.

Nagpasalamat at humingi ng paumanhin ang receptionist ng Hotel sa nangyaring kababalaghan kagabi , hindi na sana kami nito pag babayarin pero nagpumilit si Sir Paul na bayaran ito.

Nagtunggo muna kami sa Office namin at inilagay ang mga gamit namin para makapagsimula narin kaming makahanap ng bahay.

Ilang mga kanto at baranggay na ang naiikot namin pero wala parin kaming makita , kaya naman nagdesisyon kami na maghiwa- hiwalay sa paghahanap para naman mapabilis kami. Nagpatuloy kami sa paghahanap ng mauupahan ng tumunog ang Celfone ko.

" Hello Sir Paul! Anas ko.

" Hello Alice , sabihan mo sila Warren at Peter na magready na at ayusin na ang mga gamit naten dyan , kasi meron na kaming nakitang mauupahan! Balita ni Sir Paul.

Agad kung sinabi ito sa mga kasamahan ko para makapgready na kami , sa totoo lang gusto ko na talaga makahanap ng bahay para makapagpahinga ng maayos. Hindi na kasi ako dinalaw ng antok dahil sa nangyari kagabi. Ichinat nalang ni Sir Paul ang address na pupuntahan namin dala - dala ang mga gamit namin.

" Grabe , nakakatuwa dito sa CDO noh? Medyo malayo yung lugar pero ang mura lang ng pamasahe! Si Warren.

" Oo nga samantalang saten sa Manila ilang kilometro lang yung 100 pesos mo kulang pa! Natatawa ko namang anas sa mga ito.

" Kaya nga eh , sana yung lipatan naten okay naman sana at syempre abot ng budget naten , alam nyo naman naguumpisa palang tayo ulit dito sa CDO! Sago naman ni Peter.

" Wag kayong mag - alala sobrang Barato lang ang mga bahay dito , siguradong kayang kaya nyo yan! Si Xander isa sa mga Business partner namin.

" Salamat nga pala xander huh sinamahan mo kami, alam mo na first time namin dito sa cDO at struggle pa kami sa lenggwahe nyo! Kakamot kamot pang pasasalamat ni warren kay xander.

" Naku wala yun , tsaka ano ba kayo iisang pamilya tayo dito , kami magiging pamilya nyo dito habang nasa naririto kayo! Sagot ni Xander.

Maya - maya pa ay nakarating na kami sa lugar kung saan kami dapat bumaba. Hinihintay nalang namin na dumating si Sir Paul at Sir Alex para sunduin kami papunta sa uupahan naming bahay.

" Oh andyan na pala sila eh! Si Peter at itinuro sila Sir Paul.

" Okay guys! Finally may nahanap na kami ni Alex , maganda sya at medyo mura at ang goodnews pa eh kamag anak sya ni Sir Meynard sa Manila. Pagbabalita ni Sir Paul.

" Wow talaga ba? Eh di ibig sabihin nyan makakadiscount tayo? Si Peter.

" Ayun na nga , oo nakausap ko na si Ate , medyo binawasan nya ang upa kasi kilala naman nya si Sir Meynard! Si Sir Alex.

" Ayun eh di Goodnews! Sigaw naman ni Warren.

Tinulungan ni Xander si Alice na dalhin ang backpack nito. Pumasok kami sa isang maliit na eskinita na tanging motorsiklo lang ang kasya sa daanan. Dikit dikit na kabahayan ang dinaanan namin , isang lumang bahay ang hinintuan namin.

" Oh andito na tayo! Si Sir Paul.

Maayos naman ang paligid , napakadaming puno ng prutas , may makopa , Bayabas , Atis , at puno ng suha. Hitik sa bunga ang mga puno dito.

" Hello Ate , mga kasama ko po pala ! Si Sir Paul at pinakilala kami isa isa nito.

" Kayo na ang bahala sa paglilinis ng bahay malinis naman sya pero mas okay din na linisin nyo nalng sya ulit.

" Sige po ate kami na po ang bahala!

Umakyat kami sa isang kahoy na hagdan , dalawang pinto ang naroon na parehong nakabukas.

" Sya nga pala kayo na ang mamili kung saan kayo komportable na kwarto! Anas ni Ate na may ari ng bahay.

" Oh guys , pasok tayo sa unang pinto! Si sir Paul.

Pumasok ako sa unang pinto , at sinuri ang loob ng bahay , pumasok ako sa isang maliit na kwarto , dalawa ang kwarto nito sa loob tamang tama dahil puro kalalakihan ang kasama ko.

" Ano sa tinggin nyo? Tanong ni Paul.

" Okay naman sya pero medyo parang mainit! Sagot ni warren.

" Ikaw Alice?

" Okay lang ba na tinggnan naten yung kabila? Tanong ko kay Sir Paul.

" Oo naman para makapili kayo kung saan kayo mas komportable! Sagot ni Ate.

Pumasok kami sa ikalawang bahay. Maaliwas naman ang paligid meron din dalawang kwarto sa loob at malinis na banyo , medyo mainit din pero di naman kagaya sakabila na medyo weir ang feeling ko. Medyo mabigat kasi ang pakiramdam ko sa unang bahay na pinasok namin. Kaya nagdecide ako na tingnan ang pangalawa.

" Oh dito medyo maaliwalas at masaya ang kulay ng bahay! Si Peter.

" Oo nga tsaka tingnan nyo may mga kapitbahay sa kabilang bintana! Si warren.

Sinilip ko ang bintana na sinasabi ni Warren ,isang lumang bahay at tanging Kurtina lang ang nakatabing sa bintana nito , nakita ko din na parang may tao sa loob pero madili at tanging lampara lang ang meron sa loob.

" Ano okay na ba tayo dito? Tanong ni Sir Paul.

" Okay na okay! Sabay pang sigaw ng dalawa.

Dahil okay naman saknila ay wala narin akong nasabi kundi ang Okay , kesa naman sa wlaa na naman kaming matutuluyan ngayong gabi.

Pinili ng tatlong lalaki ang unang kwarto at ako naman sa dulong kwarto. Inilagay ko ang mga gamit ko sa kwarto at naupo. Medyo kakaiba ang pakiramdam ko sa bahay na tutuluyan namin pero gusto kong iwaksi yun sa isip ko. Tutal madami naman kaming magkakasama sa bahay.

Ilang oras pa at nagpasya na kaming bumalik muna sa Office at mamaya nalng pag uwi namin kami maglilinis ng bahay.

" Oh. Peter patayin mo lahat ng ilaw huh? Utos ni Sir paul.

" Okay po!

Pababa na kami ng hagdan ng makita ko na parang may anino na itim na pumasok sa bahay na tutuluyan namin.

Ano na naman kayang kababalaghan ang mararamasan ng dalagang si alice sa bago nilang tirahan?

HousemateWhere stories live. Discover now