Kabanata 12

63 1 0
                                    

       Nakahiga si Alice sa Sala , balot ng kaba at takot ang puso nito na dati naman na hindi nito nararamdaman sa twing makakaramdam at makakakita ng mga kalukuwa pero sa bahay na ito ay talagang naduduwag ang dalaga.

Nililibot ng tinggin ng dalaga ang kabuuhan ng bahay , nais man nitong pumikit para makapagpahinga pero parang napakadaming mata ang nakatinggin saknya. Hindi parin dalawin ng antok ang dalaga.

Maya maya pa ay naramdaman ni Alice na parang may kung anong enerhiya ang naramdaman nya sa may sulok ng bahay na malapit sa banyo. Naramdan nito ang tila ba'y parang nakaupo sa Sulok na nilalang , bagamat hindi naman nya ito nakita. Binuksan din ni Alice ang lahat ng ilaw para hindi rin ito matakot.

" Dyosko naman Peter ano bang oras ka uuwi? Tanong ni Alice sa Sarili habang nakatinggin sa Orasan ng celfone nito.

Mag aalas Onse na kasi ng gabi pero wala pa din ang kasama nitong si Peter. Sobrang kinabahan din si Alice ng biglang makarinig ito ng naguusap na mga lalaki , gaya nga noong una hindi na naman maintindihan ng dalaga ang mga sinasabi nito dati sa bisaya ang lengwahe nayun.

Para maibsan ang takot na nararamdaman ni Alice ay nagpasya itong magsoundtrip na lamang , nilakasan nito ang Music sa Celfone para mawala din ang katahimikan na nababalot sa buong bahay.

Habang nakikinig ito ng music ay kasabay din nito ang pagkamot sa mga Butlig na nasa katawan ni Alice.

" Ano ba naman kasi to? Tanong ulit ni Alice sa sarili.

" I know wala akong allergy sa kahit anong pagkain! Pero bakit nagkaganito ang balat ko?

Nakarinig si Alice na parang may taong papaakyat sa Hagdan. Hinhintay nito na tumawag at kumatok si Peter para malaman nyang ang binata ito. Ilang minuto ng naghihintay si Alice pero walang peter ang kumakatok. Bagkus isang malakas na dagundong sa bubungan ng bahay ng mga ito ang nakapagpatayo at nakapanindig balahibo na narandaman ni Alice.

" Kainis ka talaga Peter , bakit ba parang ayaw mo na umuwi! Inis na inis at halos murahin na sa isip ng dalaga ang binatang si Peter.

Kinuha nito ang celfone at Agad na nagchat sa mga kasamahan nito sa office para tanungin kung naroon paba si Peter.

" Wala na eh mukhang kakaalis lang! Sagot sa chat ni Brenda.

" Anak ka talaga ng pating eh sino kaya yung umaakyat kanina sa hagdan? Tanong ni Alice sa sarili at nag sign of the cross pa.

" Tapangan mo nga ang sarili mo Alice , ano kaba normal naman to eh bakit ngayon parang naduduwag ka? Pinagagalitan ni Alice ang sarili nito.

Mas nakapagpatindig pa ng balahibo nito ng marinig na umiiyak ang mga pusa na animoy batang sanggol na umiiyak. Agad na lumaki ang ulo ni Alice at nanindig ang balahibo nito.

Ayon kasi sa mga sabi-sabi sa probinsya na kapag ganitong umiiyak ang mga pusa na animoy bata , isa lang ang ibig sabihin nito may nakikitang hindi tao ang mga pusa na ito kaya naman mas pinanindigan ng balahibo si Alice sa isipin na iyon.

Narinig din ni Alice na tahimik na sa kabilang bahay , Tanging tunog nalng ng radyo ng mga ito ang ingay na naroon. Ilang minuto padin eh dumating na Si Paul. Malalakas na katok ang palatandaan ng dalawa para alam nitong si Peter na ang nasa Pintuan , mahirap na at baka may ibang makapasok sa Bahay lalo pat minsan ay nagiisa si Alice sa bahay dahil sa minsan hindi nakakapagopisina dahil sa Allergy nito.

HousemateWhere stories live. Discover now