Kabanata 43

27 1 0
                                    

Nakabantay si Bernard sa dalagang si Alice , habang ang iba naman ay nagpapahinga , Sinisigurado ng binata na nanghina ang Itim na Anino'ng Si Rigor.

Malaya nya'ng pinagmasdan ang natutulog na dalaga , ngayon lang nya ito nakita na natulog ng payapa. Pinagmasdan din ni Bernard ang Ama ni Alice at ang dalwa'ng binata na sila Peter at Paul. Naaninag ni Bernard ang Kaluluwa na papalapit sa kinaroonan ni Lando.

Pinagmasdan ito ni Bernard kung anong gagawin ng Kaluluwa sa Ama ni Alice naupo ito sa harap ni Lando na animoy pinagmamasdan ang natutulog na si Lando kahit malabo ang mukha ng Batang si Jenny ay makikita mo na nakatigin ito kay Lando at animo'y binabantayan ito sa pagtulog.

Maya - maya pa'y nakita ni Bernard na humiga ito sa tabi ni Lando. Napansin naman ni Bernard na medyo napahawak si Lando sa braso nito.

" Bakit gising kapa?

Nagulat si Bernard ng marinig nya ang boses ni Alice.

" Hindi pa ako inaantok , matulog ka lang dyan at magpahinga! Anas ni Bernard at ngumiti pa dito.

" Pasensya kana kung nadala ka sa ganitong sitwasyon! Alam ko na ayaw mong maging albularyo kagaya ng Itay at Lolo mo , pe_!

" Ssshhhhhh! Wag mo na isipin yun Alice , Talaga sigurong itinakda na maging mangagamot ako dahil yun naman ang nananalaytay sa dugo ko at sa buong angkan ko! Sagot nito.

" Pero kung hindi dahil saken eh di sana wala ka sa ganito! May lungkot sa mga mata ni Alice.

" Haysss!! Ikaw talaga hindi kapa rin nagbabago ang hilig mo parin sisihin ang sarili mo! Natatawang si Bernard.

Napahinto amg dalawa ng marinig ng mga ito ang paghalakhak ni Jenny.

" Si Jenny mukhang masaya na naman sya! Si Alice at napangiti ito.

" Mukha nga , konte nalang at matutulungan na naten silang makalaya sa bahay na ito!

Tumanggo at ngumiti si Alice sa binata.

" Teka! Dapat kana mg magpahinga kasi bukas na ang nakatakdang ritwal para hulihin ang anino ni Rigor dapat nagpapahinga ka!

" Wag mo ako alalahanin , sinisigurado kong Matatalo naten si Rigor! Sagot ni Bernard.

Napakapit ng mahigpit si Alice sa hawak nitong rosaryo.

Mag Aalas tres na ng madaling araw at hindi namalayan ni Bernard na nakatulog narin pala ito.

" Alice! Alice!!!! Nagising si Alice nga may tumawag sa pangalan nya. Nakita nya ang mga kaluluwang naroon sa loob ng kanyang kwarto. Magsasalita pa sana si Alice ng biglang_____!

Nawalan ng malay ang dalaga , at ilang sandali pa ay unti - unting umaangat ang katawan nito sa kama , biglang nagbago ang anyo ni Alice at biglang nagmulat ang mga mata , nanlilisik at galit na galit.

Nakaramdam naman ng pagkauhaw si Lando kaya agad na nagtunggo ito sa kusina. Biglang nahulog ang baso nito sa pagkakahawak ng makitang nakalutang amg anak na si Alice sa Harap ng pinto ng kwarto nito.

Agad na naulinigan ni Kanor ang pagbagsak ng baso kaya agad na lumabas ito ng Kwarto.

" Ano_! Hindi na natapos ni Kanor ang sasabihin ng makitang nakalutang at wala ng tali ang dalagang si Alice.

Nagusal ng isang Orasyon si Kanor pero tinawanan lang iyon ni Rigor sa katauhan no Alice.

" HAHAHAHAHAHAHA ! IYAN LANG BA ANG IYONG KAKAYAHAN? Halakhak pa ni Rigor.

Uusal pa sana ng Dasal si Kanor pero tumilapon na ito sa dingding ng bahay ng ilumpas ni Alice ang kamay nito at itapon sa hangin si Kanor.

" Ahhh! Daing ni Kanor.

HousemateWhere stories live. Discover now