Kabanata 10

46 1 0
                                    

        Nagmadaling bumalik ng bahay si Warren para ikwento ang sinabi ni Mang Tasyo.

" Hay naku! Diba nga sabi nung may ari ng tindahan na baliw si Mang Tasyo? Eh ibig sabihin di nya alam sinasabi nya! Nailing na sagot ni Paul.

" Never ka naman talaga naniwala eh! Bulong ni Peter.

Siniko ni Alice si Peter.

" Pero ako huh! Maniwala ka man or hindi , basta ako naniniwala ako na may kakaiba dito sa bahay nato! Si Warren.

Gaya ng paulit- ulit na pangyayari eh medyo nasanay narin ang mga ito , umuuwi silang bukas ang ilaw , at ang minsan pang paglalakad ng animoy malaking nilalang sa Itaas na bubungan ng mga ito. Magtatatlong Buwan na sila sa bahay at kailangan na nilang bumalik sa Manila.

" Huh? Maiiwan kami? Tanong ni Peter kay Paul.

" Oo kailangan may maiwan dito sa Office para mag assisst sa grupo naten! Sagot ni Paul.

" So kaming dalawa ni Alice ang maiiwan sa bahay? Tanong ni Peter.

" Wag kayo mag alala kasi babalik naman kami agad eh , Mag one week lang ako dun! Kami ni Warren! Sagot ni Paul.

" Okay wala naman problema saken! Sagot naman ni Alice.

Naprocess na nga ang pag alis ni Warren at Paul.

" Mauuna pala si Warren? Tanong ni Alice.

" Oo then 2 days ako naman! Sagot naman ni Paul.

" Basta , Tandaan nyo na wag nyong kakalimutan ang grupo naten! Okay?

" Okay! Anas ni Alice.

" Tsaka yung Bahay huh? Always isara ang pintuan lalo na kapag aalis kayo ng bahay! Bilin ni Warren.

" Yes ako na bahala! Si Peter.

Magiisang Linggo ng nakauwi si Warren at Paul sa Manila , tangging si Alice at Peter nalang ang naiwan sa bahay. Gaya ng dati nagpaparamadam parin ang ibat ibang klaseng nilalang na nakatira sa bahay. At isang pangyayari ang hindi malilimutan ni Alice habang nakatira sa bahay na yun.

" Alice , okay ka lang ba? Tanong ni Peter sa Dalaga.

" Okay lang ba na susunod nalang ako sa office , medyo hindi kasi nakatulog kagabi eh!

" Oo nga naramdaman kita na lakad ka ng lakad kagabi sa Sala!

" Grabe kasi ang pangangati ng balat ko hindi ko alam kung bakit!

" Hala ano yan? Gulat na tanong ni Peter ng makita ang Malalaking Butlig sa katawan nito na animoy Chicken fox kung tawagin.

" Ewan ko nga eh bigla ko nalng napansin tong maliit na butlig na to hanggang sa dumami na! Sagot ni Alice.

" Oh sya mauuna na ako ,mag iingat ka dito , wag ka din siguro muna kumain ng malalansa baka mamaya matrigger pa yan!

" Kaya nga eh!

Naiwan si Alice sa bahay , Agad na nakatulog ito ng makaalis si Peter ng Bahay.

Mag aalas dose na ng Tanghali ng magising si Alice. Masama ang pakiramdam nito at sobrang nangangati ang buong katawan nito.bkaya hindi rin nito maiwasan na hindi kamutin ang mga tumutubo sa balat nito.

Biglang may kumatok sa Pintuan.

" Sino yan? Tanong ni Alice.

" Si Ate to sa baba! Sagot ni Ate na may ari ng bahay.

Tumayo si Alice kahit pa masama ang pakiramdam nito.

" Ano po yun Ate? Tanong ni Alice.

" Ipapaalam ko lang na mamaya may Titira dyan sa kabilang Bahay nyo , Puro din mga kalalakihan , baka kasi mabigla kayo kasi may tao na sa kabila!

" Ganun po ba? Tanong nito.

Napansin nito ang malalaki at mapupulang butlig sa katawan ni Alice.

" Anong nangyari sayo? Tanong nito.

" Actually hindi ko din po alam eh! Sagot nito.

" Baka may nakain ka na Allergy ka?

" Wala naman po akong Allergy sa mga kung anong pagkain! Sagot nito.

" Much better na magpacheck up ka para malaman mo kung ano yang nasa balat mo! "

" Yes po gagawin ko po yan!

Nagpaalam na ito kay Alice at isinara na nito ang pinto , agad na bumalik si Alice sa pagkakahiga , talagang sobrang masamang masama ang pakiramdam nito.

HousemateWhere stories live. Discover now