Kabanata 9

39 1 0
                                    

       Natapos na naman ang isang araw ng mga ito , mag aalas Onse na ng Gabi ng magpasya ang mga ito na umuwi na. Nagpasya narin ang mga ito na kumain na bago umuwi para matulog nalang ang mga ito.

" Mukhang may mga kapitbahay na nga tayo sa baba! Puna ni Peter habang nag bubukas ito ng Lock ng gate.

" Mas okay para hindi rin sobrang tahimik ng Paligid. Si Warren.

" Mukhang natutulog na sila Ate sa kabila kaya wag na kayo masyado maingay! Saway naman ni Alice sa mga ito.

" Bilisan nyo na at ihing ihi na ako! Si Sir Paul.

Naabutan pa nitong nagiinuman ang mga bagong nakatira sa ibaba. Umakyat na ang mga ito sa hagdan , nauna si Peter dahil ito ang may hawak ng Susi.

" Shittt! Anas nito ng mabuksan ang pinto.

" Bakit ano yun? Naiihi na ako bilisan mo! Si Paul

Napaatras ang mga ito ng makitang nakabukas muli ang ilaw sa Loob ng Banyo ng mga ito.

" Hala , natatakot ako! Anas ni Warren.

Nagtutulukan pa ang mga ito kung sino ang mauunang pumasok ng bahay , Dahil sa ayaw ni Paul na bahayan ng katatakutan ang kanilang tirahan ay nagpasya itong mauna na sa pgapasok sa bahay at nagtunggo sa Switch ng ilaw sa sala kaya agad na lumiwanag ang kabahayan.

" Oh ano na pasok na kayo! Si Paul.

" Eh diba pinatay na naten kanina yung mga ilaw , imposible naman si Ate yan kasi sabi nga nya nasaten ang susi! Si Peter.

" Alice ano na may nakikita kaba? Tanong naman ni Warren sa dalaga.

" Wala , sige pasok na tayo baka talagang sira lang ang mga switch ng ilaw dito sa sobrang tagal narin siguro na walang nakatira! Anas ni Alice.

Pilit na pinapalakas ni Alice ang loob ng mga kasamahan dahil narin sa ayaw nito na dagdagan pa ang takot ng mga ito , pero sa katunayan ay muling nakita na naman ni Alice ang Itim na anino na Pumasok sa kwarto ng mga ito.

" Sure ka? Tanong ni Warren.

" Oo ano kaba , kalalaking tao natatakot ka? Natatawang biro ni Alice kay Warren.

" Nagsisinungaling ka eh! Anas pa nito

" Haysss bahala ka nga dyan , Pasok na ako sa kwarto! Paalam ni Alice.

Nag sign of the cross si Alice ng makapasok sa kwarto nito.

Gaya ng ginawa ng mga ito sa unang gabi nila eh muling sa sala ang mga ito natulog.

" Oh Alice hindi kaba matutulog dito sa Sala? Tanong ni Paul.

" Baka dyan na po ako matulog , may gagawin lang ako saglit! Sagot ng dalaga.

Mag aala- una na ng makaramdam ng antok ang mga ito. Samantalang kasagsagan na napakasarap ng tulog ng mga ito ng biglang magising si Warren. Narinig nito ang animoy napakalalaking gaong naglalakad sa bubong ng bahay ng mga ito. At biglang magiiyakan ang mga pusa. Isa isang tiningnan ni Warren ang mga kasama at nasa masarap na tulog na ang mga ito maging si Alice na nakatagilid pa ng pagkakahiga. Pero hindi lingid sa kaalaman ni Warren na gising na gising parin si Alice dahil sa mga kakaibang naglalakad sa Bubungan ng mga ito. Animoy mga malalaking tao na pabalik balik na naglalakad sa bubungan kasabay ng pagiingay ng mga pusa. Manaka naka ding naririnig ni Alice ang matigas na pag ubo ng boses ng lalaki sa lumang bahay sa kabila at bahagya pa itong magsasalita sa salitang bisaya.

Kinaumagan ay maagang nagising ang mga ito.

" Guysss , narinig nyo ba yung mga maingay sa bubungan naten kagabi? Tanong ni Warren sa mga ito.

" Wala naman! Sagot ni Peter.

" Bakit anong Meron ? Tanong ni Paul.

" Parang napakalalaking tao ang naglalakad sa bubungan naten kagabi! Sagot ni Warren.

" Narinig at gising kadin pala kagabi? Tanong ni Alice kay Warren.

" Oo at sobrang natakot talaga ako kaya pilit talaga ako natulog kagabi! Anas ni Warren.

" Haysss andito na naman tayo sa Horror , horror nyo na yan! Baka mga pusa lang yan! Anas ni Paul.

Hindi nalng nagsalita si Warren kasi alam nitong hindi naman naniniwala ang kapatid na si Paul.

Bumibili ng kape si Warren sa Tindahan ng biglang may lumapit dito na matanda.

" San kayo nakatira? Tanong nito.

" Dyan po sa taas tay! Sagot nito.

" Ah dyan ba? Magiingat kayo dyan huh? Anas ng matanda at umalis na ito.

Napakunot naman ang nuo ni Warren sa sinabi ng matanda.

" Naku wag mo pansinin yan si Mam Tasyo , may konteng tama yan sa pagiisip! Anas ng babae sa tindahan.

" Ganun po ba? Tanong nalng ni Warren dito.

Biglang naalala ni Warren ang kwento ni Peter kahapon tyngkol sa Matandang lalaki , malamang si Mang Tasyo na nga ang sinasabi nito na pinagiingat din kami , Kaparehas ng sinabi nito sa akin.

HousemateWhere stories live. Discover now