Kabanata 18

34 2 0
                                    

       Nakailang ikot na si Alice sa paghahanap ng clinic para makapag pacheck up ito para palaging may Aberya sa mga nakikita nito. Naupo si Alice sa park malapit sa tinurong clinic ng Barker ng jeep. Maya - maya ay tumunog ang celfone nito. Isang mensahe galing kay Paul.

" Alice, deretcho kana dito sa Office meron dito malapit sa Office naten , nakiusap lang ako na isingit ka kaya pumunta kana dito!

Agad na bumyahe si Alice patunggo sa Office mabuti nalng at medyo malapit lang itong park sa Office. Pawis na pawis si Alice dahilan upang mas mangati ang katawan nito. Nahihiya man sya kumamot sa Jeep pero hindi na ito nahiya dahil sa sobrang kating nararamdaman nito.

" Ohhh Alice andyan kana pala! Si Paul habang nagpapahinga si Alice at nakatapat sa Electricfan.

" Kakaratinh ko lang , itinapat ko muna katawan ko sa Efan sobrang kati! Sagot nito at kinamot pa ang bandang leeg at braso nito.

" Wag mo kasi kamutin tingnan mo dumudugo na sila!

" Hindi ko kasi kaya eh! Naiiyak na sagot ni alice.

Agad na nagtunggo sila sa sinasabing Ckinic ni Paul. Pagakyag ng mga ito ay napakaraming tao , mabuti na nga lang daw at nakasingit ang pangalan nito sa mga nasa Pila. Nakita ni alice ang mga mata na nakatinggin saknya , kaya agad nyang tinabon ang Dala nyang jacket sa braso nito.

" Hello po doktora! Bati ni alice.

" OMG! Okay lang ba na pumasok ka dito sa may Kurtina , hubarin mo ang pants mo at damit mo! Ichecheck naten kung ano yan! Napakarami nito , hindi ka talaga makakatulog nito! Anas ng Doktora.

Agad akong naghubad ng damit at pantalon at sinuri ng dojtora ang mga nasa katawan ko.

" Pityriasis Rosea + Herald Patch ! Anas ng Doktora.

Bago sa pandinig ng dalaga ang sakit na ito, Ayon sa Doktora ay napaka Rare daw ng sakit na ito tanging 0.2 - 0.3 % l lang ng tao sa Mundo ang nagkakaroon ng ganito. Ipinaliwanag din ng doktora na Bumababa ang immune system ng dalaga at dala ng stress ang pagdami nito kaya napaoaraming gamot ang nireseta ng Doktor pati narin ang ointment na kailangan nyang ipahid sa balat nito.

" Wag mong kalilimutan lahat ng gamot na nireseta ko para gunaling na yan! Pati yung Gamot na may Pampatulog malaking maitutulong sayo nyan! Anas ng Doktora

Nagpasalamat naman si Alice at Paul sa Doktora. Napakarami ring ipinagbawal na pagkain nito , tanging Beef at pork lang ang pwede dito.

" Tara muna sa Office para makapahinga ka saglit masyado pang mainit , baka matrigger na naman yang mga Allergies mo! Si Paul.

Nagtunggo sa office ang mga ito. Pinagkaguluhan si Alice duon dahil sa inuusisa ng mga ito kung anong sakit ni Alice.

" Sakit ng mayaman eh! Biro ni Paul sa mga nagtatanong.

" Grabe noh! I can't imagine paano kapa nakakatulog nyan! Iiling iling na anas ni James.

" Oo nga eh, grabe kung ako yan baka always irritated ako! Singit pa ni Cloe.

Konte palang minuto na nagpapahinga sa office si Alice ay oara na itong hinahatak pauwi ng kanyang katawan.

" Uuwi kana? Tanong ni Paul.

" Yes po , Iinom din ako ng gamot para masimulan ko na ang gamutan!

" Sige , para din makapag pahinga ka! Mag iingat ka may dlaa ka bang payong?

" Okay naman na ako medyo makulimlim naman na kaya sakto lang sa balat ko!

Hinatid ng mga ito sa Ibaba ng Building ang dalaga. Hindi maintindihan ni Alice bakit parang hinahatak ang katawan nya na umuwi ng bahay. Dahil na naman ba ito sa Itim na anino na naglalaro saknya?.

" Oh Alice ang Aga mo ata umuwi? Tanong ni Ate Minda na nakatayo sa Gate ng Bahay!

" Nagpacheck up lang po kasi ako ngayon Ate!

" Mas okay nga yan para magamot ng tama!

Nagpaalam na ako kay Ate dahil parang nanghihina narin ang katawan ko.

" Ah wala palang tao dyan sa inyo? Tanong ng kalapit kwarto nito.

" Wala po nasa office po kasama ko tas ako naman kakauwi lang!

Napakunot ang nuo nito.

" Eh sino pala yung lalaki na at bata na pumasok dyan sa bahay nyo?

" Lalaki at bata po? Tanong ni Alice.

" Oo akala ko nga ay isa sa mga bisita nyo dyan!

" Ah wala po , kakarating ko lang po talaga!

" Ganun ba , sige hayaan mo na baka mamaya eh namalik mata lang ako!

Ngumiti si Alice dito at nagpaalam na aakyat sa bahay , habang sinususian ni Alice ang pinto ay rinig nito ang mga paa na animoy lumayo sa Pintuan. Kinakabahan man si Alice pero binuksan nito ang Pinto.

" Ayooohhhh!!! Anas ni Alice ng makapasok ng Bahay.

Tinuro kasi ito ni Bernard saknya na sa twing papasok sya ng bahay ay bumati ito para alam ng mga naroon na may taong papasok. Na always naman ginagawa ni Alice.

Parang may magnet naman ang sahig at hinihila talaga nito na mahiga si Alice. Ibinaba ni Alice ang bag nito at isa isang inilabas ang mga gamot sa lagayan para kunan ng larawan at isend sa head nito sa Maynila at magpasalamat.

Habang nagpapahinga si Alice ay dinalaw ito ng antok , dahil narin siguro sa pag effect ng ininom na gamot ni alice. Kaya unti unti itong napapikit.

" DIBA SABI KO SAYOOO!!!

Napaigtad si Alice at napaupo ng marinig na naman nito ang Boses ng lalaki na iyon at ngayon ay medyo galit ito. Hindi inalis ni Alice ang Mata sa Loob ng kwarto ng mga kasama ,alam nyang naroon lang ang itim na anino ma iyon at nagmamasid saknya.

Binuksan ni Alice ang lahat ng ilaw para narin makabawas ng pagkaduwag ng dalaga. Sa twing sasapit kasi ang alas Singko ng hapon ay binubuksan na nito ang lahat ng ilaw sa bahay.

Nakaupo lang si Alice , at nagcecelfone hindi na kasi sya ulit nakabalik sa tulog ng sumigaw na naman sa tengga ni alice ang boses na yun.

Tumawag din si Alice sa kanyang Papa para ibalita na nakapagpacheck up na ito , at ang paglipat nalang nya ang aasikasuhin nya. Binilin pa ng Papa ni Alice na magsuot palagi ng Rosaryo at kapag maliligo lang ito huhubarin.

HousemateWhere stories live. Discover now