Kabanata 32

27 1 0
                                    

    Nabalitaan ng Ama ni Alice ang nangyayaring hindi maganda sa anak kaya agad na nagpasya itong magbook ng Tiket patunggong Cagayan De Oro.

" Pa naman! Kayang kaya ko na po ito eh! Si Alice sa kabilang linya.

" Naku wag na matigas ang ulo mo , gusto kong sunduin kana dyan nagiisang anak kitang babae ayoko na mapahamak ka dyan! Pag aalala ng Ama nito.

" Matatapos narin to Pa , wag ka mag alala , mas kailangan ka dyan ni Mama alam mo naman na may sakit si Mama kaya hindi pwede na mawala ka sa tabi nito! Pagkukumbinsi pa ni Alice sa Ama.

Umabot pa ng mahabang usapan at napapayag din ni Alice na wag nalng bumyahe ang kanyang Ama. Medyo may edad narin kasi ito at may sakit pa ang kanyang ina kaya hanggat mamari ay ayaw na nitong istorbohin muna ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang Ama.

Biglang sumama na naman ang pakiramdam ng dalaga. Kaya napakapit ito sa Pinto ng kwarto at pilit tumayo , nararamdaman na naman ng dalaga ang pag ikot ng paligid hanggang sa mawalan na naman ito ng malay.

Nasa ganung Kalagayan si Alice habang nagtipon tipon naman ang mga kaluluwa na nakatira sa bahay ng mga ito , Ang Matandang Naagnas ang katawan , Ang Batang si Jenny , Ang dalagang si Mila at marami pa sa mga kasama nito.

Panay naman ang kulo ng Langis na Lana ng dalaga habang nasa bulsa nya ito.

" Aliceee!!! Tawag ng isang tinig.

" Aliceee!!! Gumising ka Iha! Anas pa ulit nito.

Napapitlag si Alice at unti unting iminulat ang mga mata , nanlalabo ang mga iyon dahil narin sa pagkahilo. Narinig pa ni Alice ang paghalakhak ng batang si Jenny. Pilit na itinayo ni Alice ang katawan nito habang pilit paring inaaninag ang nasa paligid.

Madami ang nasa paligid nya pero hindi pa nya ito masyadong makita. Tanging halakhak lang ng batang si Jenny ang naririnig nya.

" Jenny! Tawag nya at humalakhak pa ang bata na animoy nakikipaglaro ito.

Ilang saglit pay nagulat ang dalaga dahil naroon lahat sa paligid nya ang mga kaluluwang nakatira dito sa bahay.

" Tulungan mo kami Alice!  Si Mila.

" Gusto na naming matahimik Alice!!! Anas naman ng Matanda.

" Tulunggan mo kamiiiii!!! Nakakabinging sigaw ng mga ito habang papalapit sa kanya ang lahat.

Napapikit at tinakpan ni Alice ang kanyang tenga dahil nakakabingi ang sigaw ng mga ito na humihingi ng tulog.

" Tama naaaaaa!!!!! Sigaw ni Alice.

" Aliceee okay ka lang ba? Nagulat pa ang dalaga ng makita si Paul habang niyuyugyog sya.

Takang takang nagpalinga linga pa ang dalaga , Hindi malaman ni Alice kung ano ba ang totoo sa mga nangyayari , kanina lang ay kausap nya ang kanyang Ama at maya maya ay nawalan sya ng malay at paggising nya naroon lahat ang mga kaluluwa pero anong nangyati at narito ang mga kasama nito?

" Anong nangyayari sayo? Kanina lang naabutan ka naming natutulog sa sahig! Anas ni Peter.

" Oo nga , okay ka lang ba? Tanong ulit ni Paul.

Tumanggo ang dalaga , iniisip parin nito ang mga nangyayari para syang nawawala sa pangyayari at biglang mapupunta sa ibang pangyayari , naguguluhan ang dalaga.

Inilabas ni Alice ang Lana , kumukulo ito ibig sabihin naroon talaga sa bahay ang mga kaluluwa.

" Pinapasok na ni Rigor ang mga panaginip ni Alice! Anas ng Matandang Simon na kanina pa pala binabantayan ang dalaga Mula sa bintana.

Samantalang Sa bahay naman ni Bernard habang wala ang Binata ay nasa harap ng isang pinto si Kanor , nakatayo lang ito at parang malalim ang iniisip.

" Pasensya kana Tinding!! Anas nito at pinihit ang seradora ng Pinto.

Pumasok ng kwarto si Kanor , napakaraming iba't ibang klase ng bote ang mga naroon meron pang mga baul na animoy antik na. Lumapit si Kanor sa isang hidni kalakihang Baul at hinipan pa ito dahil nababalutan na ng Alikabok ito. Binuksan ni Kanor ito.

Tumambad ang isang Itim na libro na nababalot ng pulang tela at ang Krus na yari sa itim na Metal. Pinagpag pa ni Kanor ang libro hudyat na napakatagal ng nakatago ng mga ito.

HousemateWhere stories live. Discover now