Kabanata 34

30 1 0
                                    

Kinabukasan ay nakalabas at nakauwi narin ng bahay ang dalagang si Alice , binilinan din ng Doktor na wag magpapagod , magpupuyat at masstress ang dalaga para mas mabilis makabawi ng lakas ito.

" Kamusta kana Alice? Tanong ni Ate Minda na nasa labas ng gate ng bahay.

" Okay na po ako Ate medyo napapagod lang! Sagot ni Alice.

" Iwasan mo din kasi ang pagpupuyat , minsan kasi nakikita pa kitang lumalabas ng bahay nyo ng hating gabi , minsan nga tinawag pa kita pero hindi mo ata ako narinig at nagmamadali ka! Kwento pa ni Ate Minda.

Nagtaka naman kami sa sinabi nito , gayong hindi naman ako lumalabas ng ganung oras ng gabi.

" Baka po hindi lang kita narinig Ate! Sagot ko nalang at nagpaalam na ako sa mga ito. Umakyat ako ng bahay.

" Ayoohhhh!!! Tawag ni Alice.

Nagtunggo na muna si Alice sa kwarto nito at naupo sa kama.

" Paanong mangyayaring nakita ako ni Ate Minda gayong hindi naman ako umaalis ng hating gabi? Tanong ni Alice sa sarili. Naging palaisipan ang sinabi ni Minda sa dalaga.

" Oh Alice , ang bilin ng Doktor huh? Wag mo kakalimutan lalo na ang bawal mapuyat! Paalala ni Paul.

" Teka Alice! San ka pala nagpupunta kapag lumalabas ka ng Hating gabi? Tanong ni Peter.

Hindi alam ni Alice ang isasagot gayong hindi naman nya ginagawang lumabas sa hating gabi.

" Ginagaya ka ng itim na Anino! Sagot naman ni Bernard.

Napatingin ang lahat saknya. Walang gustong magtanong.

" Itim na anino na naman ba ang sisisihin nyo? Tanong ni Paul.

" Alam mo Bro! Kung hindi lang masama ang sasabihin ko pero sana makaharap mo si Rigor para malaman mo na totoong nag eexist ang itim na anino na yun! Naiiling pang si Peter kay Paul.

" Pwede ba wag na kayo mag talo pa , hindi naten kailangang pilitin si sir Paul sa mga ayaw nyang paniwalaan ang importante ay okay na ako! Inis na sagot ni Alice at humiga na ito.

Iginalang naman ng mga ito ang paghiga at pagtalikod ni Alice sa mga ito kaya isa isa ng nagsipag labas sa kwarto , isinara ng marahan ni Bernard ang Pinto ng kwarto ni Alice.

Tama ang sinabi ni Bernard ginagaya ng itim na anino ang katawan ni Alice para linlangin ang mga nasa paligid nito. Mas lalong dapat mabantayan ang dalaga para hindi maisakatuparan ng itim na anino ang pag agaw sa kaluluwa ng dalagang si Alice.

Nagpaalam na si Bernard sa mga ito , hindi narin muna nito inabala ang natutulog ng si Alice. Hinayaan nya lang itong magpahinga. Umuwi ng bahay ang binata at naupo sa malambot na sofa.

" Oh Bernard! Akala ko ba ay nasa trabaho ka? Tanong ni Kanor sa Anak.

" Naggaling po ako sa bahay nila Alice Itay! Kakalabas lang po nito sa Hospital! Sagot ng Binata.

" Talagang napakaimportante ng dalagang taga Maynila na iyon sayo Anak! Usal ng Ama nito.

Hindi nakapagsalita si Bernard sa tinuran ng Ama , Totoo ang sinabi nito mahalaga sa buhay nya si Alice , Isang buwan palang silang nagkakilala ay talagang may kakaibang eapesyal na pakiramdam si Bernard sa Dalaga kaya hindi ito papayag na may mangyaring masama kay Alice.

" Tay! Kung sakaling papayag ako sa gusto ni Lolo Simon na talunin si Rigor papayag kaba? Biglang tanong ni Bernard sa Ama.

Napahinto sa paghuhugas ng pinggan ang Ama ng marinig ito mula sa Anak. Pinahid nito ang kamay at lumapit sa anak.

HousemateWhere stories live. Discover now