Kabanata 30

29 1 0
                                    

" Aliceeee!!! Tawag ni Paul sa dalaga at pinukpok pa nito ang dingding ng kwarto nito pero walang sagot mula sa dalaga.

Tumayo si Paul para mag asikaso na patunggo sa Office.

" Peter! Katukin mo nga ulit si Alice mukhang napasarap ata ang tulog , sabi nya kasi kagabi ay sasabay na sya saten mag office! Utos ni Paul kay Peter.

" Aliceee!!! Tawag ni Peter , pero gaya ng naunang tawag ni Paul ay hindi rin ito sumasagot.

Nagkatinggin ang dalawa ,medyo nabahala din si Peter lalo pa't napansin nya ito kagabi na parang masama na naman ang pakiramdam.

" Okay lang kaya kung buksan ko na ang pintuan ni Alice? Paghingi ng permiso ni Peter.

Tumanggo si Paul kaya naman agad na binuksan ni Peter ang pinto , tumambad sa mga ito ang nakahigang si Alice , nanginginig ito at oawis na pawis.

" Bro! Tawag ni Peter maya agad din itong pumasok sa kwarto ni alice.

Hinawakan ni Paul ang nuo ng dalaga , inaapoy ito ng lagnat.

" Peter kumuha ka ng tubig sa gripo at ilagay mo sa palanggana pati narin bimpo humanap ka sa Box ng mga damit ni Alice bilisan mo! Utos ni Paul.

Inaapoy ng lagnat ang dalaga animoy nakadarang sa malakas na kalan ang temperatura nito.

" Wag! Mahinang anas ng dalaga at inaalis nito ang kamay ni Paul.

" Ano kaba inaapoy ka ng lagnat kailangan mo ito! Anas ni Paul.

" Wag! Parang awa mo na tigilan mo na ako! Anas pa ulit nito!

Napatinggin si Peter kay Paul.

" Bakit? Takang tanong ni Paul dito.

Biglang kinabahan si Peter sa sinasabi ni alice. Alam nito na may bumabagabag na naman sa isip ng dalaga malamang si Rigor ito. Napahinto ang dalawa ng biglang malakas na nagsarado ang pinto ng banyo.

" Ano yuun? Gulat na tanong ni paul kay peter.

" P_into sa Banyo! May takot sa boses ni Peter.

" Ano kaba ? Baka malakas lang ang hanggin kaya malakas na sumarado ang pintuan ng banyo! Anas ni Paul at nagpatuloy na punasan si Alice.

Ng pupunasan na ni Paul ang bandang braso ni Alice ay napansin nito ang mga pasa na nasa katawan nito.

" Peter halika ka nga dito! Tawag ni paul.

" Bakit Bro!

" Pasa ito diba? Tanong ni paul kay Peter.

" Oo nga bakit ang dami naman ata nyan? Tanong pa ni Paul.

" Hindi ko alam , ano bang pinagagagawa ni alice bakit napakadami naman ata nito! Tanong sa sarili ni Paul.

Nagulat pa ito ng makita ang pasa na nasa paa nito , animo'y itinali ang dalawang paa mg dalaga. Nakaramdam ng kaba ang mga ito.

" Alice sagutin mo ako , anong nangyayari sayo? Tanong ni paul dito.

" Wag! Tigilan mo na ako parang awa mo na! Anas at pagmamakaawa ng dalaga.

" Dalhin na kaya naten sya sa doktor? Tanong ni Paul.

" Wag ano kaba , may makakatulong saknya! Si Peter.

Tumakbo si Peter sa sala at binuksan ang bintana malapit sa bahay ng Matandang simon.

" Tang Simon! Tawag ni Peter.

" Peter! Ano kaba sino ba ang tinatawag mo dyan! Sabi ko ambulansya ang tawagin mo hindi mang istorbo ng kapitbahay! Sigaw ni Paul.

" Pwede ba bro wag ka muna maingay dyan , ikaw ibibigay ko sa Anino eh! Inis na saad ni Peter.

" Tang Simon! Tawag pa ulit ni Peter pero mukhang walang tao sa loob baka natutulog pa ang matanda.

Agad na kinuha ni Peter ng celfone nito at idinial ang numero ni bernard. Dalawang ring palang ay sinagot na ng binata.

" Bernard kailagan namin ang tulong mo! Si Alice inaapoy ng Lagnat! Pagbabalita ni peter dito.

" Sige sige papunta na ako dyan! Si Bermard.

" Ano kaba naman paul mas uunahin mo pa silang Tawagan kesa sa Ambulansya , bilisan mo na at nanginginig na si Alice.

" Mas makakatulong sila sa problema ni Alice kesa sa hospital Bro!

" Ano bang pinagsasabi mo? Hanggang ngayon ba ay naniniwala padin kayo sa mga lintik na Engkanto na yan? Galit na galit na si Paul.

" Head kita sa Opisina pero , kaibigan ako ni Alice alam kung mas makakatulong saknya ang mag Lolo!

" Bahala kayo! Inis na anas ni Paul at tumayo at pahagis na iniwan ang Bimpo na hawak nito.

Agad na nagtunggo si Peter sa Tabi ni Alice.

" Wait ka lang alice , parating na si bernard! Anas nito.

" Waggg!!! Parang awa mo na tigilan mo na ako!!!! Pagmamakaawa ni Alice at umiiyak ito.

Napatinggin si Peter sa bato na tumama sa Bintana .

" Tang simon! Biglang anas nito! Patakbo na naman bumalik si peter sa bintana ng sala. Hindi naman nagkamali naroon nga ang matandang Simon.

" Anong nangyayari iho? Tanong nito.

" Kailangan po ng tulong nyo ni alice! Anas ni Peter.

" Alam kong naguumpisa na ang itim na kapangyarihan ni rigor! Anas ng matanda.

" AKIINNNN SYA TANDAAA! AKIN LANGGGG!!! nakakabinging sigaw ni Rigor.

Napasign of the Cross ang matanda at nagusal ng isang orasyon.

Lalong nagmadali si Bernard ng marinig nito ang tinig ni Rigor.

" Kailangan na naten kumilos agad! Anas ng Matanda.

Kumulog ng malakas at kumidlat ng napakatalim. Nagpaparamdam na ang bagsik ng kapangyarihang itim ni Rigor.

" Hantayin mo lang ako sa bintana iho may iaabot ako sayo! Si Simon.

Isang maliit na bote ang iniabot ni Simon kay Peter.

" Ano po ito Tang simon? Tanong ni Peter.

" Ipatak mo yang tubig na may orasyon sa Basong inumin ni Alice at ipainom mo saknya!

Agad na bumalik si Peter sa kwarto ni Alice , ganun padin ang sinasbai ni Alice at inaapoy parin ito ng lagnat , agad na ginawa ni Peter ang sinabi ni Matandang Simon.

" Ano yan? At sino ang kausap mo sa bintana? Tanong ni Paul.

" Basta malalaman mo rin yan at sana sa pagkakataon na ito ay maniwala ka na may kakaibang nilalang dito sa bahay!

Napailing nalang si Paul. Nagtunggo sila sa Kwarto ni Alice at nagtulong na ibangon si alice sa oagkakahiga at ipainom ang tubig na nilagyan ni Tang simon ng Orasyon.

HousemateWhere stories live. Discover now