Kabanata 48

25 1 0
                                    

Pagod na pagod  ang lahat mag uumaga narin kaya naman tumayo na si Peter at Paul para linisin ang bahay.

" Maraming salamat po Tang Simon! Paghingi ng pasasalamat ni Alice sa matanda.

" Walang anuman iha , nais ko rin na sabihin sayo na napakalakas mong Babae iha , at syempre grabe ang pananampalataya mo sa itaas! Nakangiting si Simon.

" Oo nga Alice kung hindi nga lang sana nkakatakit si Rigor ay baka navideohan na kita para malaman mo kung gaano ka kalakas na babae sa katauhan ni Rigor! Anas ni Peter.

" Ikaw talaga kung ano ano ang sinasabi! Binatukan naman ni Paul ang kaibigang si Peter.

" Kayo talagang dalawa parang aso't pusa Anas naman ni Bernard.

" Ito kasi eh kung ano ano na naman ang sinasabi! Anas ni Paul.

" Sya nga pala Lo! Kelan po naten dadalhin ang Sagradong Garapon sa kagubatan? Tanong ni Bermard sa lolo nito.

" Kami na ang bahala sa Garapon Anak! Singit naman ni Kanor dito!

" Oo nga kami na ang bahala apo , at ikaw naman ang bahala kay Alice diba Mang Simon? Biro naman ni Ka Maryo kay Bernard.

Umugong ang tuksuhan sa loob ng bahay.

" Teka si Mang Lando pala? Tanong ni Bernard sa dalawa.

" Ewan ko kanina lang narito sya sa sulok malapit sa banyo pero mukhang nasa ibaba ng hagdan! Sagot naman ni Peter.

" Teka at pupuntahan ko , yang Kumpare ko talaga na yan! Si Ka Maryo at tumayo ito.

Nasa Labas naman ng bahay si Lando at tahimik lang na nakaupo sa Upuanh kahoy sa ibaba ng hagdan.

" Oh Lando bakit ka naririto? Tanong ni Ka Maryo.

Hindi nagsasalita si Lando.

" Kung iniisip mo na nasira mo ang Plano kanina ay wag kang mag alala natalo parin at nakailong ni Bernard at ng anak mo si Rigor! Anas ni Ka Maryo at inakbayan pa ito.

" Nakita ko sya Ka Maryo! Anas ni Lando.

" Sino ang nakita mo? Tanong ni Lando.

" Nakita ko sya kanina kaya nawala aki sa Konsentrasyon sa Ritwal! Anas ulit ni Lando.

" Yun ba ang naging dahilan kung bakit ka nagiisip ngayon? Tanong nito.

" Hindi ko alam kung bakit nakita ko sya dito Ka Maryo! Naluluhang si Lando.

Ikinuwento ni Lando ang Tungkol sa nangyari kanina at nakinig naman si Ka Maryo dito.

" Alam ba ito ni Alice? Tanong ni Ka Maryo.

" Hindi nila alam ang tungkol dito tanging Si Carmen lang ang nakakalam sa pangyayaring yun! Sagot ni Lando at nagpatuloy sa pagpatak ang mga luha nito.

Samantalang Masaya namang nagkukuwentuhan ang mga ito sa Itaas kung paano nila nagapi ang itim na aninong si Rigor.

" Sya nga po pala Tay Simon? Ngayon wala na po si Rigor , ano na pong gagawin nyo sa mga kaluluwa na naririto? Tanong ni Peter sa matanda.

Biglang naalala ni Alice ang mga Kaluluwa na naroon , bigla nitong naalala ang Mukha ni Jenny ng biglang nagpakita ito habang ginagawa nila ang ritwal , kitang kita nya ang mukha ng Batang si Jenny , napakaganda nito at parang pamilyar ang mukha na iyon pero hindi nya lang matandaan kung saan at kailan nya ito nakita.

Umakyat na si Lando at Ka Maryo sa itaas.

" Oh Pa! Okay lang po ba kayo? Tanong ni Alice sa Ama.

" Okay lang ako Anak! Ikaw ang dapat kung tanungin ng ganyan kamusta kana? Tanong nito.

" Mabuti na po ang pakiramdam ko Pa! Gaya nga po ng sabi ko sayo kanina Nanalo ang kabutihan sa kasamaan! Anas ni Alice at hinagkan sa pisngi ang Ama.

" Mabuti pa ay magpahinga na tayo at mamaya ay , tatawagin namin ang mga kaluluwa na naririto para mabasbasan ng Dasal at ng tuluyan na silang makaalis sa Bahay na ito! Utos ni Simon.

Inakay naman ni Kanor at Bernard si Tandang Simon patunggo sa kwarto nila Peter at Paul at ihiniga ng mga ito sa kama.

Samantalang naglagay naman ng banig si Paul at Peter sa Sala at nahiga narin ang mga ito , maging si Ka Maryo at Kanor ay nahiga narin.

Inalalayan naman ni Lando ang Anak nito patunggo sa Kwarto nito at nahiga sa kama si Alice.

" Mamaya ay gagamutin naten ang mga sugat mo s akamay at paa anak!.anas ni Lando.

" Opo Pa! Maraming salamat po , pero okay lang po ba talaga kayo?.nararamdaman kong hindi kayo okay! Tanong ulit ni Alice dito.

" Okay lang talaga ako Anak! Nkangiting sagot ni Lando.

Hindi na muna sinabi ni Lando kay Alice at kahit kanino bukod kay Ka Maryo ang tungkol sa pangayayari kanina. Hahanao sya ng tyempo para masabi ito sa anak , hinayaan muna nya g magoahinga ang lahat tsaka nya ito sasabihin sa anak.

Ano kayang Tinatago at Gustong ipagtapat ni Lando sa Anak na si Alice?

ABANGAN! 😉

HousemateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora