Kabanata 2

93 1 0
                                    

      Napaupo nalang ako habang nakatakip ang mga kamay ko sa magkabilang tengga ko. Agad kung pinikit ang aking mata gaya ng ginagawa ko noong bata pa ako kapag nakakakita ako ng mga kaluluwa. Ilang minuto pa ay unti - unting humihina na ang pagiyak. Nagulat pa ako ng biglang kumalabog ang Pinto ng Banyo na parang galit itong isinara.

Agad kong hinila ang tuwalya at tinapis ito sa katawan ko.

" Ohhh Alice , ano kaba naman nagulat ako sayo! Anas ni Warren.

" Ikaw pala! Sagot ko.

" Okay ka lang ba para kang nakakita mg multo? Natatawang tanong ni Warren.

" A-ah ehhh wala! Anas ko at bumalik ako sa loob ng cubicle.

Narinig ko ang pagsipol sipol ni warren sa kabilang cubicle. Nakahinga ako ng maluwag at agad na tinapos ang paliligo. Ng matapos alo ay agad nadin akong nagbihis ng pantulog.

Naabutan kong kumakain ng Hapunan sila Peter at Sir Paul.

" Oh alice dinner mo! Si Sir Paul at iniabot saken ang Paper bag ng Jollibee.

" Thank you! Sagot ko.

" Hoy bayaran mo yan huh! Anong thank you ka dyan! Si Sir Paul.

" Okay! Mamaya after kong Kumain. Sagot ko.

" Teka , asan si Warren! Tanong ni Sir Paul.

" Asa Cr naliligo! Sagot ko.

" Nasa 711 kaya si Sir Warren! Sagot naman ni Peter.

Napakunot naman ang nuo ko sa sagot ni Peter. Kausap at nasa loob ng banyo si Warren ng umalis ako sa banyo kanina.

" Okay ka lang ba? Tanong saken ni Sir Paul.

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain pero laman parin ng isip ko kung si Sir Warren ba talaga ang kausap ko kanina sa Banyo.

" Kumakain na kayo! Nagulat pa ako ng biglang pumasok si Sir Warren sa pintuan ng Kwarto.

" Oh andyan kana pala san ka galing? Tanong ni Sir Paul.

Tuminggin ako kay Sir Warren.

" Sa banyo sabihin mo! Sigaw ng isip ko.

" Sa labas sa 711 bumili ako ng Shampoo at sabon! Sagot nito.

Bigla akong kinabahan sa narinig ko , sino pala ang kausap ko sa Banyo kanina ? At naligo pa ito?.

" Sabi kasi ni Alice nasa banyo ka daw! Singit ni Peter.

" Sa banyo eh kakarating ko lang , tsaka sumunod ako sa inyo kanina nung lumabas kayo! Sagot ni warren.

" Haysss , mabuti pa na kumain nalng tayo at ng makapagpahinga tayong lahat , Maaga pa tayo bukas kasi kailangan naten mgahanap ng mauupahan! Si Sir Paul.

" Yes bosss! Sagot ni Peter.

Wala ako sa sarili ko habang kumakain , kitang kita ko at nakausap ko pa si Sir Warren kanina sa Banyo.

" Are you okay? Bulong ni Sir Warren.

Tuminggin ako dito at ngumiti.

" Yes! Tipid kung sagot.

" Umiiyak kaba sa Banyo kanina? Tanong nito.

Napahinto ako sa pagsubo at tumingin dito.

" Naririnig mo din ba kanina yung umiiyak sa banyo? Tanong ko.

" Oo ang lakas nga eh , kaso nakalock kasi yung pinto papasukin sana kita! Sagot nito.

Agad na kinilabutan ako ng maalala ko na nakalock nga pala ang pinto ng banyo , kaya paanong makakapasok duon si Sir Warren pero sino yung lalaking nakausap at nakasabay ko sa banyo kanina na kamukhang kamukha ni Sir. Warren.

HousemateWhere stories live. Discover now