Kabanata 47

52 1 0
                                    

Paikot ikot lang ang itim na Anino ni Rigor sa loob ng bahay.

" AT NARIYAN NA PALA ANG SINASABI MO TANDA NA SUSUPIL SA AKIN? HAHAHHAAHA! Anas na Rigor kay Simon habang paikot ikot lang ang Itim na Anino.

Naging maingat si Bernard sa bawat pagkilos nito , nagpapakiramdaman ang lahat ng naroon. Pumalakpak si Bernard hudyat ng plano ng mga ito.

Habang paikot ikot si Rigor sa loob ng bahay ay sya namang pagpwesto ni Lando sa may sulok ng bahay at sya naman ang naatasan na lilinlang sa aninong si Rigor.

Pero ng buksan ni Lando ang kanyang mata ay bigla itong natulala.

" Anak! Anas nito.

Napatinggin ang lahat kay Lando , at nagkaroon ng pagkakataon si Rigor na salakayin ang katawan ni Lando.

" Waggggg!!! Sigaw ni Bernard pero huli na ang lahat nakapasok ang Itim na Aninong si Rigor sa katawan ni Lando.

" Walang mawawala sa konsentrasyon! Sigaw ni Simon sa mga ito.

Napaatras si Bernard at Simon ng biglang Umangat ang ulo ni Lando at dahan dahang umangat ang mga paa sa Sahig ng bahay.

" AHHHHHH! ANG SARAP NAMAN NG BAGONG KATAWAN NA ITO , PUNONG PUNO NG LIHIM ANG KATAWAN NA ITO! Sigaw ni Rigor sa katauhan ni Lando at nangingiti ito.

" Wala kang magagawa Rigor mas lalong hindi mo makukuha ang katawan ni Lando dahil alam kong lalabanan nya ang kaluluwa mo sa loob! Sigaw pa ni Bernard.

" HAHAHHAHAHAH! AT YUN ANG AKALA NYO MGA HANGAL! sigaw ni Rigor at mabilis na nahawakan nito sa leeg si Bernard.

" Apo! Sigaw ni Simon.

Natapos na ni Ka Maryo at Kanor ang Orasyon para sa Suot na kwintas ni Alice na gagamitin nito para mahuli ang Itim na anino.

" Walang hihinto sa Pagsagawa ng Ritwal! Sigaw ni Simon.

" Ano pong nangyayari sa labas , Ka Maryo? Tanong ni Alice dito.

" Mukhang napurnada ang mga plano naten Alice , hindi ko alam kung sino ang bagong napasukan ng kaluluwa ni Rigor! Anas nito.

" Pa! Anas ni Alice.

Lalabas sana si Alice pero pinigilan ito ni Kanor.

" Huwag iha! Hayaan mong si Bernard at Amang ang Gumawa ng paraan mas lalong masisira ang mga plano naten para magapi si Rigor.

" Pero ang Papa ko Mang Kanor! Naiiyak at nag aalalang si Alice.

" Iha mas mahihirapan tayo kapag nalaman ni Rigor na Malakas kana! Anas ni Kanor.

Walang nagawa si Alice kung hindi nag maghintay na lamang sa mangyayari at hudyat ni Tang simon Sa labas.

Habang nagpupumiglas naman si Bernard sa pagkakasakal ni Rigor saknya.

Umusal ng Orasyon si Simon para makawala si Bernard sa kamay ni Rigor

Domine, quaeso utere me hodie quoquo modo tibi videbitur. Sicut cogitationes et actiones meas dirigis, utere quaeso ut aliis benedicam, et ad proposita tua largius. Meam potius quam quaerens voluntatem, adiuva me ut pugnem cum Tuis. Gratias tibi, Deus, pro omnibus quae agis pro me.

Amen.

" AHHHHHHHHHH!!! sigaw ni Rigor ng makaramdam ito ng pagkapaso sa pagkakahawak kay Bernard . Dahilan upang mabitawan nito ang binata.

Gumapang si Bernard papalayo kay Rigor sa katauhan ni Lando pero naabutan ulit ito ni Rigor at buong lakas nya itong binalya sa Dingding na bahay.

" Ahhhhhhh!!! Napasigaw si Bermard sa sakit ng pagkakatama ng likod sa dingding ng bahay.

HousemateWhere stories live. Discover now