Kabanata 8

46 1 0
                                    

       " Oh , yung ilaw make sure na sarado na ulit lahat huh? Bilin ni Paul sa mga ito.

" Yes po nakasara na lahat , 100% sure na sure! Si Peter.

Nasa baba na si Warren at Alice at nahihintay sa mga ito.

" Magandang umaga po Ate! Bati ng mga ito sa May Ari ng Paupahan.

" Maayong Buntag! Sya nga pala mamaya may titira na dito sa ibaba mga kalalakihan! Pagbabalita ni Minda.

" Ganun po ba? Mas maganda po para may kapitbahay na kami! Sagot naman ni Paul.

" Para di narin nakakatakot sa bahay na to! Mahina at pabulong na anas ni Warren.

Agad na siniko ni Alice ang binata , baka kasi marinig ito ng may ari ng bahay at kung ano pa ang isipin nito.

" Sya nga po pala Ate may itatanong lang po ako? Biglang singit ni Peter.

" Unsa Man? ( Ano yun?)!

" Kahapon po ba eh pumasok kayo sa bahay ?

Napatinggin ang lahat kay Peter.

" Hindi naman tsaka diba nasa inyo ang Susi ng bahay? Tatawag naman ako kay Sir Paul kung kailangan kong pumasok sa bahaya nyo! Sagot ni Minda.

Nagkatingginan si Warren at Alice sa naging sagot ni Minda.

" Bakit nga pala?

" Kasi po umuwi po kami na bukas yung ilaw sa sala , gayong pinatay po namin ang mga ilaw bago kami umalis ! Sagot ni Peter.

" A-ahhh baka naman nagrerelease lang yung switch , titingnan nalang namin ng mister ko mamaya kapag maaga kayong nakauwi! Sagot ni Minda.

" Pasensya na po kayo Ate , sobrang matatanong nitong mga kasama ko! Paghingi ng paumanhin ni Paul.

" Okay lang atleast nalalaman namin kung anong sira ng bahay! Sagot nito.

" Sige po mauna na kami ate! Paalam ni Warren.

Naglalakad na palabas ng eskinita ang mga ito.

" See talagang may kakaiba sa bahay na yun! Anas pa ni Warren.

" Alam nyo tinatakot nyo lang mga sarili nyo sinabi na diba ni ate na baka sira lang yunh switch kaya nagaautomatic on ang ilaw! Pahayag ni Paul.

" Basta , pangit ang pakiramdam ko sa bahay na yun , hindi ako duwag na lalaki pero kakaiba talaga sa bahay na yun! Si Warren.

" Kapag talagang bukas na naman ang ilaw sa bahay , Maniniwala na ako sa mga nararamdaman nyo! Sang ayon naman ni peter.

" Hay naku! Nahahawa na talaga kayo kay alice! Si paul.

" We know na may Kakayahan talaga si Alice na makakita at makaramdam ng mga hindi nakikita kaya naniniwala ako kay Alice na theres something sa bahay naten! Si Warren.

" Bahala nga kayo dyan , Ang importante may natutuluyan tayo! Si paul.

Nagalakad na ang mga ito , habang sa Jeep eh walang imikan ang mga ito.

" Ano ba kayo , ngumiti nga kayo , dapat Positive Vibes lang okay guys? Si Alice.

" Totoo , kapag papairalin nyo yang takot sa isip nyo eh kakabagin talaga yang mga dibdib nyo! Anas naman ni Paul.

Magasasalita pa sana si warren ng sikuhin ni Alice ito.

" Sasagot pa eh! Si Alice.

Napailing nalng si warren sa pagsasaway ni alice. Ilang minuto pa ay nakarating na sa office ang mga ito.

" Good morning guys! Bati ni paul sa mga Business partners ng mga ito.

" Good Morning din Guys! Sagot naman ng mga ito.

" Oh Bro bakit parang bad mood ka ata? Mahinang tanong ni Alex kay Peter.

" Wala naman , may mga weird things lang sa bahay! Sagot nito.

" Hay naku , sabihan mo nga yang mga yan na walang Multo , kalalaking tao mga duwag! Si Paul kay Alex.

" Huh? Multo? Uso paba yun? Natatawang tanong ni Alex sa mga ito.

" Sa bahay ka kaya tumira ng maramdaman mo! Si warren.

" Naku , kathang isip lang kasi yan parang hindi naman kayo Negosyante eh! Si Alex.

" Basta may kakaiba sa bahay namin na tinitirhan! Sagot ni Peter.

Nagsimulang maging abala ang mga ito dahil sa unang araw nila sa Office , kaliwat kanan ang mga clients na kausap ng mga ito , kaya panandaliang nawala sa isip ng mga ito ang isipin tungkol sa kababalaghan nanangyayari sa bahay ng mga ito.

" Hala Magaalas sais na pala ng Hapon? Anas ni Alice habang nakatinggin sa suot nitong Relo.

" Talaga ba? Takang tanong ni Peter.

" Kaya pala medyo madilim na sa labas! Si warren.

" Oo nga sobrang busy naten nakalimutan narin naten kumain! Sagot naman ni Paul.

Hindi na nga namalayan ng mga ito ang pagtakbo ng oras dahil sa pagiging busy ng mga ito. Nakalimutan narin nito kumain ng almusal at tanghalian pati Meryenda.

" Grabe naramdaman nyo yung Gutom? Tanong ni Paul.

"Kroookkkk!!!

Napatingin ang lahat kay Peter ng tumunog ang tyan nito hudyat na gutom na ito.

" Ano kakain tayo? Tanong ni Paul.

" Tara! Medyo sunasakit narin ang tyan ko! Sagot ni Alice.

" Oo nga eh , baka mamaya makalimutan narin naten na maghapunan! Si Warren.

Nagtunggo sa isang kainan ang mga ito. Nagorder ng Pritong Manok si Alice ganun din ang mga kasama nito.

" Palimos po!

Nagulat pa si Alice ng kalabitin ito ng isnag babaeng nanlilimos.

" OMG! Gulat nito.

" Wala ate eh pasensya kana! Sago ni Warren.

" Tagalog kayo? Tanong ng pulubi.

" Yes po bakit po? Tanong ni Alice.

" Magiingat kayo may isang magkakasakit sa inyo dahil sa hindi nakikitang nilalang! Anas ng pulubi at tumawa pa ito.

Nakaramdam ng kilabot si Alice sa sinabi ng pulubi , maging si warren at Paul.

" Oh baka naman , seryosohin nyo pa yung sinabi ng pulubi , eh mukha naman baliw yun! Iiling na anas ni Paul.
.
Napabuntong hiniga nalng ang mga ito. Pero hindi lingid sa kaalaman ng mga ito ay may bumabagabag din sa loob ni Paul. Paano nga kung totoo ang mga sinasabi ng mga kasamahan nya na may kakaiba sa bahay na tintirhan namin , at yung matanda kaninang umaga anong ibig nyang sabihin na mag iingat at makiramdam kami? At ngayon naman itong pulubi na sinabing may magkakasakit samin! Hindi alam ni Paul kung Ano ang mga ito , pero mas pinili nalng nitong huwag pagtuunan ng pansin ang mga bagay na ito.

" Haysss ano ba naman g kaweirduhan ang meron saten dito sa cdo! Anas ni Warren.

" Sinabi mo pa , tapos ngayon yung pulubi naman! Si Peter.

" Alam nyo magfocus nalang tayo sa mga gagawin naten habang nandito tayo sa CdO! Anas ni Alice.

" Tama ka dyan Alice! Segunda ni paul.

Pinagaaralan ni Alice ang mga kasama nito , alam nitong kahit mga barako ang katawan ng mga ito ay takot naman sa multo , hindi rin naman nito masisisi ang mga kasma dahil may sari sarili namang pakiramdam ang mga ito.

HousemateWhere stories live. Discover now