Kabanata 13

49 2 0
                                    

     Halos dalawang linggo ng hindi nakakapasok ng Opisina si Alice dahil sa matindi pangangati at Dumadami narin kasi ang kanyang mga butlig s akatawan , umabot na nga rin ito sa maselang parte ng katawan nito. Halos gabi gabing hindi nakakatulog ang dalaga na ikinabahala ng mga dating kasama nito sa maynila.

" Alice , bakit hindi ka pala nagooffice sabi ni Peter? Tanong ni Paul sa Telepono.

" Hindi po kasi ako nakakatulog ng maayos , halos dalawang linggo na akong Walang tulog medyo nanghihina narin ako! Sagot ni Alice.

" Nagpatingin kana ba sa Doktor?

" Nagtry akong magpatinggin sa Center pero binigyan lang nila ako ng pampawala ng kati , ni hindi man lang nila ako chineck up!

" Mas makakabuti kung sa Hospital kana talaga magpunta!

Alalang alala si Paul sa kasamahan nito na nasa Cagayan.

Kumakain na ng Almusal si Alice , Tanging Noodles lang na Beef Flavor ang pwede nito kainin dahil nga sa tuwing kakain ito ng bawal ay nangangati ito kaya naman , tinitiis nito ang sarili na hindi kumain ng mga bawal na pagkain.

" Tao po! Katok at tawag ng nasa labas na pinto.

Iniwan ni Alice ang kanyang Almusal at nagtunggo sa Pinto para tingnan kung sino ang naroon.

" Sino yan? Tanong ni Alice.

" Tao po! Sagot ulit nito.

Binuksan ni Alice ang pinto at nagulat ng napagsino nag nasa labas ng pintuan ng mga ito.

" Ano pong ginagawa nyo dito? Tanong ni Alice.

Habang sumisilip naman ang Matanda sa loob ng bahay nila Alice.

" Narito lang sya! At gusto ka nyang paglaruan! Anas pa nito.

" Sino po ba ang tinutukoy nyo?

" Ang itim na anino!

Biglang nakaramdam ng kilabot ang dalaga dahil sa tinuran ng matanda , habang tumatawa ito at sumisilip sa loob ng bahay.

" Mang Tasyooooo!!!! Sigaw ni Ate Minda.

" Mag iingat ka kasi pinaglalaruan ka nya dahil sa taglay mong kahinaan!

" Mang Tasyooo ano po bang ginagawa nyo dyan sa taas? Sigaw ni Ate Minda.

" Bahay namin yan diba? Tanong ni Mang Tasyo.

" Naku si Mang tasyo talaga ulyanin na! Sagot at naiiling pang si Ate Minda.

Ng mawala na sa paningin ko ang mga ito ay inilibot ko ang mata ko sa paligid , Gayon tama pala ang nakikita ko na may itim na aninong nilalang dito sa bahay , pero ano yung sinasabi ni Mang Tasyo na pinaglalaruan ako dahil mahina ako?

Maya - maya pay may Kumatok sa pintuan.

" Alice!! Tawag nito.

Naulinigan ko ang boses ni Ate Minda. Kaya agad kung binuksan ang pinto.

" Okay ka lang ba? Pasensya kana kay Mang tasyo huh? Akala siguro nya dito pa sila nakatira ng asawa nya!

" Poo? Dito po pala sya nakatira dati?

" Oo kasama ng asawa nya kaso nga lang ng mawala na ang asawa nya ay parang naguulyanin na ito kaya pinasya ng mga anak nito na kunin nalng si Mang tasyo at ipisan sa kanila!

" San po namatay ang asawa nya? Tanong ko.

" Sa hospital , pero sa bahay ng anak na ni Mang tasyo ibinurol ang labi ni Manang Celya.

" Kawawa naman po pala si Mang tasyo!

" Simula kasi ng umalis sila dito ay ngayon lang ulit nagkaroon ng umuupa ang bahay na ito kaya siguro palaging bumabalik si mang tasyo dito!

" Ganun po ba?

" Kamusta kana nga pala ? Sobrang dami na ng allergies mo , nagpatinghin kana ba sa doktor?

" Bukas po ate hinihintay ko lang po ang pera ko!

" Mas mabuti pa nga para malaman mo kung ano yan!

" Teka nasaan nga po pala yung mga tao dito sa kabila?

" Ah nasa Site nila mukhang isang linggo ata sila duon! Sagot ni ate.

Kaya pala walang naririnig na ingay si Alice sa kabilang bahay , magkatabi lang kasi ang kwarto ni alice at ang kwarto sa kabila kaya rinig na rinig din nito ang malakas na hilik ng mga nasa kabila.

Natawa naman si Minda ng ikuwento ni Alice ang napakalakas na hilik ng mga nasa kabilang bahay. Nangako din si minda na sasabihan nya ang mga nasa kabilang bahay na wag masyado malakas ang paghilik.

Nagpaalam na si Minda at itinuloy na ni alice ang Pag aalmusal , medyo malamig narin ang Noodles na niluto nito kanina. Bahagya din nawala sa isipan nya ang mga sinabi ni Mang Tasyo sa kanya kanina. Pero paano kung napaglalaruan nga ako ng itim na Anino dito sa bahay?

Nagpasya na akong Tumawag sa papa ko para matulungan din ako nito kung ano bang meron sa balat ko. Gulat na gulat ang Papa ko ng ipakita ko sa videocall ang Balat ko.

" Ano ba yan Anak , ano bang pinag gagaawa mo dyan sa cagayan? May pag aalala sa boses ni Papa.

" Hindi ko rin alam papa eh , mag dadalawang linggo ng ganito ang balat ko at natatakot na ako dahil dumadami ito! May nagsabi din saken na baka daw Monkey fox ito yung parang chicken Fox! Sagot ko.

" Umuwi kana lang dito kesa nagkakaganyan ka , yayaman ka nga dyan sa ginagawa mong negosyo na yan pero ganyan naman ang kapalit! Wag ka kasi matigas ang ulo eh! May galit na sa boses ni Papa.

" Hay naku dumali na naman ang pagka Negative ng Dadiyooh ko! Paglalambing ko.

" Totoo naman , sarap ng buhay ng mga kapatid mong lalaki sila ang naririto sa bahay tapos ikaw at mga kapatid mo pang babae , ang nakikipagsapalaran kung saan saan!

" Ang layo na ata ng topic naten sa Allergies ko Pa! Natatawa kung tanong dito.

Hindi man sabihin ni Papa na galit ito eh alam kung galit ito dahil sa nag aalala lang ito para sa kalagayan ko , nasanay kasi akong hindi dumedepende sa kanila kaya sanay akong malayo sa kanila.

" Isend mo saken ang Birthday mo , edad , at ipapakita ko yan sa Albularyo dito baka sakaling gumaling ka!

" Eh diba hindi ka naman naniniwala sa mga albularyo? Tanong ko.

" Basta! Nararamdaman ko na may kakaiba dyan sa tinitirhan mo! Anas ni papa.

Medyo nagulat ako sa sinabi nito , never kasi itong naniniwala samin ng Mama ko tungkol sa pagkakaroon ng 3rd eye namin ng Mama ko , sabi nya na kalolokohan at kathang isip lang daw namin ang mga sinasabi naming kaluluwa , pero bakit ngayon mukhang naniniwala ata ang papa ko. Ganito din ba ang sasabihin nya sa sinabi ng Matandang Tasyo.

" Ang weird mo pa! Biro ko dito.

" Basta may nakita akong Itim na Anino na dumaan sa likod mo habang naguusap tayo! Saad ni Papa.

" Itim na anino? Tanong ko.

" Oo pero baka guni guni ko lang yun pero mag iingat ka dyan , tatawagan nalang kita mamaya kapag nakausap ko na yung magtatawas dito saten , tamang tama at Friday ngayon!

Nagpaalam na ako kay Papa , Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na for the first time ay naniwala ang papa ko sa mga ganitong scenario? Or matatakot ako dahil hindi na biro na parehas kami ng mga nakikita ni Papa ako at Si Mang Tasyo.

HousemateWhere stories live. Discover now