Kabanata 28

30 1 0
                                    

                      Nang malaman ni Alice na medyo okay na si Tang Simon ay hindi na nagdalawang isip ang mga ito na puntahan si Tang Simon sa Bahay.

             " Sigurado ka na ba Peter na sasama ka? Tanong ni Alice kay Peter.

             " Oo sasama ako , ngayon pa ba na naniniwala ako na meron talagang kakaiba sa bahay! Anas nito.

                     Saktong wala naman duon si Paul at meron pinuntahan itong kaibigan sa iligan kaya bukas pa ang balik ng Head ng mga ito , kaya sinamantala na ni Alice ang pagkakataon na makapunta sa bahay ni Tang Simon. Kasama ng mga ito si Bernard , umabsent pa ito sa trabaho para makasama sa mga ito.

                     Isinara ng dalaga ang Pintuan ng bahay at naglaka sila patunggo sa kabilang eskinita kung saan naroon ang daan patunggo sa bahay ni matandang Simon.

                    Narating ng mga ito amg lumang bahay ng matanda , hindi naman nahirapan ang mga ito na hanapin ang daan sa kadahilanang kilala din pala ang matanda sa pangagamot dito

             " Mukhang ito na nga ang bahay ni Tang Simon! Si Bernard.

             " Hala nakakatakot naman ! Si Peter.

             " Hindi multo ang pupuntahan naten kundi si Tang Simon ang bantog na mangagamot dito! Si Alice.

                    Sumilip si Bernard sa may gate ng mga ito , sakto naman na nakabukas ang gate mg matanda na animoy alam nito na pupunta kami.

             " Magsipasok kayo! Boses ng matanda.

                    Nagkatinggin ang tatlo mukhang alam nga ng matamda na pupunta ang mga ito. Isa isang nagsipasok ang mga ito. Madilim ang loob at tanging gasera lang talaga ang ilaw na naroon , lumang luma narin ang bahay , kahoy ang sahig nito kaya dinig na dinig ang bawat iwit ng kahoy kapag naglalakad.

             " Hello po Tang Simon ! Magandang Hapon po! Bati ng mga ito.

             " Magandamg hapon din sa inyo! Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo? Tanong ng Matanda.

                    Lumabas ang matanda sa kwarto nito at laking gulat ng mga ito. Nakasakay sa welchair ang matanda at putol ang dalawang paa nito. Nahabag ang kalooban ni alice ng makita ang matanda ganun din si Bernard. Hindi kasi alam ng mga ito na ganun pala ang kalagayan ng matanda.

             " Wag kayong magulat kung ganito ang kalagayan ko mga Apo , dahil yan sa kagagawan ni Rigor!

             " Si Rigor po?  Tanong ni Alice.

             " Oo , Dahil sa kinalaban ko ang itim na kapangayarihan ni Rigor nuon , tumilapon ang ng malakas at hindi ko namalayan na Mababagsakan ako ng malaking puno sa paa kaya ganito ang sinapit ko.! Kwento ng Matanda.

              " Sino si Rigor huh? Bulong na tanong ni peter kay bernard.

             " Sya ang itim na anino na naninirahan at naghahari sa bahay nyo iho! Sagot ng matanda na narinig pala ang bulong ni peter kay bernard.

            " Itim na anino? Takang tanong ni Peter habang nakakaramdam ito ng Takot.

            " Sya nga pala bakit pala kayo napasugod sa bahay ko? Tanong ulit ng matanda at inayos nito ang mga Gamit sa maliit na altar nito.

                    Nagkatingginan si Bernard at Alice.

           " E_hh kasi po Tang Simon , aksidente ko pong narinig ng minsan na mag talo kayo ng anak mong si Mang Kanor na may paraan para mahinto na ang kasamaan ng itim na anino na si Rigor! Si Alice.

" Ayun ba?

Hindi pa man nakakapagsalita si Tang Simon ay biglang may narinig ang mga ito na boses.

" Amang! May mga kasama kaba dyan? Tawag ng isang lalaki.

Napatinggin si Bernard sa hagdan ng bahay , pamilyar kasi ang boses na iyon sa kanya hindi sya maaring magkamali.

" Amang! Si__! Nahinto ang pagsasalita ng bagong dating.

" Tay?? Tanong ni Bernard sa lalaking kakakyat lang.

" Tatay mo si Mang Kanor? Ibig sabihin ikaw ang sinasabi ni Tang Simon na susi sa lahat ng ito? Naguhuluhang si Alice.

" Anak anong ginagawa mo dito? Tanong ni Kanor sa anak.

" Ikaw po ang dapat tanungin ko nyan ? Ano pong ginagawa nyo dito at tama ba ang dinig ko na tinawag mong Amang si Tang Simon? Naguhuluhang si Bernard.

" Family bonding pala tong napuntahan naten Alice! Bulong ni Peter kay Alice , agad namang inapakan ni alice ang paa nito.

" Tumahimik ka nga dyan! Saway ni Alice.

" Amang anong ibig sabihin nito? Naiiling na tanong ni Kanor sa Ama.

" Sabi ko nga sayo Kanor na tadahana ang magsasabi kung anong nararapat! Anas ng Matanda.

Litong lito si Bernard sa mga nangyayari , kung gayon pala ay itinago ni Tatay na buhay pa ang lolo ko? Tanong ng kanyang isipan. Hindi nito maintindihan kung anong dapat maramdaman nito.

" Anak , magpapaliwanag ako okay? Tanong ni Kanor sa Anak.

" Dapat ng malaman mo ang totoo Apo , Ako ang iyong Lolo Simon , at ako ang Ama ng iyong Amang si Kanor , pasensya na kung mas pinili kong magtago dito sa bahay na ito , ayoko kasing madamay pa kayo ng mga magulang mo sa kapangyarihan ni Rigor , alam ko na babalikan ako nuon ni Rigor dahil sa natalo ko ito at alam ko na kayo ang sunod na pupunteryahin nito kaya humaiwalay ako sa Pamilya ninyo at nagatago nalang dito malapit sa kung nasaan si Rigor!

Ngauon ay naintindihan ni Alice na ayaw lang ng matanda na madamay sa gulo sa pagitan nila ni Rigor ang pamilya nila Bernard kaya nagtago ito.

HousemateOnde histórias criam vida. Descubra agora