Kabanata 16

38 1 0
                                    

     Nakabalik na sa Cagayan ang Head ng mga ito na Si Paul. 

" Alice!! Tawag ni Paul habang kinakatok ang Pinto ng Kwarto.

Pupungas pungas naman si Alice na tumayo , halos alas sais na kasi ito ng umaga nakaidlip. Tumayo ito na parang lutang at wala sa sarili dahil narin sa sobrang antok ng dalaga.

" Oh anong nangyari sayo? Tanong ni Paul.

" Okay lang ako! Sagot ni Alice.

Hinawakan ni Paul ang braso ni Alice at sinuri ang mga Butlig na nasa kamay at braso nito.

" Nilalagnat ka ata? Tanong ni Paul.

" Masama talaga ang pakiramdam ko sa ngayon , nakatulog kasi ako mag aalas sais na ng umaga!

" Alas sais?

" Oo , mag iisang buwan na akong hindi nakakatulog ng gabi kaya nanghihina talaga ako!

" Oh sya sige , bukas eh pupunta na tayo sa totoong doktor para malaman naten kung ano ba yang nangyayari sa balat mo! Anas ni Paul.

Bumalik sa pagkakahiga si Alice dahil narin sa talagang hinihila ng antok ang mga mata nito.

" Dapat na mag Disinfect tayo dito Alice , Peter medyo mabaho nadin ang bahay , At lalo na ang kwarto mo Alice marahil dahil sa mga gamot na iniinom mo yan!

Aminado naman si Alice na medyo mabaho na ang kwarto ng dalaga dahil sa pawis na nangagaling sa katawan nito at sumisingaw ang iniinom na gamot nito. Mamaya pa sya maliligo kapag nakabawi na sya ng tulog ganun ang palaging routine ng dalaga.

Maya-maya din ay nagpaalam na si Paul kay Alice para pumunta ng Office kailangan kasi sya ng mga tao duon dahil medyo lumiliit na naman ang grupo ng mga ito dahil sa pagkakasakit ni Alice.

Magaling na Leader kasi si alis halos lahat ng Pasikot sikot sa Opisina at mga ideas ay may naiiambag ito kaya malaking kawalan din ng matagal itong hindi nakakapag office.

Naiwan na namang mag isa si Alice sa bahay , Ganun parin ang routine ng dalaga sa araw - araw , gigising at kakain , Maliligo at magwawalis ng Sahig , yun kasi ang bilin ni Bernard saknya na linisin palagi ang Sahig ng sala dahil ayaw daw ng mga nakatira dito na madumi ang sahig. May mga pailan ilan ding nagsesend sa dalaga ng mga Message na magpagaling ito at namimiss na nila makasama sa Office.

" Haysss!!! Gusto ko na makaalis talaga sa bahay na ito Bernard! Daing ni Alice habang kausap sa telepono si Bernard.

" Kailangan mo na talaga makaalis dyan , tingnan mo na ang itchura mo payat , at napakalalim ng mga mata mo dahil sa hindi pagtulog sa gabi! Puna ng Binata.

" Pero sinabi ko na sayo diba na ayaw nga nila akong oayagang makaalis dito s abahay!

" Eh di habang buhay kang ganyan dyan Alice? Malaki kana makakapagdesisyon kana ng sarili mo!

Tama si Bernard , matanda na ako pero parang nakokontrol nila ang desisyon ko , kaya nakapagdesisyon na talaga ang dalaga na umalis ng bahay.

Habang magkausap ang mga ito ay biglang napakapit si Alice sa dalawang tenga nito.

" DIBA SINABI KO NA SAYO!
" DIBA SINABI KO NA SAYO!!!!

Palakas ng palakas ang boses nito.

" Anong nangyayari sayo Alice? Nagaalalang tanong ng binata.

Nakapikit at hawak hawak ni alice ang tenga nito.

" Hoy Anong nangyari sayo ? Tanong ulit nito.

Nagsimulang umiyak si alice na ikinabahala ni Bernard , kaya naman agad na nagdesisyon ang binata na puntahan ang dalaga sa bahay na ito , mabuti nalng at malapit lang din ang bahay ng binata sa dalaga.

Naabutan ni Bernard si Alice na nakaupo sa sulok habang nakatabon parin sa Tengga nito.

" Anong Problema?

Biglang napaakpa si alice sa binata habang umiiyak.

" Naririnig ko sya! Paulit ulit na anas ng dalaga.

" Sino ?
." Yung boses lalaki na bumubulong sa tenga ko! Umiiyak parin na sagot nito.

Napa sign of the cross pa si Bernard sa sinabi ni Alice. Hindi n atalaga maganda ang nangyayari sa dalaga kailangan na nitong makaalis sa bahay na ito. Pinakalma ni Bernard si Alice.

Kinuwento ni Alice kay Bernard na Ilang gabi ng may bumubulong sa tengga nito. Boses lalaki at galit na galit ito. Isa lang ang nasa isip ni Bernard ito ay ang Itim na anino na nakatira sa bahay nila alice. Malamang isa itong mensahe o kaya ay babala sa dalaga na hindi sila kumportable na naririto sila nakatira sa bahay.

Sinamahan ni Bernard muna ang dalaga habang wala pa ang mga kasama nito , Okay lang naman saknila na narito si Bernard dahil kilala naman nila ang Binata na kaibigan ni Alice. Mag aalas sais na ng hapon ng isara na ni Bernard ang mga bintana at Pintuan at pinapasok na si Alice sa kwarto nito.

Nagulat at natakot pa si alice ng patayin ni Bernard ang mga ilaw sa kabahayan.

" Anong gagawin mo? Tanong ni alice.

" Basta dyan ka lang sa kwarto okay? Wag kang matakot okay lang naman tayo dito.

Nakinig nalang at sumunod si Alice sa sinasabi ni Bernard. May binuksan na app ang binata , at nilagay nito ang Cp sa sahig sa labas ng kwarto ni Alice. Bigla itong tumunog na animoy nawawalan ng Signal.

" DIBA SABI KO SAYOOOOO!!!

Kilabot ang naramdaman ni Alice at agad na tinakpan nito ang kanyang mga tenga ng marinig nito ang Boses na nagmula sa Celfone ni Bernard. Spirit Box ang tawag sa Application na ginamit ng binata para alamin kung anong mensahe ang gusto sabihin ng mga spirits na nasa loob ng bahay.

" Pwede ba patayin mo na yan bernard! Pakiusap ni alice dito.

Agad na tumayo si Alice at binuksan ang ilaw ng kwarto takot na takot ang dalaga. Binuksan narin ni Bernard ang iba oang ilaw sa sala maging sa kusina at Cr ng bahay.

" Yun ba ang binubulong sayo ng Itim na anino? Tanong ni Bernard .

Tumango si Alice at napakapit sa mga tuhod nito , nangangatog kasi ang mga tuhod ni Alice dahil sa sobrang takot. Pinaliwanag ni Bernard ang mensahe nito sa Dalaga.

" Narinig mo ba ang huling sinabi ng Spirits?

" Ano yun?

" Gusto nya na mag isa ka lang dito sa bahay!

Mas kinilabutan si Alice sa sinabi ni Bernard.

" Sabihin mong nagbibiro ka?

" Totoo yan , dahil sa namamayaning takot dyan sa puso mo ay mas lalo ka nilang nagugustuhan , at sa pagiging tahimik mo rin dito sa bahay mas nagugustuhan ka nila!

Napainom si Alice ng tubig dahil hindi nito alam kung anong sasabihin sa binata.

HousemateWhere stories live. Discover now