Kabanata 39

30 1 0
                                    

Nagpapahinga na ng mga sandaling iyon ang lahat ng magising si Lando na Ama ni Alice. Tumayo ito para silipan ang anak sa kabilang Kwarto.

" Pa! Parang awa mo na kalagan mo na po ako dito , nahihirapan na ako eh! Pagmamakaawa ni Alice Dito.

Napatinggin sa Orasan si Lando mag aalas tres na ng madaling araw may ilang oras pa bago mawala ang Itim na Anino sa bahay.

" Pa! Ako po ito si Alice! Wag ka po matakot saken Pa! Anas ni Alice.

Lumapit si Lando at habag na habag sa kalagayan ng Anak nito.

" Anak , Konteng tiis nalang at makakauwi na tayo! Anas ni Lando sa Anak.

" Gustong gusto ko na po makauwi at makasama kayo ni Mama! Anas ni Alice at umiiyak ito.

Niyakap ni Lando ang anak na si Alice.

Habang yakap ni Lando ang dalagang si Alice ay nanlilisik naman ang mga mata nito habang nakangisi ang Dalaga.

" Pa! Kalagan mo na po ako! Anas ni Alice.

" P_ero Anak hindi pa maaari! Sagot ni Lando.

" WALA KANG KWENTANG AMA! BAKIT HINDI MO MATULUNGAN ANG IYONG KAISA ISANG ANAK NA BABAE! Galit nagalit na anas ni Rigor sa katauhan ni Alice.

Napaatras si Lando sa naging reaksyon at pagbabagong anyo ni Alice. Nagising naman ang mga tao sa bahay dahil sa pagsigaw ni Rigor sa katauhan ni Alice.

Napaiyak nalang si Lando sa sinasapit ng anak.

" MGA WALANG KWENTANG NILALANG , HINDING HINDI NYO MABABAWI ANG KATAWAN NG BABAENG ITO! Sigaw pa ulit nito at ngumisi ng nakakaloko.

Inilayo ni Paul at Peter si Lando at dinala sa Kusina para painumin ng Tubig.

" Nasasabi mo Lang yan Rigor , pero ikaw ang tunay na mahina! Anas ni Simon at ngumisi pa ito.

Galit na galit naman ang mukha ni Alice na nakatinggin sa Matandang si Simon.

" MAS MASAHOL PA SA PAGKAWALA NG MGA PAA ANG MATITIKMAN MO TANDA! pagbabanta pa ni Rigor dito.

" Tama si Simon , Rigor isa kang mahinang Itim na Anino! Anas pa ni Ka Maryo.

" ISA KA PA MATANDANG HUKLUBAN , ISANG MAHINANG MANGAGAMOT MG LUZON! Nakangising si Rigor sa katauhan ni Alice.

" AT KUNG MALAKAS KA EH BAKIT NAGTATAGO KA SA KATAUHAN NG DALAGANG IYAN? GANYAN KABA KAHINANG NILALANG? Naiiling namang si Kanor habang palakad lakad sa gilid ni Alice.

Mas lalong nang galaiti sa galit si Rigor ng sabihin iyon ni Kanor at ngumisi pa ng nakakaloko si Kanor.

" MAHINA? O IKAW ANG MAHINANG ANAK NG MATANDANG MANGAGAGMOT NA IYAN? Gigil na gigil na tumingin ito sa kinaroroonan ni Simon.

Habang sa isang sulok ay taimtim namang naguusal ng isang orasyon ang binatang si Bernard at ikinumpas pa nito sa hangin ang kanyang Kwintas na Krus.

" AHHHHHHHHHHHHHH!!!!! napasigaw si Alice at halos magwala sa sakit dahil sa pagkapaso ng katawan nito.

Pilit na hinahanap ni Rigor ang kinaroonan ni Bernard pero bigo nya itong nakita. Umusal ulit ng parehang orasyon ang binata at gaya kanina ikinumpas ulit nito ang krus na kwintas.

" AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!! Malakas na sigaw ni Rigor na lumukob sabuong  kabahayan.

Napatinggin naman si Simon kay Kanor at Maryo dahil sa iniinda ni Rigor ang Sakit na nangagaling sa orasyon ng Apong Si Bernard.

" Dios de espirito Santo! Sabay sabay na usal ng tatlo pang mangagamot.

" AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!! BABALIKAN KO KAYONG LAHATTTTTTT!!!! pumailanlang na sigaw ni Rigor sa kawalan.

Dahan dahang pumikit si Alice at nawalan ito ng Malay. Agad na dinaluhan ni Ka Maryo ang Dalagang si Alice at Inorasyunan ito gamit ang Maliit na krus at ipinatong sa nuo ng dalaga. Nangisay naman ito.

" Okay lang ba ang anak ko? Nag aalalang tanong ni Lando.

" Oo Lando , wag ka mag alala wala na sa katawan ni Alice ang Itim na anino sa ngayon! Anas ni Ka Maryo dito.

Agad na nilapitan ni Lando ang anak at inayos ang pagkakahiga nito , Hinaplos nito ang mukha ni Alice at inayos ang mga nagkalat na buhok nito sa mukha.

Samantalang tumakbo naman si Kanor sa nasa sulok na anak na si Bernard. Nanghina ang binata dahil sa ginawang orasyon nito. Umagos din ang dugo sa ilong ng binata.

" Anak tumayo ka! Utos ni Kanor sa anak.

Inakay naman ni Peter at Paul si Bernard at inihiga ito sa kabilang kwarto.

" Okay na ba si Alice Itay? Tanong ni Bernard sa Ama.

" Oo anak okay na sya ngayon , lumabas na ang itim na aninong si Rigor.

" Gusto mo ba ng maiinom na tubig Bro? Tanong ni Peter dito.

Agad na kumuha si Paul ng Tubig at dinasalan naman iyon ng amang si Kanor at dahan dahang ipinainom sa binata para bumalik ang lakas nito.

" Kung sa gayon ay Umeepekto parin sa Kapangyarihan ni Rigor ang orasyon na ginamit ko nuon ng makipaglaban ako skanya! Si Simon kay Maryo.

" Oo ang kailangan nalang ay ang tamang lakas ng katawan ng apo mong si Bernard.

" Ilang araw narin kasing puyat si bernard sa kakabantay sa kainigan nitong si Alice! Saad naman ni Kanor ng mkabalik ito sa sala.

" Kamusta ang Apo ko? Tanong ni Simon dito.

" Nagpaoahinga na sya Amang! Gayong nagagawa na ni bernard ang orasyon sigurado akong matatalo na naten ang itim na Anino! Saad naman ni Kanor.

" Oo at kailangan nalang nateng proteksyunan ng mga orasyon si Bermard habang isinasagawa nito ang orasyon sa pagkukulong ng Itim na anino ni rigor sa Sagradong Grapon! Anas ni simon.

Biglang umubo si Simon.

" Amang okay lang po ba kayo? Alalang tanong ni Kanor sa Ama.

" Okay lang ako Kanor , medyo malamig lang ang panahon kaya inuubo na naman ako! Anas ni Simon.

" Ang mabuti pa ay magpahinga na muna kayo Amang! Ka Maryo mag aalas singko na ng umaga! Saad ni Kanor sa mga ito.

Habang nakabantay naman ang dalawang binata sa Kwarto sa nagpapahingang Si Bernard.

" Grabe noh Sir Paul? Gusto lang naman nateng makabuo ng grupo dito sa Cagayan.de Oro , pero ibang Experience ang nangyari saten! Anas ni Peter.

" Kaya nga eh , At ngayon kailangan nateng maniwala sakanila na magagapi nila ang itim na aninong si Rigor! Sagot pa niyo.

" Wag ka mag alala sigurado akong matatalo nila si Rigor! Walang nanalong kasamaan sa kabutihan! Si Peter.

Ngumiti nalang si Paul.sa sinabi ni Peter. Parang nasa Isang Horror movie ang buhay nila sa ngayon , sa lahat ng naexperience ni Paul s abuhay ay ito ang madami syang natutuhan , tulad nalang ng pagtitiwala sa mga kasama , at maging sa mga Nilalang na hindi nakikita , baka kasi sa sobrang moderno na ng panahon ay nakkaalimutan na naten na may mga nilalang padin na nag eexist sa paligid naten na dapat hindi naten balewalain.

HousemateWhere stories live. Discover now