Kabanata 35

26 1 0
                                    

" Malapit na ang kabilugan ng Buwan kaya kailangan maisagawa na ang ritwal sa paghuli sa Anino ni Rigor! Anas ng matandang Simon habang nakatinggin ito sa kalangitan.

" WALA KANG MAGAGAWA TANDA! DUWAG ANG SINASABI MONG GAGAPI SA KAPANGYARIHAN KO!!

Pumailanlang ang Boses ng Itim na aninong si Rigor at sinundan pa nito ng napakalakas na halakhak , Biglang sumunod ang matatalim na kidlat at kulog at ang malakas na pagbuhos ng Ulan.

" Imperet illi Deus, supplices deprecamur: tuque, Princeps militiae caelestis, Satanam aliosque spiritus malignos, qui ad perditionem animarum pervagantur in mundo, divina virtute, in infernum detrude. Amen. ! Usal na Dasal ng Matandang si Simon.

Hinawakan ng Matanda ang Krus na bakal na kwintas na suot nito. Pinaandar na nito ang Wheelchair papasok ng kanyang kwarto.

Napatayo si Alice ng marinig ang boses ng itim na Anino , tila galit na galit ito , naroon din at nakahiga sa sala ang binatang si Bernard. Tumayo si Alice para kumuha ng tubig oras na kasi ng pag inom nito ng gamot. Tatayo palang ang dalaga ng makaramdam ito ng pagkahilo.

Samantalang napatayo din si Bernard ng biglang nagmamadaling lumabas ng kwarto si Peter paikot - ikot ito na parang balisa at hindi alam ang gagawin.

" Bro! Okay ka lang ba? Tanong ni Bernard dito.

Narinig naman ito ng dalagang si Alice at agad na lumabas ng Kwarto at binuksan ang ilaw sa Sala.

" Anong nangyayari? Tanong ni Alice sa nakatayong si Bernard.

Napansin ni Alice si Peter na lakad ng lakad sa loob ng bahay habang nagsasalita ito. Kaya napakapit ito kay Bernard.

" Wag kang matakot hindi yan si Peter! Bulong ni Bernard dito.

" Ano? Takang tanong ni Alice.

Nagsign na tumahimik ang dalaga. Naramdaman naman ni Alice ang pagkulo ng Lana na langis na nasa bulsa nito. Ibig sabihin ay may nangyayaring kakaiba dito sa loob ng bahay.

Pupungas pungas din naman na lumabas ng kwarto si Paul at napansin ang balisang naglalakad na si Peter habang nagsasalita.

" Bro okay la lang? Tanong ni Paul dito at tinapik ang braso nito.

Nagulat ang lahat ng biglang sakalin ni Peter ang kasamang si Paul. Halos maitaas na ni Peter ang binatang si Paul kaya hirap na hirap itong huminga.

" Peter tama na! Tumigil kana , labanan mo yang sarili mo Peteerrr! Sigaw ni Alice.

Kasabay ng kulog at kidlat ay biglang binitawan ni Peter ang binatang si Paul. Dali daling tumakbo si Paul sa kinarooanan nila Alice at Bernard. Hawak hawak ng binata ang leeg nito na sinakal ni Peter.

" Walangya ka Peter ano bang trip mo! Galit na anas ni Paul dito.

Hinawakan at pinigilan ni Alice ang binatang si Paul. Samantalang nagusal ng isang orasyon si Bermard at Naglagay ng Asin na korteng pabilog sa gitna ng sala.

" Pumasok kayo madali! Utos ni Bernard.

Agad namang pumasok ang dalawa at naiwan si Peter na pabalik balik na naglalakad at kung ano ano ang sinasabi. Naawa si Alice sa kalagayan ni Peter. Nakikita rin ni Alice ang lahat ng kaluluwa na naroon nakapaligid sa loob ng bahay.

Nagsindi ng kandila si Bernard at pinatay ang mga ilaw sa sala , pumasok ang binata sa Loob ng ginawang bilog na pinaligiran ng asin at nagusal ng mataimtim na dasal.

Maya - maya pa ay nangisay ang binatang si Peter at bumulagta sa Sahig. Tatayo na sana si Paul para tulungan ang kasamahan pero pinigil iyon ni Alice ng makita ni Alice na unti unting tumatayo si Peter.

Nakaharap sakanila si Peter at Nanlilisik ang mga mata nito.

" HINDI NYO AKO KAYA! MGA HANGAL! Sigaw ni Peter habang humahalakhak ito.

Lalo pang lumakas ang Kulog at kidlat dahil sa sigaw ni Peter. Kitang kita ni Paul kung paano nagbago ang mukha ni Peter na animoy naging isang Demonyo.

Pumikit ulit si Bermard at nagusal na naman ng isang Orasyon na nahahango sa salitang latin at itinaas ang Suot nitong Krus at ihinarap sa binatang si Peter.

" Lubayan mo ang may ari ng katawan na yan ,kung ayaw mong may mangyari sayong hindi mo magugustuhan! Pagbabanta ni Bernard dito.

Tumawa ng mala demonyo ang binatang si Peter.

" PAKIALAMERO KA! KAYO NG TANDANG YUN! BAKIT HINDI MO GAYAHIN ANG ITAY MONG DUWAG HUH??? Sigaw pa nito at humalakhak ng malakas.

Nagulat naman ang mga ito ng biglang magbago ang anyo ni Peter bumalik ito sa dating anyo.

" Alice! Bernard! Sir Paul! Tulungan nyo akoo!!! Paghingi ng tulong ni Peter.

Awang awa si Alice sa kaibigan. Pero hinihintay nila ang hudyat ni Bernard dahil ito ang mas nakakaalam kung si Peter na ba ang kausap namin.

Lumabas ng Bilog si Bernard at dahan dahang hinarap si Paul. Lahat ng mga naroon ay pigil ang hininga dahil sa pangyayari. Akmang Hahawakan ni Bermard ang kamay ng binata ay bigla itong tumayo at hinawakan ang leeg ni Bernard. Nagpupumiglas si Bernard dahil sa pagkakasakal ni Peter.

" Peter waggg si Bermard yan! Sigaw naman ni Alice.

Hindi makapag usal ng Orasyon ang binatang si Bernard dahil sa nahihirapan ito sa pagkakasal ni Peter sakanya. Lumabas narin ng bilog si Paul para tulungan makawala si Bernard sa pagkakasakal ni Peter dito. Isang malakas na kalabog sa dingding na tumilapon ang binatang si Paul dahil sa paghagis ni Peter dito.

Hindi na makahiga si Bermard sa pagkakasakal ni Peter dito , tara tang taranta si Alice kung anong dapat gawin kaya naman sumigaw ito ng pagkalakas lakas.

" Tang SIMOOOOONNNNN!!!! TULONGGGGG!!!! Pumailanlang sa buong kabahayan ang sigaw ng dalaga.

Biglang napatigil si Peter sa pagakasakal sa binatang si Bernard ng marinig nito ang mga nagdadasal ng orasyon. Biglang nabitawan ni Peter si Bernard at halos habol hininga naman ang ginawa ng binatang si Bernard habang hawak hawak ang leeg nito.

" HINDI PA TAYO TAPOSSSS TANDAAAA!!!! Sigaw ng itim na Aninong si rigor.

Nawalamg ng malay ang binatang si Peter at tumumba sa sahig ito. Lumabas ng bilog siAlice at agad na binuksan ang ilaw at tumakbo sa kianroonana ni bermard.

" Okay ka lang ba? Tanong ni Alice at inalalayan tumayo si Bermard.

Samantalang nagmulat naman si Peter ng mata at takang takang nakatinggin sa kanila.

" Bakit ako dito nakahiga? Takang tanong nito.

" Ikaw na ba yan talaga? Tanong ni Paul dito na sapo sapo pa ang likod na tumama sa dinding ng bahay.

" Anong pinagsasabi nyo? Taka ulit na tanong nito.

" Wala ka ba talagang natatandaan? Tanong ni Paul.

" Ano bang nangyari? Tanong ulit ni Peter.

Naiiling nalang si Alice at Benard habang inihiga ni Alice ang binata sa kama nito.

" Hayaan mong makapagpahinga ka muna dito Bernard at pupuntahan ko lang sila sa sala! Anas ni Alice.

Napapikit si Bernard alam ng binata na iniligtas sya ng kanyang Lolo simon at ang kanyang Itay na si Kanor.

" Salamat Lo at itay! Anas ni Bernard.

Inakay naman ni Kanor ang ama na ihiga sa kama , napagod at nangjina ito sa ginawa nilang pagsanib pwersa para sa orasyon para matulungan ang Apo at ang anak nito.

" Salamat Kanor at dumating ka! Si Simon.

" Amang , Hindi man ako payag sa ganito ay ayaw kung mapahamak ang anak ko! Sagot ni Kanor.

Naramdaman kasi ni Kanor na may masamang nangyayari dahil sa pag ilaw ng Itim na metal na Krus na suot nito palatandaan kasi ito na nasa panganib ang isa sa mga may suot ng Metal na Krus tanging silang Tatlo lang ang nagmamay ari ng Krus na ito kaya nagmadali itong nagtunggo sa bahay ng amang si Simon. At hindi nga sya nagkamali nasa kapahamakan ang kanyang anak na si Bernard.

HousemateWhere stories live. Discover now