Kabanata 19

42 1 0
                                    

      Lumipas ang araw , Linggo ng paggagamutan ni Alice , Nagkakaroon narin ng konteng improvement ang kanyang balat medyo natutuyo na ang kanyang Mga Sugat. Pero hindi parin ito nakakapag office , bilin kasi ng doktor na magpahinga ang dalaga dahil nga sa Umiinom ito ng Pampatulog , kaya iba't ibang side effect ang nararanasan nito isa nalng dito amg pagkahilo.

" Aliceee!! Tawag ni Paul sa dalaga.

Pupungas pungas na tumayo si Alice , at lumabas ng pinto ng kwarto.

" Okay kana? Nakakatulog kana ba? Tanong ulit nito.

" Nakatulog na ako ng mga 4hrs , pero hindi parin kaya ng katawan ko!

Nakita no Peter na parang namumutla si Alice at hinahawakan nito ang kanyang ulo.

" Okay lang po ba na Humiga ulit ako? Tanong ni alice sa mga ito.

" Bakit anong nararamdaman mo? Nag aalalang tanong ni Paul.

" Nahihilo ako , umiikot ang paningin ko! Umiiyak na anas ni Alice.

Nahiga ang dalaga at napahawak sa Ulo ito dahil sa Umiikot ang paligid ni Alice. Isa rin siguro ito sa Side effect ng gamot pero mas matindi ito.

" Ipikit mo lang ang mata mo mamaya mawawala din yan! Si Paul.

Hindi na nagsalita ang dalaga at ipinikit nito ang mga mata , kapag bahagya itong kumikilos ay ganun nalang ang pagikot ng paligid nito. May takot na nararamdaman si Alice dahil sa nangyayari.

" Lord bakit naman po ganito? Pagalingin nyo na ako! Umiiyak na usal ni Alice habang nakapikit ito.

Nagpaalam na si Paul at Peter sa dalaga, binilinan din ng mga ito na wag na masyado tumayo ng matagal at baka mapaano ang dalaga.

Maghapon lang na nakahiga si Alice sa twing tatayo at kikilos kasi ito ay umiikot ang buong paligid nito.

Nagpasya si Alice na maligo muna , dahan dahan at maingat itong tumayo , manaka nakang humihinto ang dalaga kapag nararamdaman nito ang pag ikot ng kanyang paligid. Isinabit ni Alice ang kanyang mga damit na susuotin sa Samapayan sa likod ng Pinto ng banyo , hindi narin isinara ni alice ang pinto para makita nito ang labas ng bahay , tanging Ang pinto lang ng bahay ang inilock nito.

Isa isang hinubad ni Alice ang Saplot nito at dahan dahang nagbuhos ng tubig sa katawan nito. Kinuha ni alice ang shampoo at ipinahid ito sa ulo , habang minamassage ni Alice ang ulo nito ay bigla itong nakaramdam ng pagkahilo. Unti unting nawalan ng malay si Alice sa loob ng Banyo.

" Ayoohhhh!!! Tawag at katok naman ni Bernard sa labas ng Bahay.

Pero walang Alice na sumasagot dito , idinial ni Bernard ang numero nito pero hindi nito sinasagot ang tawag ng Binata. Nag aalala narin si Bernard sa dalaga lalo pat nalaman nito na umiikot ang paligid nito sa twing gagalaw ang dalaga.

Ilang minuto pang naghintay sa labas ng pinto ang dalaga. Pero mag iisang oras na ito pero walang Alice na Lumalabas ng Bahay. Nagoasya ang binata na bumalik na lamng , bibili muna ito ng pwedeng makain ni alice , baka kasi napasarap lang ang tulog ng kaibigan kaya walang nagbubukas ng pinto.

Nagising si Alice na nakahiga sa sahig ng Banyo , Agad na kinapa niyo ang kanyang Ulo para malaman kung may dugo ba ito , buti nalang at nakasandal sya sa kanyang Kamay kaya hindi natama ang ulo ng dalaga. Pagkapa nito ay Napakaraming shampoo pa ang ulo nito.

Agad na nagpatuloy sapagliligo si Alice at ng matapos na ito ay agad na kinuha ang Celfone nito , Mag aalas  singko  na ng Hapon , naalala ni Alice na Alas Kwatro sya pumasok ng banyo para maligo kung sa gayon ay isang oras syang nawalan ng malay at nakatulog sa banyo.

HousemateWhere stories live. Discover now