Kabanata 27

31 1 0
                                    

                      Pagkatapos na umalis ni Peter at Paul ng bahay at ganun din si Bernard ay nag ayos muna ng bahay si Alice , Nilinis nito ang mga kalat maliban sa kwarto ng dalawa ito kasi ang bilin ni Ka Maryo at Bernard na wag kung gagalawin ang laman ng kwarto ng dalawa dahil pag mamay ari iyon ng itim na Anino.

         " Haysss kelan ba matatapos ito? Gusto ko ng maka pag ofis sa totoo lang? Ilan paba kayong dadalawa sa panaginip ko? Tanong ni Alice sa Sarili.

                      Biglang may nahulog sa loob ng banyo , agad na pinuntahan iyon ni Alice at nakita na naman nito si Jenny na naglalaro sa gripo. Isinara nalang ni Alice ang gripo pati ang pinto ng banyo at nagpatuloy na sa paglilinis ang dalaga.

         " Aliceee!!! Aliceeee!!!

                      Napahinto ako ng marinig ko na may tumatawag sa pangalan ko. Agad  kong hinanap ang pinagmulan ng boses na iyon. Pero wala akong makita , ng akma akong tatalikod at babalik sa sala mula sa kusina ay laking gulat ko ng naroon ang isang babae na duguan na animoy bumubukal ang dugo sa leeg nito.

                     Takot at hindi makagalaw si Alice sa kinakatayuan nito , biglang naalala nito amg masamang panaginip kagabi. Nakita ng dalaga ang mga luha na umagos sa mga mata ng babaeng nasa harap ni Alice.

        " Aliceee!!! Tulungan mo ako!! Parang awa mo na gusto ko ng hustisya! Panaghoy ng babae kay Alice.

                     Hindi alam ni alice kung anong sasabihin at anong gagawin ng dalaga para matulungan ang Dalagang si Mila , Hidni rin nito alam kung sino ang mga magulang ni Mila at maging kung taga saan ito.

       " Kagaya ka din ng mga walangyang kaibigan ng Tatay ko , sasaktan mo lang din akoooo!!! Galit na galit na sigaw ng babae kay Alice. Akma pang sasakalin nito si Alice ng may narinig si Alice na salitang latin.

                    Narinig ni Alice ang paghiyaw ng kaluluwa ni Mila. Dahan dahang iminulat ni Alice ang mga mata nito wala naroon ang kaluluwa ni Mila sa kanyang harapan.

                    Sunod sunod na pagubo ang narinig ni Alice mula sa Bintana ng Sala. Agad na pumasok sa isip nito si Tang Simon. Kaya agad na nagtunggo si Alice sa bintan at nagbabakasakaling makita nya si Tang Simon , alam ng dalaga na si Tang Simon ang nag usal ng orasyon sa Kaluluwa ni Mila.

                   Narinig ni Mila na parang may kasama si Tang Simon sa loob ng bahay.

       " Amang , sabi ko naman sayo na ipahinga mo yang katawan mo diba? Narinig ni alice na kausap ng Matanda.

      " Pero Anak , hindi ako mapakali at hindi kaya ng kunsensya ko na may mangyaring hindi na naman maganda sa kagagawan ng masamang si Rigor! Anas ng Matanda at sunod sunod pa itong umubo.

     " Pero amang , matanda kana at may sakit ka pa hindi mo na kayang labanan pa si Rigor! Anas ng Boses ng lalaki.

                   Hindi makita ni alice ang tao sa loob dahil sa tanging gasera lang ang ilaw sa loob nito.

    " Pero may paraan pa para mapuksa ang kasaman ni Rigor! At alam mo kung sino ang kailangan naten! Anas ng matanda.

    " Amang wag mong sabihin ang anak kung si ?

    " Oo tanging sya lang ang mas malakas ang pangangatawan kesa sateng dalawa , ngayong huminto kanarin sa pangagamot ang anak mo ang katuparan sa lahat ng kasamaan ni Rigor!

    " Pero Amang hindi ako papayag , alam mo naman na ayaw na ayaw naman ni Tinding na mamana ng apo mo ang kakayahan naten sa pang gagamot! Pagtanggi pa nito.

    " Pero pag isipan mo Kanor para narin sa ikakatahimik ng lugar naten , at maging pagtulong naten sa mga napipinsala ni Rigor!

                  Hindi na muling narinig ni alice ang pag uusap ng nasa kabilang bahay. Marahil ay umalis na ang anak ni Tang Simon. Alam ko at naiintindihan ko ang pagtutol ng Anak ni Tang simon na ipamana sa apo nito ang kakayahan nilang manggamot para puksain lang ang itim na anino.

                 Tatalikod na sana si alice ng biglang magsalita si tang Simon.

    " Alam kung kanina kapa nakikinig riyan Iha! At bahagya pa iting umubo.

    " Pasensya na po kaya Tang simon kung narinig ko po ang usapan nyo ng iyong anak! Paghingi ng paumanhin ni Alice.

    " Gusto kitang tulungan maging ang mga kaluluwang nakatira dyan sa bahay nyo at maalis sa kapangyarihan ng halimaw na si Rigor! Anas pa ng matanda.

    " Pero naiintindihan ko po ang anak nyo Tang Simon , siguroy ayaw nya lang din po mapahamak ang anak na apo nyo kapag nilabanan ang kapangyarihan ni Rigor! Si alice.

    " Alam kung hindi ako mahihindian ng Apo ko lalo't ikaw ang kanyang ililigtas! Makahulugang anas nito.

                  Napaisip naman si Alice sa tinuran ni Tang Simon , gustuhin man ni Alice na matulungan sya ng apo nito ay alam nyang mahihirapan silang kumbinsihin ang anak ni Tang Simon na si Mang Kanor.

    " Sya nga po pala Tang Simon ,maraming salamat po sa pagligtas saken kanina sa kaluluwa ni Mila.! Pagpapasalamat nito.

    " Walang anuman iha, marahil ay ganyan din ang gagawin ng Apo kung sakaling mangailangan ka ng tulong! Nakangiti pang anas ng matanda.

    " Excited narin po akong makilala ang apo nyo Tang Simon! Nakangiting si Alice.

    " Wag ka mag alala darating din ang araw na iyan iha! At umubo pa ang matanda.

    " Sige po Tang Simon , mas maganda po kung magpahinga narin po kayo , medyo sunod sunod na po ang pag ubo nyo! Pag aalala pa ni Alice sa matanda.

    " Oh sya mag iingat ka dyan , magpapahinga na ako at mukhang napagod ako sa pagorasyon kanina! Nakangiti pang matanda.

                  Nagpaalam na si Alice sa matanda , bumalik ang dalaga sa paglilinis ng bahay , Kinuha ni alice ang celfone nito at idinail ang numero ni Bernard.

    " Mukhang wrong timing kung pupuntahan naten si Tang Simon ngayon! Si Alice.

     " At bakit may masama bang nangyari kay Tang Simon! Tanong ni Bernard sa kabilang linya.

     " Mahina ngayon si Tang Simon dahil sa pagusal nito ng orasyon kanina ng gambalain ako ng kaluluwa ni Mila.

                  Nagpasya ang dalawa na tsaka nalang nila kakausapin si Tang Simon tungkol sa itim na Anino na si Rigor. Hindi narin muna binanggit ni Alice ang tungkol sa Anak at Apo ni Tang Simon. Malalaman din naman ni Bernard ito kapag nagpunta at bumisita na sila  sa bahay nito.

                  Madaming bilin ang sinabi ni bernard sa dalaga para hindi na ulit ito gambalain ng mga kaluluwa sa bahay ng mga ito.

                  Habang sa opisina naman ay naguusap si Peter at Paul tungkol sa nangyayaring kababalaghan sa bahay.

       " Alam nyo naman na hindi ako naniniwala talaga sa mga kababalaghan na yan pero gusto kong maintindihan kung bakit ba pinag aaksyaan nyo ng oras ang mga ganung bagay? Tanong ni Paul.

       " Bro! Hindi ka naman namin pinipilit na maniwala ni Alice kung ayaw ng isip at puso mo pero sana eh wag mo naman iparamdam kay Alice na kinukwestyon mo ang kakayahan nya na makakita ng mga nilalang na hindi natin nakikita! Alam kong nhihirapan din si alice sa nangyayari saknya nakikita mo naman diba yun?

       " Pero hindi ko naman kayo pinagbabawalan na gawin kung ano ang alam nyo dapat para mawala na ang mga kaluluwa na sinasabi nyo sa bahay!

                    Aminin man or hindi ni Paul pero may takot narin itong nararamdaman , minsan kasi ay naikwento ito ni Paul sa kanyang Asawa na nasa Manila , gaya din ni Alice at iba pa naniniwala ito sa mga kaluluwa kaya pinayuahan din sya ng kanyang asawa na magiingat sa mga binibitawang salita dahil baka saknya mabaling ang galit ng mga kaluluwa sa twing pagtatawanan nya iyon, pero bilang isang lalaki ay hindi rin ipinapahalata ni Paul na parang unti unti narin itong naniniwala.

HousemateWhere stories live. Discover now