Kabanata 38

27 1 0
                                    

" Pa! Anas ni Alice at umagos ang mga luha ng dalagang si Alice.

" Kamusta kana Anak? Tanong ni Lando habang habag na habang sa kalagayan ng Anak na si Alice.

" Hirap na hirap na po ako Pa! Pero wag kayo mag - aalala ililigtas ako ng Pamilya ni Bernard at ngumitin nakatinggin kay Bernard ang dalaga.

" Iha , tatagan mo ang pananalig mo sa itaas narito lang kami para tulungan ka! Si Ka Maryo.

" Ka Maryo , narito rin po kayo? Nakangiti habang umiiyak si Alice.

Pinahid ni Lando ang mga luha ni Alice at Inayos nito ang mahabang buhok ng Anak.

" Uuwi na tayo kapag natapos ito huh? Ipangako mo yan! Si Lando.

" Opo Pa , sorry po kung naging matigas ang ulo ko! Paghinggi ng tawad ni Alice sa Ama.

" Eh san kapa ba mag mamana kundi sa Mama mong matigas din ang ulo! Natatawang sagot ni Lando at hinalikan sa Nuo ang Anak.

Samantalang..

" Kamusta kana Simon? Tanong ni Ka Maryo sa Matanda.

" Heto at Wala ng mga paa dahil sa Itim na Anino! Sagot ni Simon.

Ipinaghanda ng mga ito ng makakain at maiinom ang mga bisita.

" Inom po muna kayo ng mainit na kape Mang Karyo! Alok ni Peter sa Albolaryo.

" Maraming salamat iho! Pasasalamat ni Maryo dito.

Ikinuwento ni Simon ang nangyari sa kanyang paa at ang pagkakuling nuon ni Rigor sa Sagradong garapon , ganun din ang dahilan kung bakit nakalabas nuon ang Itim na aninong si Rigor.

" Magmadali na kayo mag Aalas sais na ng Hapon! Anas ni Kanor sa mga ito.

Pumasok sa loob ng kwarto ni Alice si Bernard para iparating dito na kailangan ng makalabas ng Papa ni Alice sa kwarto at isasagawa na nila ang orasyon para proteksyunan ang dalaga.

" Okay na ako Pa! Mahal na mahal po kita! Anas ni Alice at humalik sa pisngi ng Ama.

Isang Rosaryo naman ang inilagay ni Lando sa Kamay ng Dalaga at mahigpit na hinawakan iyon ni Alice.

" Tatagan mo ang loob mo Anak huh? Si Lando.

Tumanggo ang dalaga at ngumiti dito.

Pumasok narin si Ka Maryo , Kanor , At Simon pati narin si Bernard. Nakapalibot ang mga ito sa hinihigaan ni Alice.

" Umpisahan na naten! Anas ni Simon.

Kasabay ng Tunog ng kampana ay ganun din ang pag usal ng mga ito ng isang Orasyon. Proteksyon ito para hindi mapasok ni Rigor ang katawan ng Dalaga.

Taimtim lang na ngadarasal at sabay sabay ang pag usal ng dasal ng mga ito. Habang naroon naman sa labas ng kusina ang Ama ng Dalagang si Lando , Si Peter at si Paul.

Tinapik ni Paul ang balikat ni Lando para aluin ito dahil sa Kinakabahan ito para sa anak , maging sila ni Peter ay Pigil hininga din ang ginagawa hindi nila alam kung gaano ba kalakas ang kapangyarihan ng itim na anino na iyon maya maya pa ay nakaramdam si Peter ng pagbigat ng paligid sa bahay.

" Dios de espiritu Santo! Usal pa mg mga ito.

Itinaas ni Simon , Kanor at Bernard ang kanilang Itim na Kwintas na Metal habang Itinaas naman ni Ka Maryo ang Itim na Punyal na yari sa Pilak.

Isang napakalakas na hangin ang Umihip sa loob ng Silid ng dalaga. Namimilipit naman sa sakit ang dalagang si Alice at pilit kumakawala sa pagkatali nito.

" Narito na sya! Biglang anas ni Ka Maryo.

" Bermard , tulungan mo ako nahihirapan na ako! Paghingi ng Tulong ng dalaga kay Bernard.

HousemateWo Geschichten leben. Entdecke jetzt