Kabanata 25

36 1 0
                                    

            Malakas na kulog at kidlat , galit na galit ang langit ng gabing iyon , mabuti nalang din at naroon na si Peter at Paul sa bahay , nasa loob naman na ng kwarto ang dalagang si Alice gaya ng mga nagdaang araw bahagya paring nakakaramdam ng pagkahilo ang dalaga.

            " Alice! Okay ka lang ba dyan? Tanong ni Paul at kinatok nito ang dingding na pagitan ng kwarto ng mga ito.

            " Medyo sumasakit lang talaga ang ulo ko , Okay lang ba na hayaan nyo nalng muna ako magpahinga? Tanong ng dalaga.

            " Sige walang problema ,kung may kailangan ka wag kang mahihiyang kalampagin ang dingding ng kwarto okay?

            " Sige Salamat!

              Pilit na ipinipikit ni Alice ang mga mata nito dahil sa nararamdamang sakit ng ulo. Hinayaan lang ni Alice na magsoundtrip ang dalawa sa kwarto ng mga ito kailangan nyang ipahinga ang sarili , medyo nabigla at ang kanyang katawan sa paglalaba kanina.

             Mag aalas Dyes na ng gabi ng makatulog ang dalaga , manaka naka pa nga ang paghilik nito , kaya naman medyo nagugulat ang dalawa sa kabilang kwarto.

             " Sya nga pala , nagpaalam na ba sayo ulit si Alice na aalis na ng bahay na ito? Tanong ni Peter kay Paul habang nakahiga na ang mga ito.

             " Hindi pa naman , tsaka alam mo naman na tatlo nalng tayo dito sa bahay hindi pa makakabalik si Warren agad agad , ibig sabihin lalaki ang bayarin naten dito sa bahay!

              " Pero hindi kaba naawa kay Alice ? Paano kung talagang pinaglalaruan sya ng masamang elemento dito sa bahay ? Hahayaan ba nateng mapahamak sya?

              " Ano kaba Bro! Hanggang ngayon ba ay yan padin ang pinaniniwalaan nyo ni Alice at Warren? Naiiling na sagot ni Paul.

              " Pero , paano kung sabihin ko sayo na totoo ang mga sinasabi ni Alice na merong kakaiba dito sa bahay na ito?

              " Nahahawa kana nga kay Alice , iwasan mo yan Bro! Natatawa pang si Paul.

              Isang gabi kasi na hindi makatulog si Peter sa loob ng kwatto nito , ikot ng ikot ang binata sa higaan nito at hinahanap kung saan sya makakaganda ng pwesto! May Electric fan naman itong gamit pero ramdam na ramdam ni Peterl ang kakaibang alinsangan sa kwarto nito na hindi nya malaman kung ano. Naisipan nyang uminom ng tubig , dahil sa sanay naman sya na patay ang ilaw ay tumayo nalng ang binata at kinuha ang celfone nito at nagbukas ng flashlight.

               Habang umiinom ng tubig ang binata ay nakaramdam naman ito ng kakaiba na parang may nakatinggin saknyang mga mata , kaya naman dali daling inilibot ni peter ang mga mata , ngayon lang sya nakaramdam ng ganitong kaba. Mas lumakas pa ang kabog ng dibdib nya ng biglang may kung anong mabilis ang dumaan sa likod nya dahilan para mapalinggon ulit sya. At dito na sobrang kinilabutan ang Binata. Isanag halakhak ng Batang babae ang narinig nito.

              " Alice! Tawag ni Peter! Pero nakasara ang pintuan ng kwarto ni Alice. Kaya naman ibinaba nya ang baso at kumaripas ng takbo pabalik ng kwarto.

              Bigla itong naalala ni Peter , hindi na nya ito naikwento kay Alice dahil ayaw nya din na dagdagan pa ang kababalaghan na meron sa bahay na ito , pero hindi ito biro totoong may kakaibang naninirahan sa bahay na tinitirhan ng mga ito.

              " Mabuti ihataw mo nalng sa negosyo yan! Para mawala yang takot , takot nyo na yan! Saad pa ni paul.

                Hindi na muling nagsalita pa si Peter alam naman nito na hindi talaga naniniwala ang Head nila sa mga ganitong kababalaghan , Minsan nga ay naisip nalang nya nasa isang araw ay mismong ito ang makaramdam at makaranas ng kababalaghan dito sa bahay para maniwala ito.

              Samantalang sa kabilang kwarto ay , paikot ikot ng higa si Alice na animoy nasa isang masamang panaginip.

      " Wag! Bitawan mo ako! Ayokong sumama sayo! Sigaw ng isang babae habang hawak hawak ito ng tatlong lalaki patunggo sa isang masukal na gubat.

      " Ano ba tigilan mo na nga ang oagpupumiglas mo at kahit mapatid pa yang ugat mo sa leeg eh walang makakarinig sayo dito! Sigaw pa ng isang lalaki dahilan para magtawanan ang dalawa pang kasama nito.

      " Ang sasama nyo talaga , kapag nakatakas ako sa inyo ay isusuplong ko kayo sa mga pulis! Sigaw pa ng dalaga at pilit sinisipa ang mga lalaking may hawak dito.

               Isang maliit na kubo ang nakita ng mga ito sa may kalagitnaan na ng Gubat. Agad na nagmanman ang isa baka kasi may nakatira sa kubo na iyon.

     " Mga Boss mukhang sinuswerte tayo , walang tao , abandonado! Sigaw pa ng isa habangg ibinaba nito ang dala dalang baril.

    " Oh sya ipasok mo na yang babae na yan , itali mo ng maayos para hindi makawala at mamaya eh yan ang magpapaligaya saten ! Utos ng isa at tumawa pa ito ng nakakaloko.

                Naghanap ng tuyong kahoy ang isang lalaki at gumawa ito ng Siga malapit sa kubo , habang nakatali at umiiyak naman ang dalaga sa loob ng kubo habang nakagapos.

     " Dyosko! Kayo na po ang bahala saken ngayon! Sana po ay iligtas mo ako sa mga hayop na kaibigan ng tatay ko.

                 Naglabas ng Maiinom ang isang lalaki na medyo mahaba ang buhok , habang ang isa naman ay kakabalik lang at may dalang patay na ibon.

      " Hindi ba naten papakinin muna ang anak ni George? Tanong ng Isa.

      " Hayaan mong magutom ang lintik na anak ni George na yan kung sana nagbayad ng utang ang Tarantadong ama nyan eh di sana wala sya dito! Sigaw pa ng isa at lumagok ng alak.

     " Pero kailangan ba naten na saknya gumanti dahil ginago tayo ng Tatay nya ? Tanong ng isa pa .

     " Hayop ka Lito , naduduwag kana ba? Galit na tanong ng isa.

     " Ano kaba pareng Lito , magtiwala ka lang samin ni Pareng Joel mo!

                   Iiling iling naman si Lito sa mga sinasabi ng mga ito , hindi naman masama ang mga kasamahan nya , naging ganito lang ang mga ito ng gaguhin at takasani ni George ang mga utang na pinasugal nito.

      " Mang Lito , parang awa nyo na po oh , hayaan nyo po akong makawala, alam ko po na mabait kayo , kaibigan ko po ang anak nyo si Bea kaya maawa na po kayo! Pagmamakaawa nito.

     " Gusto man kitang Tulungan Mila , pero alam mo naman na malalagot ako sa mga kasamahan ko! Kung hindi lang sana gago yang tatay mo eh di sana hindi ka naririto! Kakamot kamot pang si Lito habang sinisilip ang mga lasing na kaibigan ng mga ito.

     " Pero maawa na po kayo saken , kapag nakatakas po ako dito , ay hindi po ako magsusumbong sa mga pulis Mang Lito! Pag mamakaawa ni Mila.

                    Hindi alam ni Lito ang kanyang magiging desisyon , naawa din sya sa dlaaga kaedad at kaibigan kasi ito ng anak nyang si Bea. Pero kung gagawin nya ito ay baka si Bea naman ang isunod ng mga gagong kumapare ng mga ito. Lumabas si Lito ng kubo habang nagmamakaawa si Mila dito. Ayaw nya ring mapahamak ang anak nyang si Bea.

                   Isang nakakakilabot na sigaw ang bumalot sa Kagubatan , walang sawang hinalay ng dalawang kasama ni Lito ang anak ng kumapre nilang si George. Hindi pa nasiyahan ang dalawa ay nilaslas pa ng mga ito ang leeg ng dalaga ng sa gayon ay walang makakapagsumbong saknila. Takot na takot si Lito pero wala syang nagawa kundi hayaan ang kanyang mga kasamahan na lango sa Alak at sa Droga.

      " Mang litooooooooo!!!!!!! Sigaw ni Alice.

                   Isang malakas na sigaw ang kumawala sa loob ng bahay ng mga ito kaya agad na tumakbo si Peter at Paul s akwarto ni Alice. Pawis na pawis ang dalaga habang hinahabol nito ang kanyang pag hinga.

        " Ayoko na dito! Lubayan nyo na ako! Umiiyak na anas ni Alice habang nanghihina ito.

                   Agad na nawalan ng malay ang dalagang Si Alice , tarantang taranta naman ang mga kasama nito at hindi alam ang gagawin , agad na naisip ni Peter si Bernard ang kaibigan ng dalaga at agad na tinawagan ito.

HousemateDove le storie prendono vita. Scoprilo ora