Kabanata 29

28 2 0
                                    

Nagkaharap harap ang pamilya ni Bernard sa bahay ng Lolo nitong si Simon.

" Amang naman , alam mo naman diba ang isasagot at ang desisyon ko ayokong manahin ni Bernard ang galing naten sa pangagamot! Tutol ni Kanor.

" Alam ko ang nararamdaman mo , ganyan din naman ako sayo nuon diba? Ayaw namin ng Inang mo na manahin mo ang panggagamot namin pero nasa dugo talaga naten ang pagiging mangagamot at nahawa mo narin ang iyong asawang si Trining! Si Simon.

" Kung sa gayon po Lolo Simon ako ang makakagapi sa itim na anino na iyon? Tanong ni Bernard sa Matanda.

Hindi nakapag salita ang matanda. Alam nito na delikado din ang gagawin ng mga ito lalo na ang kanyang apo kung lalabanan nila ang itim na kapangyarihan ni Rigor.

" Pero anak , hindi ako papayag siguradong ganun din ang inay mo kung nabubuhay pa ito! Si Kanor sa Anak.

Tahimik naman na nakaupo si Alice at si Peter sa sala ng bahay. Napatinggin si Alice sa mga ito at ngumiti.

" Ano ba ang pinaguusapan nila Alice? Tanong ni Peter.

" Hindi ko din alam siguro ang plano kung paano nila magagapi si Rigor! Sagot nito.

" Pero bakit si Bernard ang kailangan nila? Tanong ulit nito.

" Sabi kasi ni Tang Simon ay si Bernard nalang ang nagiisang malakas at kayang kayang lumaban sa itim na kapangyarihan ni Rigor!

" Pero ang tanong papayag ba si Bernard ? Eh mukhang ayaw ng tatay nyang si Mang Kanor? Tanong ni Peter.

Napatinggin si Alice sa binatang si Bernard , kahit sya ay parang ayaw din na payagan na labanan ni Bernard si Rigor , matapang at malakas si Bernard pero iba parin ang kapangyarihang Itim ni Rigor hindi sya normal na tao kagaya namin kaya alam ko na napakadelikado ng gagawin ni Bernard kung sakaling pumayag ito.

" Pag iisipa ko po muna amg Alok nyo Lolo Simon , medyo naguhuluhan pa po ako sa nangyayari , gayong hindi ko alam na buhay pala ang lolo ko! Sagot ni Bernard.

" Ikaw ang bahala Apo , ang desisyon ay nasa iyo padin , hindi kita pipilitin na makipaglaban sa Itim na kapangyarihan ni Rigor , pero ito ang palagi mong tatandaan ang tinakda ay tinakda! Anas ng matanda.

" Basta ako Amang , hindi ako makakapayag na si Bernard ang magtuloy sa laban mo kay Rigor! Buong tapang na sinabi ito ni Kanor.

Nagpaalam na ang mga ito , naunang lumabas ng bahay ang tatlo , naiwan si Simon at kanor sa loob ng bahay.

" So Bernard , pumayag kaba na kalabanin si rigor? Tanong ni Peter.

Tahimik lang si Bernard habang naglalakad ang mga ito. Napansin naman ito ni alice , naiintindihan ng dalaga kung bakit ganito katahimik si Bernard.

" Okay lang ba na mag ice cream muna tayo bago tayo bumalik sa bahay? Tanong ni Alice sa mga ito.

" Ayunnn sakto kanina ko padin gusto kumain nyan! Si Peter.

Inakbayan ni Peter si Bernard patunggo sa tindahan kung saan may Ice cream. kumuha ng tatlong Chocolate pinipig ang dalaga at inabot sa mga ito. Masaya naman ang tatlo habang kumakain ng ice cream.

Ayon kasi sa nabasa ko ay Ice Cream daw ang nakakawala ng stress ng isang tao kaya naisipan ko na ayain ang mga ito para maibsan naman ang tensyon na nangyari kanina.

Bumalik na ng bahay ang mga ito , hindi agad umuwi si Bernard sa bahay nito nagtambay muna ito sa Bahay nila Alice at paminsan minsang napapasulyap sa bahay ni Tang Simon.

" Amang may naiisip kapa bang ibang paraan kung paano matatalo yang si Rigor? Para hindi na si Bernard ang gumawa nuon? Tanong ni Kanor habang nakasulyap sa bahay nila alice.

" Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba na gawin ang orasyon kahit naka whelchair na ako ,pero kailangan ko ng tulong mo Kanor! Anas ni Simon.

" Kung sa gayon pwede na akuin ko nalang ang pakikipag tuos sa Rigor na yan! Anas ni kanor.

" Kanor alam mo ang kakayahan naten parehas , medyo mahina na ang galing naten sa pangagamot pero kung yun ang naiisip nateng paraan ay pwede nateng subukan!

Nag usap ang mag ama sa gagawin nilang paghuli sa kaluluwa ni rigor at ikulong ito sa mahiwagang garapon na may orasyon para hindi na ito makawala.

" Mukhang kailangan pa naten ng isa pang mangagamot Kanor! Anas ni Simon.

" Pero matatanda narin ang mga kaibigan mong mangagamot Amang , maging ang mga kasabayan kong mangagagamot ay huminto narin!

" HINDI NYO AKO KAKAYANIN MGA HANGAL! pumailanlang ang boses ni Rigor.

Napatinggin ang mag Ama sa Bahay nila Alice. Samantalang nagkatingginan si Alice at Bernard ng marinig ang boses ni Rigor. Napakuyom ang mga kamao ni Bernard dahil sa sinabi ng itim na anino.

" Kailangan na nateng planuhin ang paghuli naten sa itim na anino na iyon! Anas ni simon sa anak na si Kanor.

Tumunog ang kampana , hudyat na Alas sais na ng Hapon. Maya- maya ay papasok na si Rigor sa bahay nila Alice. Hindi narin sinabi ni Alice at Bernard ang lugar kung saan nakatira si rigor kay Peter mas magandang walang alam ang binata para hindi makasagabal ito.

HousemateWhere stories live. Discover now