Kabanata 40

30 1 0
                                    

Nagising si Alice ng maramdaman nito ang hapdi sa mga sugat nito sa kamay at paa na ginagamot ngayon ng Amang si Lando.

" Pa! Tawag ni Alice sa Ama.

" Ano yun Anak? Nauuhaw kaba or nagugutom? Tanong nito sa Anak.

Bakat na bakat ang pagod at panghihina sa katawan ng dalaga , Namumutla ito at sobrang nanunuyo ang mga labi.

" Gusto ko pong uminom mg malamig na malamig na Softdrinks! Anas nito.

Natawa naman si Lando dahil sa Hiling ng Anak.

" Ikaw mga talaga ang anak kong si Alice! Natatawang si Lando.

Ito kasi ang unang hinahanap pag nagkakasakit nuon ang dalagang si Alice , Softfrinks kaya alam nitong si Alice ang kausap nya ngayon.

" Hi Alice! Bati ni Peter sa dalaga.

" Kamusta na ang mga duwag kong kaibigan? Natatawang tanong ni Alice.

" Ako duwag? Hindi kaya ako natatakot sa itim na Aninong si Rigor na yan! Mayabang na anas ni Alice dito.

Nagpaalam muna saglit si Lando para bumili ng Malamig na softdrinks ng Anak na si Alice.

Palinga - linga si Alice na parang may hinahanap.

" Sino hinahanap mo? Si Bernard ba? Tanong ni Peter.

Napailing ito kaya nagtaka si Peter.

" Si Sir Paul nasaan sya? Tanong nito.

Pumasok sa pintuan ng kwarto ni Alice ang binatang si Paul at ngumiti kay Alice.

" Kamusta kana ? Tanong ni Paul dito.

" Ito , bukod sa mabaho na ay sumasakit narin ang mga kamay at paa dahil sa higpit ng pagkakatali nyo! Ismid pa ni Alice sa mga ito.

" Si Peter ang nagtali sayo nya kaya yan ang Sisihin mo! Turo naman ni Paul kay Peter.

" Ngayon ba naniniwala kana samin na may mga multo? Natatawang tanong ni Alice dito.

" Oo na totoo sila at , pasensya kana kung matigas din ang ulo ko at hidni ako pumayag na umalis ka sa bahay na ito! Eh di sana wala ka sa ganitong kalagayan! Paghingi ng tawad ng binatang si Paul.

" Naku okay na yun atleast ngayon napatunayan na namin sayo na totoo sila!

Ngumiti si Alice. Napatinggin si Alice sa labas ng pinto ng makita nito ang mga kaluluwa na si Jenny , si Mila at Ang matandang naagnas ang Katawan.

" Malapit na tayong makalaya sa kapangyarihan ni Rigor! Anas ni Alice at ngumiti sa mga ito. Nakita ni Alice ang pagaliwalas ng mukha ni Mila at unti unting pagkakaroon ng mukha ni Jenny. Napatulo nalang ang luha ng dalaga.

" Teka nga pala nasaan si Bernard? Si Tay Simon? Si Mang Kanor at Ka Maryo? Isa isa g tinanong ni Alice ang mga ito.

" Si Bermard at Mang kanor ay saglit na umuwi para kumuha ng mga ilang gamit ni Lolo  Simon sa kabila , Si Lolo Simon at Ka Maryo naman ay natutulog pa sa kabilang kwarto ,.Umaga na kasi sila nakatulog kanina!.Kwento ni Paul.

" Ganun ba? Tanong nito.

" Ikaw mabuti pang magpahinga ka muna , habang hindi pa bumabalik ang Papa mo! Suhestyon ni Paul dito.

Hinayaan muna nila makapagpahinga ang dalaga.

Samantalang sa Tindahan kung saan bumibili ng Softdrink ang Ama ni Alice ay may lumapit na matanda dito.

" Isabit mo ito sa Anak mo para hindi sya malapitan ng mga maligno! Amas nito.

Iniaabot ng matanda kay Lando ang isang Kwintas na Bala.

" Ano po ang pangalan nyo? At bakit kilala nyo po ang Anak ko? Tanong ni Lando dito.

" Dahil minsan ko na syang binalaan pero hindi sya nakinig sa akin nuon na may masamang Maligno na nakatira sa bahay na iyan! Anas pa ng matanda.

" Mang Tasyo nariyan kana naman po at tinatakot mo na naman ang mga nakatira sa bahay nila Minda! Sigaw ng Tindera.

" Basta wag na wag mong kakalimutang ipasuot yan sa dalaga , takot dyan ang mga maligno na nakatira dyaan! Anas pa ulit nito.

" Mang tasyo Umuwi na po kayo at binahanap na kayo ng mga anak nyo! Taboy ng Tindera dito.

" Maraming salamat po! Mang Tasyo! Pasasalamat ni Lando.

" Wag po kayong maniniwala kay Mang Tasyo may sakit po yan sa oag iisip! Babala naman ng tindera kay Lando.

Inabot ni.Lando ang biniling softdrinks at bumalik sa bahay ng mga ito. Naabutan nitong nakatitig lang sa kisami ang anak na si Alice.

" Anak , andito na amg softdrinks mo , binilhan narin kita ng oaboritong combo mo , skyflakes at Royal! Nakanagiting si Lando sa Anak.

Inakay ni Lando si Alice para makaupo ito. At inumpisahanh subuan ng skyflakes at painumin ng oaborito nitong royal.

" Teka anak may kilala ka bang Mang Tasyo? Tanong ni Lando sa anak.

" Si Mang Tasyo po yung matanda na pakaging nasa Gate naten sa ibaba?

" Malamang ay sya na nga yun Anak , kilala mo ba sya?

" Opo sila po ang dating nakatira dito at sa kasamaang palad ay namatay po ang kanyang asawa dahil.sa isang hindi maipaliwanag na sakit! Naging Pasyente rin po ang asawa nya ni Tay Simon nuon! Kwento ni Alice.

" Kung sa gayon ay mali ang sinasabi ng mga nasa kabas na baliw daw ang matanda.!

" Hindi po gaya po naten ay hindi din sya paniwalaan ng mga tao na hindi sakit ang ikinamatay ng kanyang asawa kundi kagagawan ng Itim na Aninong si Rigor!.sagot pa ni Alice.

" DIBA SABI KO SAYOOOO!!! narinig ni Alice ulit ang boses na iyon.

Nabalutan ng takot ang dalaga dahil s aboses na iyon bahagya pang napapilig ang dalaga.

" Okay ka lang ba anak? Tanong ni Lando sa Anak.

Bigla namanv napatayo si Ka Maryo at nagtunggo sa kwarto ni Alice.

" Okay lang ba kayo dyan Lando? Tanong nito.

" Okay lang naman medyo sumama lang ang pakiramdam ni Alice Bigla!

" Narinig mo din ba sya Iha? Tanong ni Ka Maryo sa dalaga at agad namang tumanggo amg dalaga.

Maging ang matandang Simon ay napamulat din , Nabalisa naman at nagmadali si Kanor at Bernard sa pagbalik ng mga ito sa bahay nila Alice ng marinig ang boses ni Rigor.

HousemateWhere stories live. Discover now