Kabanata 6

51 1 0
                                    

       Nakabalik na ng Bahay si Alice at Warren , nadatnan nitong natutulog na si Paul samantalang nagaayos naman ng Gamit nito si Peter.

" San kayo galing? Tanong ni Peter.

" May binili lang! Sagot ni Warren.

" Nasaan ang binili nyo? Wala naman? Tanong ulit nito.

" A-ahhh wala na eh sarado na ang mga tindahan! Sagot ni Alice at napatinggin kay Warren.

" A-hhh oo nga ang aga magclose ng mga Stores dito noh? Tanong ni warren.

" Kaya nga eh! Sagot naman ni Alice.

Pumasok na ako sa kwarto para hindi narin masyado magtanong si Peter napaktsismoso pa naman nito. Inilatag ko na ang nakita kung karton sa sahig para dito nalang muna matulog habang wala pa kaming nabibiling sapin sa Sahig. Samantalang nasa Sala naman ang mga ito muna pansamantalang natulog dahil sa sobrang init ng panahon.

" Alice! Dito kana lang kaya matulog! Tawag ni Warren.

" Oo mga sobrang init kaya dyan sa kwarto mo! Si Peter.

" Okay na ako dito hindi naman masyadong mainit.

" Wag ka mag alala dika naman gagapangin ni Peter eh! Pagbibiro ni Warren.

" At wala din naman akong balaka magpagapang dyan! Ismid ko pa.

Natawa di warren sa sinabi ko , hindi lingid sa kaalaman ni Peter na ayaw ko talaga dito hindi dahil sa palagi nilang akong tinutukso dito pero hindi ko gusto amg awra nito.

" Ako na naman ang napagtripan nyo! Anas ni Peter.

" Batukan mo yang katabi mo! Utos ko dito.

" Magsitulog na kayo para maaga tayo bukas! Napatinggin kami sa nagsalitang si Sir Paul.

Isa isa na kaming nagsihiga , Medyo mainit nga sa kwarto ko kaya kumuha ako ng isang lumang magazine at nagumpisang ipaypay ito sa katawan ko.

Mag - aala una na ng Umaga pero hindi parin ako dalawin ng antok , marahil sa sobrang init sa kwarto ko , kaya ngapasya akong ibukas ng konte ang pintuan ng kwarto. Nagulat ako ng makita ko ang isang itim na anino na tumayo sa sulok ng sala kung saan natutulog ang mga ito.

" In Jesus Name! Usal ko at napa sign of the cross pa ako.

Napakasarap naman ng mga tulog ng mga ito , hindi talaga ako nakakatulog kapag alam kung hindi ako komportable sa paligis na kinaroroonan ko. Pinilit kong alisin sa isip ko ang nakita ko dahil normal naman sa akin na nakakakita ako ng mga ganung klaseng nilalang pero kakaiba ang bahay na ito tila ba ayaw nila na may ibang nakatira sa bahay na ito.

" Meowwwww!!!!

Narinig ko ang pag iyaw ng pusa , nakita ko ito na nasa bintana habang nakatinggin sa loob ng sala , Hinayaan kasi ng mga ito na nakabukas ang mga bintana para narin siguro maibsan ang init ng paligid. Bigla akong napatingin sa gawing kanan ng sala kung saan naroon ang lumang bahay na tanging lampara lang ang nakikita kung ilaw sa loob. Nakakarinig din ako ng mga boses ng lalaki na parang naguusap , Hindi ko nga lang talaga ito naiintindihan dahil narin sa Iba ang lenggwahe ng mga ito.

" Aliceee!

Napapitlag ako ng marinig ko ang mahinang pagtawag sa Pangalan ko , at mas lalong nagulat pa ako ng makita ko na may nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.

" Alicceee!!! Tawag ulit nito.

Dahan dahan kung binuksan ang pintuan ng kwarto ko at napahawak ako sa dibdib ko ng makita ko si warren na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.

" Ano ba Warren!!! Inis na anas ko habang hawak hawak ang dibdib ko.

" Ano bang ginagawa mo dyan sa bintana mo? Tanong nito.

" Wala sinisilip ko lang kung okay ba kayo dyan! Pagsisinungaling ko.

" Akala ko may kung ano na naman , nagising kasi ako kasi nakakarinig ako ng Ingaw ng pusa sa uluhan ko , tapos nagulat pa ako ng makita kk anino sa bintana mo.! Si warren.

" Yun din ang tinitingnan ko yung pusa akala ko kasi nasa loob na nga bahay! Sagot ko.

" Bakit pala hindi kapa natutulog? Tanong nito.

" Hindi kasi ako dalawin ng antok eh! Mukhang namamahay na naman ako! Sagot ko.

" Ganun ba sige na babalik na ako sa higaan inaantok pa akk , matulog kana maaga pa tayo mamaya!

" Okay!

Humiga ako at pilit na ipinikit ang mga mata , ilang minuto lang ay nakakaramdam na ako ng antok , ramdam ko ang unti unting pagpikit ng mga mata ko.

" UMALIS NA KAYO DITO! BAHAY NAMIN TOOOO!!!

" UMALIS NA KAYO DITO! BAHAY NAMIN TOO!!

" UMALIS NA KAYO DITOOOOOOO!!!!!!

" Ahhhhhhhhh!!!!! Napasigaw Si Alice.

Agad na bumalikwas sa higaan ang tatlo dahil sa malakas na pagsigaw ni Alice.

" Aliceeee okay ka lang ano nangyayari sayo? Tanong ni warren.

" Buksan mo ang ilaw dali! Utos ni Paul.

Nakaupo si Alice at tinatakpan nito ang kanyang mga tengga habang takot na takot.

" Alice ! Tawag ni paul.

" Bakit ka sumisigaw? Tanong ni Peter.

Inabot ni warren ang bote ng mineral at pinainom sa dalagang si alice.

" Ano ba nangyayari sayo? Tanong ni paul.

" Nanaginip ako ng isang matanda , isang bata at isang napakalaking tao! Nanginginig na si Alice.

Nakaramdam ng takot ang mga ito.

" Sino sila? Tanong ni Paul.

" Hindi ko din alam!

" Nakita mo ba ang mga itchura nila? Tanong ni Warren.

" Hindi pero galit sila saten! Sagot ko.

" Saten? Sabay sabay na tanong ng mga ito.

" Oo sabi nila umalis daw tayo sa bahay nila! Sagot ko.

Kita ko na nagkatinginan ang mga ito.

" Mabuti pa magpahinga na tayo , siguro dito kana lang muna matulog sa Sala kasama namin Alice , mamaya paguusapan naten yan! Utos ni sir Paul.

Gaya ng dati hindi na naman naniniwala si sir Paul dahil narin sa iba ang Relihiyon nito.

" Dito kana lang muna! Anas ni warren.

Tumanggo ako at hinila ang karton na hinihigaan ko palabas ng kwarto.

" Papatayin ko na mga ilaw! Si Peter.

" Sige ! Magsitulog na kayo! Utos ulit ni Sir paul.

Pilit kung ipikit ulit ang mga mata ko pero hindi ako dalawin ng antok , natatakot ako na baka sa pagpikit ko ay marinig ko na naman ang sigaw ng mga ito na tila ba galit na galit ang mga boses nito.

HousemateWhere stories live. Discover now