Kabanata 5

58 0 0
                                    

      Matapos ang paglilinis ng mga ito ng Bahay ay nagkaayayaang kumain ang mga ito.

" Guyss! Anong gusto nyo bibili nalng tayo ng pagkain or sa labas na tayo kakain? Tanong ni Sir Paul.

" Mas okay siguro na sa labas nalng tutal wala pa naman tayong gamit eh! Suggestion ni Warren.

" Oo nga mas okay din naman! Si Peter.

" Ikaw Alice, okay lang ba sayo? Tanong ni Warren.

" I think pabili nalang siguro ako ng pagkain dito nalang ako magdidinner! Sagot ni Alice.

" Are you sure? Tanong ulit ni Warren.

" Yes! Sagot ni Alice.

Umalis na ang mga ito at si Alice nalang ang naiwan sa bahay. Nag ayos ito ng mga damit na dala - dala nito mula sa Manila. Nagsuot pa ito ng Headset habang nagaayos ng Gamit..

" Araayyy! Napadaing ako ng biglang may kumagat na insekto sa paa ko.

Isang maliit na kulay itim na parang ipis. Tinanggal ko ang suot kung Headset at agad akong nagtunggo sa Banyo para hugasan ito para sigurado din na hindi mainfection ang kagat nito dahil hindi ko alam kung anong klaseng insekto ang kumagat saken.

Nakarinig ako ng mahinang Katok sa Pintuan ng Banyo.

" Bakit? Tanong ko at nagpatuloy sa paghuhugas sa paa ko.

Isang katok pa ang narinig ko ulit.

" Ano ba yun? Tanong ko.

Pero hinihintay kung sumagot ang kumakatok pero hindi ito nagsasalita.

" Sir Paul! , Warren ! Peter! Wag nga kayong manloko dyan nakakatawa kayo! Inis na anas ko at nagpatuloy sa paghuhugas ng Paa ko.

Pero walang sumasagot sa mga Pangalan na tinawag ko.

" Mamaya lang talaga kayo saken! Anas ko at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan. Gulat na gulat ako ng pagbukas ng pinto ay wala akong nakitang tao na nasa labas. Naalala ko na nakasara pala ang pintuan sa loob kaya malabong sila ang kumakatok. Nanindig ang mga balahibo ko at nanlaki ang ulo ko.

Napalingon ako sa kusina ng makarinig ako ng parang tumatawang bata kaya mas lalong nanindig ang mga balahibo ko at napa sign of the cross pa ako.

Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at isinara ang pintuan nito. Agad kung idinial ang number ni Warren.

" Hello! Sagot sa kabilang linya.

" Matagal paba kayo? Tanong ko dito.

" Pabalik na kami , dyan narin kami kakain ,bakit may ipapadagdag kaba sa bilin mo? Tanong ko.

" Wala , sige na bilisan nyo na, katok kayo ng malakas huh? Para alam kung kayo na ang kumakatok! Utos ko dto.

" Okay , no problem! Sagot ni warren at pinatay ko na ang tawag.

Pinapakiramdaman ko din ang paligid habang nasa loob ako ng kwarto. Nagulat pa ako ng sunod sunod na malalakas na katok ang narinig ko. Patakbo akong pumunta sa Pinto.

" Wahhhhhh!!

" Ano ba ga*o ka talaga! Napamura pa akong sigaw kay Peter.

" Ano kaba naman Alice masyado ka kasing nagkakape eh! Natatawang si Peter.

" Ewan sa inyo ! Inis na sagot ko.

Pumasok na kami sa loob.

" Alice pumasok kaba dito sa kwarto? Tanong ni Sir Paul.

" Hindi bakit? Tanong ko.

" Halika dito! Tawag nito.

Nagsilapitan kami sa kwarto ng mga ito. Nagulat ako ng makita ko ang mga maliliit na bakat ng paa at animoy galing sa banyo ito dahil basa ito.

HousemateWhere stories live. Discover now