Kabanata 17

36 0 0
                                    

      Hindi iniwan ng Binatang si Bernard si Alice dahil narin sa wala pa itong kasama sa bahay , mag aalas dose narin ng gabi.

" Grabe pala umuwi mga kasamahan mo noh? Madaling araw na? Hindi man lang nila naisip na babae ang naiwan sa bahay nila! Umiling iling pang si Bernard.

" Pwede ka naman ng umuwi maya- maya andyan narin sila! Sagot ni Alice.

" Mamaya nalang kapag nakarating na sila!

Maya - maya naman ay dumating na si Paul at Peter. Nagpaalam narin si Paul ng matapos ang konteng kamustahan ng mga ito.

" Sya nga pala Alice bukas maaga kang gigising , para makapagpacheck up tayo! Anas ni Paul.

" Hihintayin ko lang ang pera na galing sa Papa ko!

" Okay na nakahingi naman ako ng konteng tulong kay Sir Meynard kaya okay na ang pangpacheck up mo bukas , we need to do eh maghanap ng medyo abot kaya na Clinic para makabili pa tayo ng mga reseta na gamot! Anas ni Paul.

Tumango nalng si Alice at nagpaalam na sa mga ito.

" Peter magsounds ka nga ng mawala yang mga Maligno na yan! Utos ni Paul kay Peter at tumawa pa ito ng nakakaloko.

Napailing nalng si Alice sa ginawa at sinabi ni Paul tungkol sa mga nakatira dito sa bahay , malamang narinig ng itim na Anino ang sinabi nito , kung kaya ko lang sabihin sa inyo na sa kwarto nyo naninirahan ang nilalang na yun ay baka matakot din ang mga ito ,pero bigla nitong naalala na hindi nga pala naniniwala si Paul sa mga spirits dahil sa Relihiyon nito.

Narinig ko na kumakain ang dalawa , inalok naman ako ng mga ito pero nakakain narin naman ako kanina pa.

Pilit ko paring ipinipikit ang mga mata ko habang kumakain sila sa labas pero sa twing makakapikit ako at nakakaidlip ng konte ay bigla nalang akong magigising na animoy ginigising talaga ako ng kung sino.

" Lord patulugin nyo naman po ako kahit konte lang , medyo nahihirapan narin po ako sa kalagayan ko! Dasal ni Alice at tumulo ang mga luha nito.

Biglang tumunog ang celfone ni Alice. Si Bernard iyon.

" Hindi kapa rin makatulog? Tanong nito.

" Nakakaidlip ako pero parang ginigising nila ako! Naiiyak na namang si alice.

" Wag ka nga umiyak , sige lang itry mo na pumikit at matulog nandito lang ako babantayan kita! Anas ng binata.

Ipinikit ni Alice ang mga mata nito , manaka nakang iminumulat nito ang kanyang mga mata para makita kung nariyan pa ba si Bernard.

" Matulog ka lang Alice , narito lang naman ako babantayan kita hanggang sa makatulog ka! Anas ulit ni bernard.

Biglang naalimpungatan si Alice , napatinggin ito sa Celfone at wala na si Bernard sa Screen nakapatay narin ang celfone ng dalaga , nalobat na ang cp ni alice Hinagilap ni alice ang Relos nito , magaalas kwatro na ng Umaga , sa gayon nakatulog si alice ng mahigit isang oras. Medyo okay narin naman ito dahil sa Hindi talaga ito nakakatulog masyado.

Hindi na muling nakatulog si alice , ichinarge nalng nito ang kanyang cp para makapag alarm mamaya dahil maaga silang aalis ni Paul para sa check up. Nakatinggin lang sa kisame si alice habang naghihintay ng oras. Tiktilaok ng mga manok ang unang narinig nito.

" Good morning Guys!! Narinig nya ang boses ni Paul.

Pinukpok pa ni Paul ang Dingding ng kwarto para mang gising.

" Aliceeee!!! Narinig kung tawag nito.

Lumabas ako ng Kwarto na gulo gulo ang buhok.

" Kamusta nakatulog ka ba? Tanong nito.

" Isang oras mahigit lang!

" Kailangan mo na talaga ng gamot na may pampatulog , mas lalo kang maghihina kung patuloy na ganyan lang ang tulog mo! May pag aalala sa sinabi ni paul.

" Sya nga pala nagkachat na ba kayo ni Mam Britney? Tanong nito.

" Oo nung nakaraang araw lang! Tinatanong nya kung kamusta ako! Magpatinggin daw ako sa Albularyo at baka nabati ako! Sagot ko.

Napakibit balikat si paul.

" Pwede naman , pero naniniwala ba kayo sa mga albularyo? Mindset lang kasi yan eh , iisipin mo na may sakit ka? Magkakasakit ka talaga! Pero kung iisipin mo na okay ka dimo mararamdaman yang mga kati - kati na yan! Anas ni paul na nakapagpapintig sa tenga ni alice.

" Okay! Yan nalang ang nasagot ni Alice dito iginagalang kasi nito ang kanyang senior kaya hindi nalang sya nagsalita pa.

Nagpaoatugtog ng malakas si Paul at Peter para daw itaboy ang mga maligno na naroon. Hindi ko nalng sila pinansin , bahagya ko rin napansin ang pagdaan ng isang napakabilis na anino sa likuran ni Sir Paul.

" Ang lamig huh! Biglang anas ni Sir paul.

" Mukhang nagalit sayo ang maligno Sir Paul! Biro ni Peter.

" I think si peter talaga ang dahilan bakit may Maligno dito eh! Natatawang si Sir Paul.

" Akon na naman ang nakita ni Sir Paul! Naiiling na si Peter.

Natawa nalang ako at nailing sa mga ito. Alam ko na isa sa mga nakatira dito ang dumaan sa likuran ni Sir Paul , malamang ay narinig nito ang mga sinabi at pagbibiro nila Paul at Peter.

Isa isa na itong mga naligo , naunang maligo ang dalawang lalaki. Kaya nama naghakot na naman ng Tubig si alice galing sa ibaba , hindi kasi umaakyat ang tubig sa itaas kapag umaga , sa gabi lang nagkakatubig sa gripo ang mga ito.

" Kaya mo ba yan? Tanong g nakatira sa ibaba.

" Opo kayang kaya ko po yan!

" Dapat mga kasama mong lalaki ang naghahakot nyan hindi ikaw!

" Wag po kayo mag alala kuya , transgender naman po yan dating lalaki! Anas ni paul sa lalaki.

Narinig pa ni alice at ng lalaki na nagtatawanan ang mga ito. Minsan naabastusan narin sya sa mga ugali na meron ang mga kasama nya.

Isinalin ni Alice ang tubig sa Malaking timba para sumalok ulit sa ibaba , pero napagod na ito , nagpaalam din ito kay Paul na susunod nalng sa center na mahahanap ng dalawa dadaan pa kasi ang mga ito sa Office bago kami pumunta ng Clinic. Pumayag naman aito dahil hindi parin naman nakakasikaso ang dalaga.

Mag aalas nuebe na ng umaga ng matapos mag asikaso si alice. Tinawagn nya na rin si paul para sabihin kung saan sila Magkikita.

Sa Clinic na unang pinuntahan ni Alice ay wala duon ang Derma. Kakamot kamot na bumaba si Alice ng clinic

" Oh Mam ang Bilis nyo ata? Tanong ng Guard.

" Wala po palang Derma kuya nag out of town paraw at Sa monday pa ang balik nito! Sagot ko.

Agad na napansin ng Guard ang mga Butlig sa katawan ko.

" Alam mo magpatawas ka sa albularyo! Hindi sya simple allergies lang mukhang nabati ka Mam! Anas ng Guard.

" Madami nga din po ang nagsabi nyan saken! Sa katunayan eh nakapagpa albularyo na po ako , pero hindi parin nawawala ito!

" Mukhang trip na trip ka Mam ng Nakabati sayo! Malamang may ayaw na bagay silang nagawa mo! Anas pa ng Guard.

" Oo nga daw po kuya sabi ng Albularyo!

Nagkwentuhan pa ang dalawa , habang busy pa naman si Paul sa Office kaya hindi pa nito masamahan si alice. Ilang clinic pa ang napuntahan ni alice pero palaging wala ang Derma animoy parang sinasadya na naman ito ng tadhana.

HousemateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang