Kabanata 24

33 1 0
                                    

      Dumating si Bernarda sa bahay nila Alice ng maikwento ni Alice ang tungkol sa Batang babaeng nakatira sa bahay ng mga ito. Iyak ng iyak ang dalaga dahil sa Masalimuot na sinapit nh bata.

" Grabe , Bernard awang awa ako Jenny! Umiiyak na Sambit nito.

" Sshhhhh!!! Mas mabuti pa na Alayaan nalang naten sya ng isang Mataimtim na dasala ng sa gayon ay maging matahimik ang kanyang kaluluwa! Si Bernard.

Pinatay ni Alice at Bernard ang Mga ilaw at , sinindihan ang hawak na kandila ng mga ito. Mataimtim na nagsimulang Magdasal si Bernard para kay Jenny.

Nagulat pa ang dalaga ng bahagyang napamulat ito at sa harap ng kandila ng mga ito ay naroon ang iba't ibang klase ng mga kaluluwa na nakatira sa bahay.

May matanda na Duguan ang mukha na animoy hinampas ng kung anong matigas na bagay ang mukha nito , Meron Babae na nakaputi at gula gulanit ang damit nito , Meron pang Lalaki na animoy nakasuot ng Sundalo , At mas nakakakilabot na nasa harap ng kandila ng dalaga ay ang Itim na Anino , napakataas nito at napakalaki ng mga kamay at paa.

Hinawakan ni Bernard ang kamay ng dalaga , malamang ay alam nito na mangyayaring lalapit ang lahat ng naroon sa kandilang kanilang hawak. Pilit na ipinikit ni Alice ang mga mata nito at bumalik sa pahdarasal.

Naramdaman ni Alice ang isang kamay na humawak sa laylayan ng kanyang Damit , kaya hindi naiwasan ng dalaga na Dumilat ito.

" Jenny! Anas ni Alice.

Tumambad ang napakaamong mukha ng bata at buong tamis na nakangiti ito sa dalaga. Napangiti ang dalaga pero agad din nag bago ang mukha nito bumalik sa dating anyo ang Batang si Jenny at namatay ang hawak na kandila ni Jenny.

" OMG! Napasigaw si Alice.

Natapos ang alay na dasal ni Bernard at agad na tinakpan ang mga mata ni Alice habang akay akay ito patunggo sa switch ng ilaw. Binuksan ni Bernard ang Ilaw sa Sala at inalis ang pagkakatabon sa mata ni Alice.

" Nakita ko sya Bernard! Anas ni Alice.

" Masyado ka nilang nililinlang Alice! Anas ni Bernard.

Medyo natakot si Alice sa Sinabi ni Bernard. Naupo si Bernard sa sahig ng Sala ganun din si Alice.

" Anong ibig mong sabihin bernard?

" Masyado ka nyang Nililinlang Alice , Sinadya ng bata na ipakita sayo ang nangyari saknya para gawin naten itong pagdarasal , Alam ng Itim na anino na hindi mo kayang magfocus sa mga ganitong ritwal!

" Pasensya kana kung nawala na naman ako sa konsemtrasyon! Nacurious lang talaga ako kung ano ang mga nasa paligid , at nakita ko silang lahat pati ang itim na anino!

" Alam ko Alice , kaya palagi kang magdasal at wag magpadala sa mga kung ano- anong nakikita mo! Pinaglalaruan ka ng Itim na anino , maging amg ibang kaluluwa dito ay kinokontrol nya gaya nalang ni Jenny!

Biglang naalala naman ulit ni Alice ang maamong mukha ng Batang si Jenny , naoakaganda nito pero punong puno ng kalungkutan ang mga mata nito.

Napatinggin si alice sa sulok ng bahay kung saan palaging naroon si Jenny.

" Iisa isahin na ng Itim na anino na yun na ipakita sayo lahat ng nangyayari sa mga Kaluluwa na nakatira dito! Kaya maging matapang ka at palagi mong ingatan ang hawak mong Langis na Lana! Babala ni Bernard.

" Wag mo naman akong takutin ng ganyan oh!

" Wag kang matakot alice , kakasabi ko lang diba na Tatagan mo ang Loob mo naguumpisa palang ang Itim na anino!

" Pero bakit ako? Pwede naman ang mga kasmaa ko , bakit ako?

" Dahil alam nya na may kakaiba kang kakayahan na makakita ng iba't ibang klaseng kaluluwa! At higit sa lahat alam nya na mahina ka at maawain sa kapwa yun ang mga gusto ng mga elementong nakatira sa bahay nyo!

" Teka nga pala , maalala ko diba nabasa ko sa libro ng Horror stories na ang mga pusa ay nakakapag pataboy ng mga kaluluwa?

" Yes alice! Pero alam ko na iniisip mo na bakit ang mga pusa sa hagdan nyo?

" Oo yun nga ang sasabihin ko , parang hindi naman sila natatakot lumapit dito!

" Dahil nasanay na ang mga pusa na iyan sa pangongontrol ng itim na anino! Kaya sila palaging nasa hagdan dahil alaga sila ng anino na iyon!

Kinilabutan si Alice dahil dito , kaya pala sa twing hahawakan nya ang pusa ay tumatakbo at mailap sa kanya ang mga ito. Isa lang ang naiisip ng dalaga na malakas at makapangyarihan talaga ang itim na anino na iyon.

Nagkwentuhan pa si Alice at Bernard tungkol sa mga kakaibang kaalaman ni Bernard , dati palang Mangagamot ang kanyang Ama at Ina kaya pala may kaalaman ito tungkol sa mga kaluluwa.

" Pero ayaw kung manahin ang pagiging Mangagamot nila! Gusto kong mabuhay ng normal!

" Kaya pAsensya kana kung nadadala kita sa mga ganitong sitwasyon! Paghingi ng tawad ng dalaga.

" Okay lang yun atleast kahit paano ay may kaalaman parin ako!

" Nasaan nga pala ang mga magulang mo? Tanong ni Alice.

" Ang Ina ko eh namatay na dahil sa Brain tumor , at Itay ko nalng ang kasama ko sa bahay! Kwento ni Bernard.

" Kawawa naman pala ang Inay mo!

" Pero sabi ni tatay ay kinulam daw si nanay nung huminto na itong manggamot!

" Huh? Kulam uso din pala dito yun?

" Oo kaya talagang dapat ka mag ingat dito sa cagayan dahil hindi mo pa lubos kilala ang mga tao dito!

" Salamat sa palaging paalala!

Napatinggin ang dalawa ng makarinig ang mga ito ng mga halakhak ng bata.

" Si jenny! Anas ni Alice.

" Sana ay makayanan ni jenny ang pagkokontrol saknya ng Anino para maging malaya na ito! Anas ni Bernard.

" Oo nga yun din ang pinagdarasal ko ang maging payapa at tahimik na si Jenny!

Umibabaw ang mga halakhak ng batang si jenny sa kabahayan kasabay ng Pagkulo ng Lana ni alice.

HousemateWhere stories live. Discover now