Kabanata 11

46 2 0
                                    

        Matamlay na pumasok ng Opisina si Alice. Ilang araw na kasi itong hindi natutulog dahil sa tindi ng pangangati ng katawan nito , Dumadami narin kasi ang mga Tumutubong Butlig sa balat nito.

" Alice , Kamusta kana? Ilang araw na kitang hindi nakikita? Tanong ni Brenda.

" Hindi kasi ako nakakatulog eh! Sagot nito.

" Bakit naman? Inom ka kaya ng Vitamins mukhang maputla ka din! Puna ulit nito.

" Umiinom naman ako ng Products naten kaso parang hindi ako tinatablan!

" Tapos naka longsleve kapa eh ang init - init!

" Nahihiya kasi ako sa balat ko eh , para kasi akong may Ketong!

Nagulat pa si Brenda ng Ililis ni Alice ang manggas nito dahilan upang tumambad dito ang napakadaming Butlig sa balat ni Alice na nagsusugat na dahil sa kinakamot nito.

" Hala Alice , nagpacheck up kana ba? Tanong ni Brenda.

" Hindi pa eh pero umiinom naman ako ng Anti Hestamine! Sagot nito.

" Pero mas maganda kung magpapacheck up kana!

Maagang nagpaalam si Alice sa mga kasama nito dahil sa hindi na ito kumportable sa nararamdamanh pangangati ng katawan.

Nagulat si Alice ng biglang may sumulpot na Isnag Babae na pulubi sa harap nito.

" Diba sabi ko sayo may magkakasakit sa inyo! Anas ng pulubi at tumawa pa ito ng malakas.

Biglang tumindig ang mga balahibo ni Alice at nanlaki ang ulo nito dahil sa tinuruan ng Babae. Mas binalot pa ng takot ng maalala ni Alice na ito din ang sinabi nito noong kumakain sila sa karenderya ng mga kasamahan.

Nilingon ni Alice ang Pulubi pero parang bula naman itong nawala. Busina ng Jeep ang nakapagpabalik sa Ulirat ni Alice. Lulan na si Alice ng Jeep , hindi parin ito mapakali dahil sa pangangati ng katawan nito. Nahihiya naman itong kumamot dahil sa napakaraming pasahero at baka ano pang isipin ng mga ito na may kung anong sakit sya. Ilang minuto pa ay nakarating na si Alice sa Tinitirhan nito. Papasok palang si Alice sa Eskinita ng matanaw nya ang isang matanda na nakatayo sa May labas ng gate ng tinitirahan nila.

" Magandang Hapon po! Bati ni Alice.

Ngumiti naman ang Matanda at tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa.

" San ka nakatira? Tanong nito.

" Sa taas po Tay! Sagot nito.

" Mang Tasyo talaga , naririto na naman po kayo , hayaan nyo na po yang dalaga , baka kung ano na naman ang sabihin nyo dyan! Saway ng tindera sa kabilang Kalsada.

" Mag iingat ka dyan , Hindi ka nagiisa sa bahay na yan! Magpagamot ka agad sa albularyo! Anas pa ng matanda at umalis na ito at tumatawa.

Hindi naman maipaliwanag ni Alice ang kaba na naramdaman nito. Bumalik na naman sa Alaala nito ang mga sinasabi ni Peter at Warren na matanda ito na nga siguro si Mang Tasyo. Nagtataka pa ang dalaga bakit alam sinabi nito na magpaalbularyo sya? Alam ba nya na may sakit ang dalaga?.

" Naku Day wag mo paniwalaan yan si Mang Tasyo , may deperensya yan! Nakangiti pang Tindera.

" Sige po ,Salamat po aakyat na ako! Paalam ni Alice.

Gaya ng Araw-araw sa tuwing aakyat sila at uuwi ng bahay ay palagi nitong namamataan ang itim na anino na Animoy Nakaupo sa Itaas ng hagdan at naghihintay ng mga tao sa Bahay.

" Hi Ms.! Nagulat pa ako ng Batiin ako ng Kapitbahay namin sa itaas.

" Hello po kayo po ba ang bagong nakatira dyan? Tanong ni Alice.

" Ay oo , kakalipat lang namin dito! Sagot naman nito.

" Taga saan po pala kayo? Tanong ni Alice.

" Mga taga Manila!

" Ganun po ba? Taga Manila din po kami! Sagot ni Alice.

Medyo nagkakwentuhan pa nga ang mga ito ,at medyo nawala narin sa isip ni Alice ang mga nangyari kanina.

" Sya nga pala may bata ba kayong kasama dyan sa kabila? Biglang tanong ng isang lalaki na nasa loob ng bahay.

" Bata po? Taka kung tanong.

" Oo , kasi kanina pa may tumatakbo at humahalakhak na bata sa loob! Sagot naman nito.

" A_ahh e-ehhh wala po baka po sa kabilang bahay mga kuya! Meron po kasing bata sa may Likod ng pader namin! Sagot ni Alice.

" Pero dyan talaga sa inyo eh!

" Wala po eh Dalawa lang po kami dito ngayon , tsaka kakauwi ko lang po!

Nagpaalam narin si Alice sa mga ito. Hindi maipaliwanag ni Alice ang nararamdamang takot sa dibdib nito gayong sanay naman sya sa mga gantong pangayayari pero bakit naduduwag sya?

Sino kaya ang batang naririnig ng mga bagong kapitbahay ni Alice?ay kinalaman kaya ito sa pagkakasakit ni Alice?

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon