Kabanata 45

33 1 0
                                    

Binulabog ang lahat ng napakaraming Ibon sa labas ng bintana at Pinto.

" Mga Uwak! Anas ni Ka Maryo.

" Hala bakit napakarami naman ata nila? Takot na tanong ni Peter.

" Pinadala sila ni Rigor para linalangin tayo sa gagawing ritwal mamaya! Anas ni Simon.

" Napakasama talaga ng Rigor na yan! Anas ni Lando.

" Hanggat may Proteksyon ang bahay ay hindi maghahari ang kasamaan ni Rigor! Anas ni Kanor.

Maya - maya pay isang nakakagimbal na pagbagsak ang narinig mg mga ito sa bubungan ng bahay animoy napakalaking nilalang ang mga naglalakad roon.

" Alam nyo naman ng lahat ang gagawin diba? Tanong ni Simon sa mga ito.

" Walang mawawala sa Konsentrasyon kahit anong mangyari! Kailangan naten na magkaisa , walang matatakot at lalong walang mawawala sa ritwal na gagawin naten! Si Ka Maryo.

" Tama si Simon , ito na ang huling laban naten kay Rigor at kailangan nateng maipanalo ito para kapayapaan ng mga kaluluwa na naririto at ang kaligtasan ng kaluluwa ni Alice! Si Simon.

Kinilabutan man ang dalawang binata pero kailangan nila maging matapang para sa Kaibigan nilang si Alice.

Isaang nakakakilabot na kidlat ang kumawala sa langit at biglang dumilim ang kalangitan.

" Magsisimula naaaaa!!! Sigaw ni Mang Tasyo sa labas ng bahay ng mga ito.

" Mang Tasyo mas mabuti pang umuwi kana at mukhang uulan ng malakas! Sigaw naman ni Minda ang may Ari ng bahay.

" Magagapi na ang Itim na anino , magagapi na! Sigaw ulit ni Tasyo.

Nagsimulang dumilim ang kalangitan , Nagsiliparang ang mga ibon sa kalangitan na animoy may nagbabadyang kalamidad. Gumuguhit ang matatalim na kidlat sabay ng malalakas na pagkulog.

" Magsipag handa kayo , naguumpisa ng kumilos ang kapangayarihang itim ni Rigor.! Babala ni Tandang Simon sa mga ito.

Inihanda na ni Bernard ang kanyang sarili Ikinulong nito ang sarili sa Kabilang silid habang nasa loob ito ng pinabilog na itim na kandila. Handang handa na ang binata sa pagtutups nila ni Rigor.

Inusalan narin ng Orasyon ni Ka Maryo ang kanyang Pilak na Punyal , maging ang mga kwintas na gagamitin ni Kanor at Simon.

Nakikiramdam narin ang dalagang si Alice sa mangyayari , natatakotan ang dalaga pero kailangan nyang maging matatag para mailigtas ang mga kasama. Ilang minuto na lang ay sasapit na ang ika anim ng gabi kaya handang handa na ang lahat.

Napansin ni Alice ang Amang si Lando na Nakapikit at naiiyak.

" Pa! Tawag ni Alice.

" Bakit anak? Tanong ni Lando dito.

" Kayang kaya po naten ito! Ngumiti ang dalaga at nagunahang pumatak ang mga luha nito.

Nakita nya ang pagpahid ni Lando ng Mga mata nito.

" Kayang kaya Anak! Kaawaan tayo ng Panginoong Hesukristo! Anas ni Lando at hinagkan sa Nuo ang Anak na si Alice.

Pigil hiniga ang lahat ng Tumunog na ang kampana hudyat na paparating na ang itim na aninong si Rigor.

Napa sign of the Cross ang dalawang Binata at nakikiramdam sa bawat mangyayari. Isinuot ni Simon kay Alice ang kwintas ng Proteksyon na nagmula kay Mang Tasyo.

" Humanda kana Iha! Anas ni Simon dito.

Tumanggo si Alice at pinikit ang mga mata habang nakikiramdam sa mga mangyayari.

HousemateNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ