Kabanata 41

31 1 0
                                    

" Pa! Tawag ni Alice sa Ama matapos nitong mapakain si Alice.

" Ano yun anak may kailangan kapa ba? Tanong ni Lando sa Anak.

Lumapit si Lando at ibinulong ng dalaga ang pakiusap nito. Nagtunggo si Lando sa kabilang kwarto at kinausap ang mga Albularyo. Tumingin sa oras si Simon at pumikit itong bigla.

" Sige Pero sandaling sandali lang dahil.i usalan ko lang ang anak mo ng orasyon! Anas ni Simon.

Hindi na magsayang ng oras ang Ama ni Alice at dali daling nagtunggo ito sa Kwarto at kinalagan ang dalaga ng mga tali sa paa at kamay , inakay ni Lando ang Anak patunggo sa banyo.

Hirap na hirap ang dalaga sa paglalakad kaya tumulong narin sa pag akay si Peter at Paul. Ngumiti at nagpasalamat pa si Alice sa mga albularyo ng madaanan nya ito.

" Bantayan nyo ang labas ng banyo mga Iho! Bilin ni Simon sa mga kaibigan ni Alice.

Tumanggo naman ang mga ito.

Nasa loob ng Banyo si Alice masakit na masakit ang katawan nito at halos hirap na hirap na makaupo sa Trono. Napaiyak nalang ang dalaga ng makita ang kanyang nagsusugat na kamay at Paa , pero okay lang iyon saknya para.sa kaligtasan nilang lahat.

" Anak tapos kana ba? Tanong ni Lando dito.

Narinig ng mga ito ang pagflash ng banyo. Hinihintay ng mga ito na lumabas si Alice sa banyo pero hindi ito lumalabas.

" Aliceee! Tawag ulit ni Lando pero walang alice na sumasagot.

Napatinggin si Lando sa mga Binata at agad na tumakbo ang mga ito s akwarto ng mga Albularyo.

" Magmadali ka Maryo!  Siguradong wala ng bisa ang inusal kung Orasyon.!

Agad na tumayo si Maryo at kinuha ang kanyang punyal at inusalan ito ng orasyon at dali daling nagtunggo sa Labas ng banyo.

" Aliceee!!! Tawag ni Ka Maryo pero walang alice na sumasagot.

Maya- maya pay narinig nila ang malakas na halakhak ni Rigor.

" HAHAHAHAHAHA! MGA INUTIL NAISAHAN KO NA NAMAN KAYO NGAYON! Anas ni Rigor.

Pabalik naman na ng bahay ang mag amang Kanor at Bernard ng marinig nila ang boses ni Rigor.

" Sigurado akong may nangyaring hindi maganda sa bahay bilisan na naten! Anas ni Kanor sa anak.

Hindi na nagdalawang isip si Ka Maryo na buksan ang pinto ng banyo pero wala roon ang dalaga.

" Nasaan na si Alice? Takot ni Peter.

" HAHAHAHAHAA! HANAPIN NYO AKO MGA HANGAL!.sigaw pa ulit ni Rigor.

Napakapit sa suot nitong Rosaryo ang Ama ni Alice na si Lando ng makita na nasa itaas ng kisame ang anak na si Alice.

" Alice! Usal nito at tuminggin sa nasa kisamenh anak habang nanlilisik at ngumingiti amg anak nito.

" Imperet illi Deus, supplices deprecamur: tuque, Princeps militiae caelestis, Satanam aliosque spiritus malignos, qui ad perditionem animarum pervagantur in mundo, divina virtute, in infernum detrude. Amen. Usal na dasal ni Ka Maryo.

" AHHHHHHHHHHHHHHHH! sigaw ni Rigor sa katauhan ni Alice.

       Imperet illi Deus, supplices deprecamur: tuque, Princeps militiae caelestis, Satanam aliosque spiritus malignos, qui ad perditionem animarum pervagantur in mundo, divina virtute, in infernum detrude. Amen.

Sabay na pag usal ng Dasal ni Ka Maryo at Simon habang Hawak hawak ng mga ito amg kanya kanyang Gamit sa pangagamot.

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!! sigaw pa ulit ni Rigor sa katauhan ni Alice. Gumapang pababa ng kisami ang dalaga kaya naman napaatras ang dalawang kaibigan nito maging si Lando.

       Imperet illi Deus, supplices deprecamur: tuque, Princeps militiae caelestis, Satanam aliosque spiritus malignos, qui ad perditionem animarum pervagantur in mundo, divina virtute, in infernum detrude. Amen.

Muling usal ng dalawang matanda hanggang sa nakababa ng Kisami ang dalaga.

" AHHHHHHHHHHH!! BABALIKAN KO KAYOOOO!!!! Sigaw pa sa kawalan ni Rigor.

Nawalan naman mg malay si Alice habang nakasalampak sa sahig.

Agad na tumakbo papasok ng banyo ang Ama nitong Si Lando para kargahin ang anak nito. Walang malay ang dalaga na inihiga ni Lando sa kama nito. Pinagtulungan din ng mga ito na muling itali si Alice.

" Sorry Anak! Paghingi ng tawad ni Lando habang tumutulo ang mga luha nito.

Inilagay din ni Lando amg ibinigay nitong Rosaryo sa kamay ng dalaga. Wala paring malay ang dalagang si Alice.

" Aliceee! Tawag ni Bernard ng makarating na ang mga ito.

" Anong nangyari dito? Tanong ni Kanor sa mga naroon.

" Muling sumanib ang kapangyarihan ni Rigor habang nasa loob ng banyo si Alice! Sagot naman ni Ka Maryo.

" Mabuti nalng at mahina pa ang kapangyarihang itim ni Rigor dahil wala pang Alas sais kaya natalo sya ng inusal naming orasyon ni Maryo! Sagot naman ni Simon at napaubo ito.

" Amang okay ka lang ba? Tanong ni Kanor sa Ama.

" Okay lang ako Kanor , nadala mo ba ang mga gamot ko? Tanong nito sa anak.

Tumanggo at iniabot ni Kanor ang mga kagamitan na kinuha ng mga ito sa kabilang bahay.

Habang sa Loob naman ng kwarto ni Alice ay naroon si Lando at si Bernard habang wala paring malay ang dalaga.

" Pasensya na po kayo Mang Lando kung hindi ako nakatulong kay Alice kanina! Paghingi ng tawad nito.

" Wag ka mag alala Iho! Naririto naman ang Lolo at Si Ka Maryo , magagaling din silang Albularyo kagaya mo! Nakangiting si Lando.

Binalik ni Bernard ang tinggin sa dalaga at inayos nito ang buhok mg dalaga , itinali niya iyon gaya ng ginagawa nya noong inaalagan pa nya ang dalaga ng magkasakit ito.

" Importante talaga sayo ang dalaga ko! Anas ni Lando.

Napatinggin at nahiya naman si Bernard sa tinuran ng Ama ng Dalaga.

" Opo Mang Lando at labis ko din pong minamahal si alice! Sagot nito.

" Napakswerte ng anak ko sayo Iho! Palagi ka nga nyang naikukuwento at naibinida samin ng Mama nya!

" Talaga po? Si Alice talaga likhang madaldal! Naiiling at natatawang si Bermard.

Biglang gumalaw si Alice at nagmulat ito.

" Bernard! Anas ng dalaga.

" Ssshhhhhh! Magpahinga ka lang Alice! Anas ni Bernard.

" Anong nangyari? Nasa banyo lang ako kanina!

" Wag mo nang alalahanin yun Alice basta palagi mong tatandaan na lakasan mo lang ang loob mo , hindi pa kita npapasyal dito sa Buong Cagayan de Oro! Nakangiting anas ni Bernard.

" Pangako mo yan ?

" Oo panagako! Anas ni Bernard at Kinuha pa nito ang kamay ni Alice at nag sign ng Pangako.

Nakangiti naman si Lando habang nakatinggin sa dalawa.

" Dalaga na talaga ang anak ko! Usal nito at nakatinggin sa maaliwalas na mukha ng anak habang kausap si Bernard.

Sa kabilang kwarto naman ay naroon ang tatlo si Ka Maryo , Simon at Kanor. Naguusap usap ang mga ito para sa gagawing ritwal ni Bernard , Bukas na ang kabilugan ng Buwan kaya kailangan nilang magpalakas para kalabanin ang itim na Aninong si Rigor. Aminado ang mga ito na talagang malakas ang Kapangayarihan nito pero mas naniniwala silang mas malakas ang Binatang si Bermard kasama ng pinagsama sama nilang Galing sa Pangagamot.

HousemateWhere stories live. Discover now