Kabanata 37

53 1 1
                                    

Nagmamadaling Umalis ng trabaho ang binatang si Bernard ng makita ang celfone nito sa napakadaming Misscalled ni Peter saknya. Alam ng  binata na kapag ganjto ay may kakaiba na namang nangyari sa Dalagang si Alice.

" Para kanino kaya ang isang Tiket na ipinapabook ng Papa ni Alice? Tanong ni Paul kay Peter.

" Wala din akong idea , hindi naman pwede ang Mama ni Alice dahil may sakit ang Mama nito sa pagkakaalam ko! Sagot naman ni Peter.

Narinig ng matandang Simon ang usapan ng mga ito.

" Ano ba ang pinaguusapan ninyong dalawa dyan? Tanong ni Tandang Simon.

" Ahmm wala po Tang Simon , darating po kasi ang Papa ni Alice bukas at may kasama ito Maryo De Dios po ang Pangalan nya! Sagot ni Paul.

" Maryo De Dios ba ikamo? Tanong ni Tang Simon dito.

" Opo yun po ang kasama ng Papa ni Alice! Sagot ng binata.

Napangiti ang matanda at bumalik sa Kwarto ng Dalagang si Alice. Natutulog naman ang dalaga.

" Napakaswerte mo talagang Dalaga! Anas ni Matandang Simon sa natutulog na dalaga.

" Bakit po Amang? Tanong naman ni Kanor dito.

" Mukhang heto na ang katapusan ng Itim na kapangyarihan ni Rigor! Sagot nito at napangiti pa ang Matanda.

Nagtataka at naguguluhan man si Kanor sa sinasabi ng Ama pero isa lang naman ang gusto nila ang matapos na ang Laban ng mga ito laban sa kapangyarihan ni Rigor.

Malalakas na katok ang narinig ng mga tao sa bahay.

" Peter! Paul! Tawag nito.

Nakilala agad ni Peter ang Boses ni Bernard. Pero pinigilan muna ni Kanor ang Binata.

Lumapit si Kanor sa pintuan habang kumakatok ang binata , at pumikit ito at itinaas ang Kwintas na Krus. Binuksan ni Kanor ang pintuan.

" Itay? Takang tanong ni Bernard sa Ama.

" Bakit narito ka Anak? Tanong ng Ama.

" Kayo po ang dapat kung tanungin kung bakit kayo narito sa bahay nila Alice? Tanong ng Binata at tuminggin pa sa dalawang kasama ni Alice.

" Mabuti at naririto kana apo!

Napatinggin at nagtataka si Bermard na narito din ang kanyang Lolo Simon.

" Anong nangyari kay Alice? Nakaramdam ng matinding Kaba ang binata ng hindi nito nakita si Alice.

Lumabas ng Kwarto ng dalaga si Tandang Simon kaya napatakbo si Bernard sa kwarto ni Alice.

" Aliceee! Tawag ni Bernard.

Nagulat pa ang binata ng makitang nakahiga ang Dalaga at nakatali ang dalawang kamay at paa nito , nakita nito na namumula na ang pagkakatali ng kamay at paa nito.

" Lo! Itay! Ano pong ibig sabihin nito? Takang tanong ni Bernard sa mga ito.

Hindi naman nagsalita ang Dalawang binata ng magtapng ang Binatang si Bernard.

Awang awa ang binata sa dalaga naupo ito sa tabi ng dalaga at Inayos ang nakakalat nitong buhok , dahilan para kumilos ang dalaga.

" Bernard! Tulungan mo ako , nahihirapan na ako! Pagmamakaawa ni Alice dito at nagumpisang tumulo ang mga luha nito.

" Pasensya kana kung nahuli ako ng dating Alice! Paghingi ng tawad ni Bernard sa Dalaga.

" Kalagan mo na ako dito , takot na takot na ako Bernard! Pagmamakaawa ng dalaga.

HousemateWhere stories live. Discover now