Kabanata 33

32 1 0
                                    

Ilang beses pang nawawalan ng malay ang dalagang si Alice kaya nanghihina na naman ito.

" Alice , bakit hindi mo to sabihin kay Bernard yung nangyayari sayo? Tanong ni Peter dito.

" Okay lang ako , ayoko din na mapahamak si Bernard dahil saken kapag nilabanan nya si Rigor! Sagot ni Alice.

" Eh kung sya naman ang makakatulong sayo eh bakit hindi diba?

" Ayoko ng dagdagan yung paggulo ng isip ng tao , hayaan nalng naten syang maging normal parin ang buhay gaya dati! Sagot ni Alice.

" Eh paano kana? Tingnan mo narito ka ngayon nakaratay sa Hospital kasi sobrang bumababa na ang immune system mo dahil sa hindi kana naman natutulog!

" Gagaling din naman ako , konteng pahinga lang ito okay na ulit ako!

" Haysss , alam mo sa pagiging matigas ang ulo mas Number one kapa kay Sir Paul! Kakamot kamot na anas ni Peter.

Nagpaalam na ang Binata kay Alice na kukuha lang ng mga ilang damit sa Bahay ng mga ito para madala dito sa hospital. Gaya nga ng sinabi ni Alice na hindi nila pinaalam ang tungkol sa kalagayan nya ngayon kay Bernard , ayaw ng dalaga na guluhin ang isip ng binata alam kasi nito na gusto ni Bernard ng maayos at tahimik na buhay at mas lalong ayaw ng binata na manahin ang pangagamot ng Angkan nito kaya iginalang iyon ng Dalaga.

Ipinikit ni Alice ang kanyang mga Mata para makapagpahinga kakatapos lang din kasi mag round ng Nurse para sa pagpapainom saknya ng gamot , medyo umeepekto narin kasi ang gamot na ipinainom saknya kaya parang bumibigat ang mga talukap ng kanyang mata.

" Naayyyy! Naayyyy!!! Tawag ng isang bata na nakasuot ng Patient Gown at naglalakad sa corridor ng Hospital.

" Nayyy!! Nasaan po kayo? Hindi ko kayo makita kahit saan? Sigaw ng bata.

Napahinto ang bata sa tapat ng kwarto ni Alice parang hinihigop ang bata ng kung anong enerhiya sa loob. Pumasok ang bata at pinagmasdan ang natutulog na si Alice.

Kahit natutulog si Alice ay nararamdaman nya ang kakaibang enerhiya na nasa loob ng kwarto nya kakaiba ang kakayahan ni Alice sa pagkakaroon ng 3rd Eye bukod sa nakakakita ito ay napakalakas din ng pakiramdam nito.

" Sino yan? Tanong ni Alice kahit nakapikit ang mga mata nito.

Walang sumasagot nakaupo lang ang bata sa upuan na malapit sa kama ng dalaga.

" Nayyy!!! Umiiyak na bata.

Dahan dahan na iminulat ni Alice ang mga mata nito para tingnan kung sino ang nasa loob ng kwarto nya. Nagulat pa ito ng makitang may isang batang lalaki na may edad 10 ang naroon at nakaupo sa Upuan malapit sa kama nya at nakasuot ng kagaya nyang Patient Gown.

" Sino ka? Tanong ni Alice sa Bata.

Napatinggin naman ang bata saknya , at tumayo ito papalapit kay Alice.

" Bitoy ang pangalan ko , at hinahanap ko ang Nanay ko! Umiiyak na sagot ng bata.

" Pero bakit narito ka? Nasaan ba ang nanay mo? Tanong ni Alice.

" Natutulog lang ako kanina habang nakahiga sa hita ni Nanay tapos paggising ko wala na si nanay , wala narin tao sa kwarto ko! Umiiyak na sagot ng bata.

Dahan dahan tumayo si Alice at kinuha ang nakasabit na swero.

" Halika sasamahan kita , ihahatid kita sa kwarto mo! Aya ni Alice.

Ngumiti ang bata at pinahid ang mga luha nito at humawak sa mga kamay ni Alice. Naramdaman ni Alice ang napakalamig na kamay ng bata. Habang maglalakad ang mga ito ay syang pinagtitinginan naman sya ng mga nakakasalubong nya sa corridor.

" Bakit sila tumitinggin saten Ate? Tanong ng bata.

" A_ahmmm baka kasi napopogian sila sayo Bitoy! Pagsisinungaling nalang ni Alice.

Nararamdaman ni Alice na may kakaiba sa batang kasama nya dahil sa malamig ang mga kamay nito.

" Sino kaya kinakausap nya? Narinig nya pang bulong ng isang babae sa kasama nitong lalaki.

" Malayo pa ba tayo Bitoy? Tanong ni Alice.

" Malapit na ate! Sagot ni Bitoy.

Lumiko sila sa may kaliwa ng hospital at napahinto si Alice dahil sa may umiiyak na Isnag babae habang inilalabas ang nasa Stretcher.

" Nayyyy!! Tawag ni Bitoy

" Sya ang nanay mo? Tanong ni Alice.

" Oo ate , bakit kaya umiiyak si Nanay? Baka hinahanap nya din ako? Tanong nito kay Alice.

Lumapit si Alice sa kwarto na sinasabi ni Bitoy habang papaalis at sinusundan ng sinasabi ni Bitoy na nanay ang umiiyak na babae.

Bumitaw si Bitoy sa pagkakahawak sa dalaga at sinundan ang inang umiiyak. Nagkaroon ng pagkakataon si Alice na magtanong sa papalabas na Nurse.

" Hello Ms. Pwede ba akong magtanong?

" Ano po yun Mam? May kailangan po ba kayo?

" Ahmm yung babae kanina sino sya?

" Ahmm ina po sya ng batang pasyente dito , pero nakakalungkot lang kasi binawian na ng buhay ang bata! Sagot ng Nurse.

Napakapit sa bibig ang dalaga dahil sa narinig nito sa Nurse.

" Kamag anak po ba kayo or kakilala ng pasyente? Tanong ng Nurse.

" Ahmm wala naman naitanong ko lang napadaan lang kasi ako! Anas ni Alice.

Naiwan si Alice at napaupo ito sa upuan na nasa labas ng mga kwarto. Tama ang kutob ni Alice patay na ang batang si bitoy kaya pala malamig ang kamay nito ng hawakan nya ito.

" DIBA SINABI KO NA SAYOOOO!!!! Isang sigaw na nakakakilabot.

Napakapit si Alice sa dalawang tengga nito , bahagya pang nagpatay sindi ang ilaw sa corridor ng Hospital kung nasaan ang dalaga. Naririnig na naman nya ang Boses ng Itim na anino.

" Aliceee! Napatinggala sya ng makita kung sino ang nasa harap nya.

" Bernard? Takang tanong nito.

" Bakit ka narito huh? Kanina ka pa namin hinahanap ni Peter at Paul pero wala ka sa Kwarto mo , buti nalang nakasalubong namin yung nurse na nanggaling dito kaya nalaman namin na baka ikaw ang sinasabi nyang babae! Pahayag ni Bernard.

" At bakit ka nandito? Tanong ni Alice.

" Mamaya na naten pag usapan yan ang mabuti eh bumalik na tayo sa kwarto mo? Bakit kaba nandito? Tanong nito kay Alice.

Nakatinggin lang si Alice sa nakatalikod at naglalakad na si Bernard.

" Patay kang Peter ka saken mamaya alam kung ikaw ang tumawag at nagsabi kay Bernard! Anas ni Alice sa isip nito.

" Nayyyyyy!!! Bakit hindi mo ako pinapansin??? Umiiyak na tanong ni Bitoy sa umiiyak na nanay nito.

Naririnig ni Alice ang mga pagiyak ni Bitoy alam kung naririnig din ito ni Bernard kaya manaka nakang tumitingin ito sa akin. Malaamng ay alam nito na nakakilala na naman ako ng kaluluwa kaya nawala ako sa kwarto ko.

HousemateWhere stories live. Discover now