Kabanata 31

34 1 0
                                    

     Nakatulog si Alice matapos painomin ng mga ito ng baso ng tubig na pinatakan ng may orasyon na ibinigay ni Tandang Simon. Naroon narin si Bernard sa bahay ng mga ito.

" Bernard anong nangyayari kay Alice? Tanong ni Peter.

" Marahil ay nagalit ang itim na anino dahil sa binabalak naten na pagkulong saknya! Amas ni Bernard.

" Pero diba hindi ka naman pumapayag na kalabanin ang nilalang na iyon? Tanong ulit ni Peter.

Hindi nagsalita si Bernard. Nahihirapan syang magdesisyon , bata pa lang kasi sya ay pinangako na nya sa sarili nya na hindi nya nanainisin na manahin amg pangagamot mg mga magulang nito simula ng magkasakit ang kanyang Inang.

" Itay diba mangagamot kayo ni inang? Tanong ni Bernard sa Ama.

" Oo anak! Bakit?

" Eh bakit hindi mapagaling ni Inang ang kanyang sarili? Oh di kaya bakit hindi mo sya mapagaling? Tanong ni Bernard sa Ama habang nagbabantay ang mga ito sa hospital.

" Basta anak , medisina na ang makakapanggamot sa nanay mo at hindi na ang mga katulad naming Albularyo! Paliwanag ni Kanor.

Simula nuon ay namuo na sa batang isipan ni Bernard na wala palang kakayahang gamutin ng mga albularyo ang mga sakit na pwedeng dumapo sa mga tao kagaya ng inang nya kaya ipinagako nya sa sarili na hinding hindi sya magiging albularyo katulad ng mga magulang nito.

Nakatinggin lang si Bernard sa natutulog na si Alice.

" Aliceeee! Aliceeee! Tawag ng isang boses matanda sa pangalan ng dalaga.

Napamulat si Alice. Nakita nya ang nakaupong si Bernard habang nakatinggin ito saknya. At naroon din sila Peter at Paul.

" Aliceeee!!! Napatinggin sya sa may dakong sala ng marinig na naroon na ang boses.

" Sino yan??? Tanong ng dalaga., At agad na bumangon ito.

Naglakad patunggong sala ang dalaga para sundan ang boses ng matanda na tumatawag saknya.

" Dito Aliceee! Tawag pa ulit nito na nasa may hagdan na ng bahay.

Hahakbang na sana palabas si Alice ng makita nila na parang hindi sya nakikita ng mga kasama kaya agad syang bumalik sa kanyang kwarto at gulat na gulat ito mg makita nya ang sarili na nakahiga sa kama habang nakatinggin si Bernard.

" Anong nangyayari? Tanong ni alice sa sarili.

Pilit nyang hinahawakan si bernard pero tumatagos ito sa kamay nya. Nagumpisang matanrantanat matakot si Alice sa nangyayari saknya.

" Aliceee halika dito! Tawag pa ulit ng Boses ng Matanda.

" Pwede ba tigilan nyo na ako! Hindi kayo totoo!! Sigaw ni Alice habang umiiyak.

" Halikaa ditooo!!! Galit na ang boses ng matanda.

Mas nagulat pa at nilukob ng takot si alice ng makita nya ang matanda na nasa harap na nito , naaagnas ang katawan nito na animoy kinakain na ng lupa ang kanyang katawan.

" Layuan mo ako! Parang awa nyo na tigilan nyo na ako! Sigaw ni Alice.

" Bernarddd! Tang Simonnn!!! Tulongggg!!! Sigaw ng dalaga.

Boglang umihip ang malakas na hangin sa likuran ni Bernard na agad na nakapagpaalerto saknya.

" Boses ni alice yun huh? Tanong nito sa sarili at agad na tiningnan nito ang nakahigang dalaga.

" HAHAHAHAHAAHAHA!!! MALAPIT NA SYANG MAGING AKIINNNN!!! Malakas na halakhak ni rigor ang pumainlanlang sa kabahayan ng Bahay.

Agad na pinulsuhan ni Bernard ang dalaga at gulat na gulat ito ng hindi nito mahanap ang pulso no Alice.

" Bernard anong nangyayari? Takang tanong ng Dalawa sa sala.

Sumenyas si Bernard na huminto ang mga ito at ipinikit ang mga mata at nagusal ng Orasyon , kasabay ng Orasyon na inuusal din ng matandang Simon. Umihip ang malakas na hangin sa buong kabahayan. Itinaas ni bernard ang mga kamay nito at unti unting inilapit sa ulo ng dalaga.

Mahihinang Orasyon amg maririnig mo sa bibig ng Binata at biglang umihip ito sa kawalan.

" Tulooonggg!!! Sigaw ni Alice at humahangos na napatayo ito at ng makitang naroon sa tabi si Bernard ay napayakap ito at umiyak ng umiyak.

" Ssshhhhhh!!! Alo ni Bermard dito.

" Ano ba ang nangyayari huh? Takang tanong ni Paul sa mga ito.

" Nakita ko kayo kanina habang nakikita ko ang katawan ko na nakahiga! Takot na takot at umiiyak na pahayag ni alice sa mga ito.

" Ano? Paanong nangyari yun? Pagtataka at takot na tanong ni Peter.

" Panandaliang humiwalay ang kaluluwa ni Alice sa katawan nito! Paliwanag ni bermard.

" Ano bang nangyayari sa bahay na ito huh? Bakit puro nalng kayo kababalaghan? Tanong ni Paul.

" Hindi ka naman namin pinipilit na maniwala pero sana eh wag kang magsalita ng masasama tungkol sa mga kaluluwang naririto sa bahay nyo, naririnig ka nila at si Alice ang lahat na sumasalo ng galit nila sayo! Anas ni Bernard.

Habang sa kabilang bahay ay nanghina naman ang Matandang simon dahil sa paguusal na naman ng orasyon. Ng makabawi ito ng lakas ay napangiti ito.

" Isa ka talagang magiging magaling na mangagamot Apo! Taglay mo ang Galing ng pinagsama sama ng ating Angkan! Nakangiting si Tandang Simon.

Pinaandar ni Simon ang whelchair nito patunggong silid para makapagpahinga ito.

Galit na galit naman ang Aninong Si Rigor sa ginawa ng mag lolo na pagbawi ng kaluluwa ng dalaga. Nagbanta pa ito na sa susunod ay hindi na nanaisin ng mga ito na tulungan pa ang dalaga at humalakhak pa ito ng nakakatakot.

Nagkatingginan at napaakap ng mahigpit si Alice ng marinig nya ang nakakatakot na halakhak ni Rigor.

HousemateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang