Kabanata 23

42 2 0
                                    

     Nagising si Alice na umiiyak , umiikot na naman kasi ang paligid nito , animoy parang spiral ang tinggin nito sa Paligid. Kaya hindi na naman nakapasok sa Office ang dalaga.

" Alice matulog ka dyan , hayaan mo muna ang mga kalat sa sala! Chat ni Paul sa Dalaga.

Hindi malaman ni Alice kung ano ba talaga ang nangyayari saknya , hindi na kasi biro ang pagikot ng paligid ni Alice animoy nakainom ng alak sa sobrang kalasingan.

Nagpasya ang dalaga na tawagan si Doktora Reyes para itanong kung ano ba ang nangayayari sakanya. Buti nalang at hindi ito abala sa Clinic nito.

" Hello Alice Santos ? Tama? Tanong ng Doktora.

" Yes po Doktora!

" Anong maipaglilingkod ko sayo iha?

" Gusto ko lang po malaman kung normal lang po ba ang nararamdaman kung pagkahilo , sobrang Umiikot po na parang spiral ang paninggin ko!

" Umiinom kapa ba ng Gamot na may pampatulog?

" Yes po kagabi po nakainom ako dahil hindi na naman ako makatulog!

" Ihinto mo nalang sya muna , mukhang hindi na kaya ng katawan mo ang dosage na iniinom kaya ihinto mo na lang sya muna! Wag ka mag alala normal lanh yang nararamdaman mo na pagkahilo.

Kahit paano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ng dalaga ng sabihin ni Doktora Reyes na normal lang na makaramdam si Alice ng pagkahilo.

Muling ipinikit ni Alice ang kanyang mga mata dahil narin sa takot sa tuwing iikot ang paninigin nito , feeling ni Alice ay para syang groggy sa Alak.

Agad na nakatulog si alice marahil dahil narin sa Epekto pa ng iniinom nitong pampatulog. Nakakatulog naman na Si Alice kahit kontemg oras medyo nagkakakulay narin ang balat nito na dati ay napakadumi dahil sa butlig butlig nito.

Nagising ang dalaga sa isang masayang halakhak ng bata na animoy naglalaro sa paborito nitong laruan. Pilit na idinilat ni Alice ang kanyang mga mata at hanapin ang humahalakhak na bata.

Biglang naalaa ni Alice ang Langis na ininigay ni Tay Simon saknya , kinuha nya ito sa bulsa at manghang mangha nitong nakita na kumukulo ang langis sa bote na bigay ng matandang Simon.

Ibig lang sabihin ay narito ang mga housemate namin na hindi nakikita. Palakas ng palakas rin ang halakhak , Napatinggin pa si Alice sa loob ng banyo ng biglang bumukas ang gripo at mas lalong humalkahak ang boses ng bata. Malamang ay ito ang batang nakasakay nya sa jeep at nakita sa banyo ng opisina.

Pumunta si alice at isinara ang Gripo , pero ng akmang tatalikod na ang dalaga ay biglang may humila sa buhok nito. Nahihirapang bawiin ni Alice ang buhok nito , habang hawak ni Alice ang buhok nito ay buong lakas syang Umikot para harapin ang may hawak ng buhok nito. Kahit takot na takot si Alice.

Nakakuha ng tyempo ang dalaga at hinarap ang may hawak ng buhok nito. Tumambad saknya ang batang babae na walang mukha ito ang batang babae na nasa banyo ng opisina. Maya maya pa ay lumuwag ang pagkakahawak nito sa buhok ni Alice.

" Punyeta ka talagang bata ka! Wala ka ng ginawang mabuti! Sigaw ni Loida.

Gulat na gulat at napalitan ng takot ang mukha ng batang si Jenny ng makita ang Madrasta nito na galit na galit.

" Hindi mo ba alam na mahal ang tubig huh? Galit na tanong nito at Sinampal ang batang si jenny.

Umiyak ng umiyak ang walong taong gulang na si Jenny.

" Papa! Tawag nito.

" Wala ngayon ang Papa mo kaya wag mong ugaliing magsumbong ng magsumbong l_nt_k kang bata ka ! Sigaw pa ulit nito.

" Sorry po Tita loida , hindi na po mauulit! Pagmamakaawa ng bata.

Binuksan ni Loida ang gripo at hinawakan nito ang buhok ni Jenny.

" Tita wag po! Sigaw at pagmamakaawa ng bata.

Pero parang demonyo na walang naririnig si Loida. Hinawakan nito ang buhok ng bata at iniloblob sa drum ng tubig. Paulit - ulit ang pagloblob nito , nahihirapan na si Jenny sa ginagawa ng Madrasta nito hanggang sa.

" Jenny!!!!! Sigaw ni Loida.

Tunog ng Ambulansya at Police mobile ang dumagoundong sa buong baranggay.

" Jenny Anakkk!!! Sigaw ni Lando ang ama ni Jenny.

Samantalang nakaupo si Loida sa sahig at tulala habang kinakausap ng pulis.

Kinuha na ng Ambulansya ang mga labi ni Jenny para mautopsy ang bangkay nito at malaman kong anong ikinamatay ng kaawa awang si Jenny. Nilagyan nman ng Posas ng mga kapulisan ni Loida at isinakay sa Mobile patrol.

Napag -alaman at ayon sa mga kapitbahay ng mga ito ay palaging sinasaktan ni Loida ang Anak ng kinakasamang si Lando.

Tumulo ang mga luha ni Alice habang nakatinggin sa Loob ng Banyo , nanginginig ito sa takot at ang awa sa kalunos lunos na sinapit ng batang Multo sa bahay ng mga ito. Napatinggin pa si Alice sa batang si Jenny ng tumakbo ito at naupo sa sulok ng Bahay.

HousemateUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum