Kabanata 21

44 1 0
                                    

     Lumipas ang mga araw at naiintindihan na ni Alice ang nangyayari bakit sa Umaga lang ito nakakatulog ng mahimbing at hindi sa gabi.

" Dahil sa Gabi nariyan ang Itim na anino yan ang oras na pinaglalaruan ka nya! At kung napapansin mo na Sa umaga nakakatulog ka , ibig sabihin wala itim na anino sa loob ng bahah nyo! Anas pa ni Ka Maryo.

" Opo Ka Maryo naiintindihan ko na po!

" At wag na wag mo kakalimutan na kapag umalis ka sa bahay na yan at lumipat ng ibang mauupahan , wag na wag mo kakalimutan na Dumaan muna sa simbahan bago mo kunin lahat ng mga kagamitan mo sa bahay na yan! Anas ni Ka Maryo.

" Baka po ba sumama sila sa lilipatan ko kung sakali?

" Oo basta sundin mo lang ang bilin ko , at pagkatapos mong umalis ay wag na wag kang lilingon sa bahay na iyan!

Kinilabutan si Alice sa mga bilin ng albularyo , para bang nasa isang horror story ang buhay ng dalaga. Normal naman syang nakakakita ng mga kaluluwa pero kakaiba ang nangyayari saknya dito sa Cagayan.

Nagpasya muna na magtunggo sa office ang dalaga dahil medyo maalwan ang nararamdaman nito , kaya agad agad na naligo si Alice para makahabol sa opisina. Isasara na ni Alice ang Pinto ng bahay pero parang bumigat ang kanyang mga kamay na animoy may pumipigil sa braso mg dalaga. Pinilig nalang ni Alice ang ulo at nagpatuloy sa pagsara ng pintuan.

Lulan na ng jeep si Alice patunggo sa opisina nito pero bigla na naman sumama ang pakiramdam ng dalaga , unti unting nandidilim ang paningin nito at bahagyang nanalalamig ang katawan nito.

" Okay ka lang ba Day? Tanong ng isang matanda sa Loob ng Jeep.

" Okay lang po ako! Sagot ni alis at pinilig ang ulo habang bahagyang ipinikit ang mga mata.

" Namumutla ka kasi , at sino ang kasama mo? Tanong ng Matanda.

Napatinggin si Alice sa katabi nitong upuan , at napatinggin sa matanda. Katabi ni alice ang batang nakatira sa bahay ng mga ito.

" Nakikita mo din ba sya?

Tumabi ang matanda kay Alice at bumulong ito.

" Nakakakita ka din ba ng mga kaluluwa? Bulong nito.

Tumango ang dalaga , hindi na kasi ito nagsalita at baka marinig pa ng mga pasahero ng jeep.

" Iwasan mo ang mga kaluluwa na yan iha! Pasakit ang ibinigay nya sa buhay mo! Bulong pa ng matanda at nag antanda pa ito ng cross.

Maya - maya ay bumaba ang matanda sa may tapat ng simabhan at muli pang lumingon sa dalaga.

Gaya ng normal na nangyayari kay Alice , hindi ito natakot sa batang kasa - kasama nito , ngayon ay nakita na ng dalaga kung anong itsura ng bata na naglalaro sa bahay ng mga ito. Nakasuot ito ng Puting Bestida at puting medyas na hanggang tuhod at nakasuot ng itim na sapatos , meron din itong Ribbon sa magkabilang buhok nito at ng mapaharap ang kaluluwa sa dalaga ay nagulat pa si Alice , wala kasing itong mukha.

Kita ni Alice ang pagtinggin ng mga pasahero sakanya kaya naman umayos ng pagkakaupo si Alice at lumipat sa kabilang upuan , pero dahil makulit ang kaluluwa ay tumabi ito dahilan upang makaramdam ng lamig ang katabi ni Alice.

" Bugnaw! ( Lamig ) , anas ng Babae at hinimas pa nito ang kanyang braso.

Hindi na muling pinansin ni alice ang kaluluwa kahit pa pinaglalaruan sya nito. Maya - maya pa ay pumara na ng jeep ang dalaga , at ng bumaba na ito ay hindi na nya nakita kung nasaan na ang kaluluwa. Malamang hindi ito ang batang nasa bahay nila. Siguro ay naligaw lang ito at nagkataon sa jeep na sinasakyan ni alice natyempo ito.

Lulan na ng elavator si Alice patungo sa Opisina nito.

" Oh Alice , Kamusta kana? Salubong ni brenda dito.

" Medyo okay na ako kaya nagpasya akong bisitahin kayo dito! Sagot nito.

" Bisitahin ka dyan! Hoy tambak na ang tutulungan nating kumita noh!

Nagkatawanan naman ang dalawa.

" Ohh Alice , okay kana ba? Salubong na tanong ni Paul.

Tumango ang dalaga at inilagay ang bag nito sa upuan , Napaupo si Alice ng konte dahil sa pagkahilong nararamdaman nito.

" Nahihilo ka? Nagulat pa ang dalaga sa tanong ni Paul. Hindi kasi namalayan ni alice na sinusundan pala sya ng tinggin ng Binata.

" Baka dahil sa sikat ng araw sa labas! Sagot nito.

Pinatawag ni Paul ang Nurse ng company para kunan ng Blood pressure ang Dlaaga , nakita kasi nito na medyo maputla si Alice at bahagyang balisa.

" 80/60 , Anas ng Nurse.

" Sobrang Baba ng dugo mo Alice! Anas ni Brenda.

" Bakit kasi pumasok kapa eh hindi mo pa pala kaya! Anas ni paul.

" Okay naman kasi ako kanina eh! Sagot ni Alice.

" Baka napagod lang sa Byahe! Si Peter.

Hinayaan muna ng mga ito na bahagyang makapagphinga si Alice.

Hindi maintindihan ni Alice ang pakiramdam nito , animoy hinahatak ang katawan nya na umuwi ng bahay.

Nakaramdam ng tawag ng kalikasan ang dalaga kaya naman nagtunggo ito sa Cr sa 2nd floor. nagulat pa ng dalaga ng bubuksan nito ang pinto ay naroon at nakatayo ang batang kaluluwa na nakasakay nito sa jeep.

" OMG! Anas ni Alice.

Nakatayo lang ang bata sa may harap ng salamin at basang basa ito.
Hindi alam ng dalaga kung saan nagmula ang tubig na umaagos sa katawan ng bata. Biglang naalala ni Alice ang maliliit na Foot mark nuon sa bahay na nagsimula sa banyo patungo sa kwarto nila Peter at Paul.

Nabuo sa isipan ng dalaga na marahil ay ito na nga ang batang nasa bahay mg mga iyon. Dali daling naghugas ng kamay si Alice at lumabas ng banyo , hindi na nya nilingon kung naroon ba ang batang kaluluwa basta ang nais lang nya ay makalabas sa banyo.

Magdadapit hapon na kaya parang mas nangjihina ang katawan ng dalaga. Nagpasya ito na umuwi na lang muna.

Magiisang oras sa byahe si Alice ng makarating sa bahay ng mga ito. Gaya ng nakasanayan na ni Alice nakita na naman ni Alice ang itim na anino na nakaupo sa itaas ng hagdan.  Nakaramdam ng oanlalamig si Alice ng makadaan ito sa huling hagdan.

" Oh mag isa ka lang? Tanong ng kapitbahay

" Opo kuya nasa opisina pa po sila eh!

" Ganun ba ? Akala ko kasi may tao dyan kasi may narinig kami sa kabilang kwarto na parang may nahulog na bagay!

" Titingnan ko na lang po baka , mga nkaahnger na damit sakbilang kwarto!

Hindi na masyadong nakipag kwentuhan ang dalaga sa mga ito dahil sumasama talaga ang pakiramdam nya. Nagpaalam na ito.

" Ayohhhh! Bati ni Alice sa loob ng bahay.

Nagderetcho si Alice sa kwarto ng dalawa ng matpos nyang buksan ang mga ilaw sa loob ng bahay. Hinanap ni Alice kung meron bang nahulog sa kwarto nila pero malinis naman ang lahat ng kwarto. Inisip na lang  nya na baka mali lang ang narinig ng mga ito sa kabila.

Nagpasya si Alice na mahiga muna dahil sumasakit ang ulo nito at parang mabigat ang katawan. Napatinggin sya sa sulok ng bahay at naroon nakita nya nakaupo ang batang babae sa sulok ng bahay habang basang basa ito.

HousemateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang