Kabanata 15

50 1 0
                                    

       Mag-iisang linggo na mula ng makausap ni Ka Maryo si Alice , pero hindi parin ito nakakaalis ng bahay. Para kasing sa tuwing nagbabalak na maghanap ng Bahay ang Dalaga ay may dumarating na Problema.

" Kailangan ko na talaga makahanap ng Bahay Peter!

" Pero kailangan mo munang magpaalam kay Sir Paul , alam mo naman na magagalit saten si Sir Meynard kapag nalaman nila wala ka dito sa bahay!

" Pero ayoko na dito sa bahay Peter , baka isang gabi na uuwi ka ay wala na akong buhay!

" Ano kaba Alice , pinagsasabi mo dyan! Wag ka nga magsalita ng ganyan!

" Kung hindi nyo ako papayagang umalis dito sa bahay na ito ay uuwi nalang ako ng Manila! Pagbabanta ni Alice.

" Mabuti pang hintayin nalang muna naten si Sir Paul , Nakita mo naman diba sa Group chat naten na babalik na sya sa isang araw bago ka muna magdesisyon!

Naiinis na bumalik si Alice sa kwarto nito at isinara ang pinto. Inis na inis na si Alice sa mga ito dahil parang pinagkakaisahan sya ng mga kasama.

Pumasok naman na sa Opisina si Peter at naiwang magisa si Alice. Hindi na nagpaalam ang binata dahil alam nito na naiinis si Alice dahil hindi rin sya makapagdesisyon na umalis si Alice sa bahay.

Magdadapit hapon na ng lumabas ng Kwarto si Alice , nagpasalamat din ito dahil kahit paano ay nakakatulog sya sa twing aalis si Peter ng bahay , hindi nya alam kung bakit ganun ang nararamdaman nya , kapag sa gabi hindi sya nakakatulog , animo'y may gumigising saknya sa twing maaalimpungatan itong makatulog. At pag aalis na si Peter sa umaga ay napakasarap naman ng tulog ng Dalaga.

Nagtunggo si Alice sa tindahan sa ibaba para bumili ng Kape at asukal , Naisip nitong magkakape nalng muna sya at mamaya nalng kakain sa hapunan.

" Andyan ka pala? Tanong ng lalaki na nakatira sa kabilang bahay ng mga ito.

" Opo , kelan pa po kayo nakarating? Tanong nito.

" Kaninang madaling araw iha! Sagot ng medyo may edad na.

" Nakasalubong pa nga namin ang kasama nyo dyan sa bahay kagabi habang nakaupo dyan sa hagdan! Anas nito.

" Sino po? Taka kung tanong.

" Medyo may edad narin sya , tinatanong nga namin kung dyan ba sya nakatira sa kabila pero di naman nagsasalita! Anas ng isa pa.

" Ah okay po!

Nagpaalam na si Alice sa mga ito , sino kaya ang nakita ng mga ito kaninang madaling araw smaantalang napakasarap ng tulog ni Peter at humihilik pa nga ito. Sino na naman kaya ang ang lalaking yun?

Pagkapasok ni Alice sa bahay ay nakita nito ang isang ibon na kulay itim na pilit pumapasok sa Bintana ng mga ito ,mabuti nalang at hindi masyadong nakabukas ito , naiwan na naman siguro ni Peter na isara ito, dali daling tumakbo si Alice sa bintana at isinara ang bintana para hindi makapasok ito.

Magaalas sais na ng hapon at naroon parin ang itim na ibon at nagpipilit na pumasok , tinutuka pa nga ng matulis na tuka nito ang Bubog na salamin na animoy kumakatok para pagbuksa. Ng dalaga.

Hindi inalis ni Alice ang mga mata sa ibon at agad na naisip nito si Bernard , kaya agad na pinicturan nito ang ibon na nasa Binatana , at sinamahan din nito ng Video kung paano lumipad at bumalik ang ibon para makapasok sa bahay.

" Isara mong mabuti ang mga bintana at pinto wag na wag kang magbubukas ng pinto at binata.! Bilin ni bernard sa kaibigan.

Natatakot naman si alice sa mga sinasabi ni bernard , ano bang nangyayari simpleng ibon lang naman ata ang nasa labas pero bakit parang big deal kay Bernard.

Agad na tumawag si Alice sa Papa nito at nagtunggo sa bahay ni Ka Maryo.

" Wag na wag kang lalabas ng bahay, isara mo ang pinto at mga bintana ng maayos , Magbabangitin ako orasyon itapat mo sa binatana kung nasaan ang itim na ibon! Anas ng Albularyo.

Ginawa nga ni Alice ang sinabi ni Ka Maryo at nagwika ang matanda ng dasal sa salitang latin at biglang umikot ikot na parang turumpo ang ibon at mabilis na lumipad ito paalis ng bintana.

" Lagyan mo ng asin ang Bintana Iha para proteksyon mo sa aswang!

" Po aswang ? Gulat na gulat si Alice sa sinabi ng Matanda.

Pinaliwanag ni Ka Maryo ang tungkol sa ibon na pilit na pumapasok sa bintana ni Alice. Takot na takot naman ang dalaga dahil s apangyayari , naiintindihan na ni Alice kung bakit nag aalala din si Bernard ng isend nya ang picture at video ng itim na ibon.

" Naku Alice , umuwi kana dito sa maynila para mapanatag din kami sa kakaisip sayo dyan! Wag mo na gawing kumplikado ang sitwasyon! Nag - aalalang Ama nito.

" Opo Pa , saglit nalang naman at uuwi narin ako dyan! Hahanap narin muna ako ng matitirahan para makaalis dito!

" Bakit ba kasi hanggang ngauon ay nariyan kaparin? Diba binalaan kana ni Ka Maryo na umalis kana dyan sa bahay na yan pero matigas parin ang ulo mo Anak!

" Nahihirapan po kasi akong maghanap ng malilipatan! Pagsisinungaling nito.

Hindi nito sinabi na ayaw syang payagan ng mga head nito sa Maynila na umalis sya at humiwalay sa mga kasamahan. , Siguradong magagalit kasi ang Papa nito at tatalakan ang mga Head nito sa Office kaya para walang alam ang Ama nito ay Nagsinungaling nalang si Alice.

" Oh sya magiingat ka dyan , gawin mo ang mga bilin sayo ni Ka Maryo huh anak?

" Opo Pa! Salamat po sa pag - aalala!

Mag aala una ng Umaga ng Dumating si Peter. Naabutan pa nito si Alice na nakikinig ng music sa kwarto nito.

" Bakit hindi kapa natutulog?

" Eh di hindi ka nakapasok kung tutulugan kita? Alam mo naman na nakalick ang pinto sa loob diba? Inis na sagot ni Alice.

" Haysss ang sungit mo kahit Kelan! Iiling iling na sagot ni Peter.

Pumasok sa kwarto si alice at isinara ang pinto , simula kasi ng Umalis si Paul at warren ay sa kwarto na natutulog ang mga ito. Kaya inilolock din ni Alice ang kwarto nito dahil medyo may pagka manyak tuminggin si Peter.

" Bakit may asin dito sa Bintana Alice? Tanong Ni Peter.

" Wag mo aalisin dyan yan okay? Hayaan mo lang na meron yan!

" Para saan ito?

" Wala wag kana magtanong ,basta wag mo aalisin dyan yan! Inis na sagot ni Alice.

" Hay naku weird mo talaga , para kang albularyo!

Nagtunggo nalang sa Kwarto nito si Peter at nahiga , alam nito na naiinis sa kanila ang dalaga , gustuhin.man nya na payagan ang dalaga pero wala maman syang magagawa.

Pinatay na ni Alice ang music nito hindi rin kasi talaga sya dalawin ng Antok , kahit umiinom na sya ng gamot na nakakantok. Nakatingala lang si alice sa Kisame.

" DIBA SABI KO SAYO!
" DIBA SABI KO SAYO!

Napakapit si Alice sa dalawang tenga nito at takot na takot , umagos din ang mga luha nito , Hindi nito maintindihan ang gagawin ng may bumulong sa tenga nito na bose lalaki , mulhang Galit ang boses nito. Agad na napatayo at umiyak ng umiyak si Alice dahil sa takot na nararamdaman nito.

" Sino ba kasi kayo? Bakit nyo ba ako pinahihirapan ng ganito? Umiiyak na tanong ni alice.

Isang matinding kalabog ang narinig ni Alice sa bubungan ng bahay, animoy naghahabulan na malalaking nilalang.

" Alice ! Tawag ni Peter.

Nagising din kasi ang binata dahil sa ingay ng bubong ng mga ito. Mag aalas Tres na ng Umaga ng tingnan ni peter ang oras nito sa Celfone.

" Lumabas si Alice sa kwarto at kumuha ng Maiinom na tubig! Pilit na pinpapakalma ng dalaga ang sarili nito.

HousemateDove le storie prendono vita. Scoprilo ora