Kabanata 4

102 1 0
                                    

       Mag - aalas nuebe na ng gabi ng magkayayaan ng umuwi sila Alice , Peter , Warren at Paul. Ayaw pa man nila umuwi dahil sa napakaaga pa nito para sa kanila. Nasanay kasi ang mga ito sa buhay ng Maynila na sa gabi palang naguumpisa ang buhay ng mga tao.

" Uuwi na talaga tayo? Tanong ni Warren sa mga ito.

" Yun na nga eh ang aga-aga pa! Si Peter.

" Hoy! Hoy! Tumigil nga kayong dalawa dyan , at anong akala nyo nasa Manila kayo huh? Mga lokong to! Inis na sita ni Alice sa mga ito.

Naabutan kami ni Sir Paul na nagtatalo dahil sa maaga naming pag uwi.

" Oh ano na naman yang pinagtatalunan nyo huh?  Tanong ni Sir Paul.

" Ito kasing mga to ayaw pa ata umuwi! Sagot ko.

" Guysss for now kailangan muna naten umuwi ng maaga kasi maglilinis pa tayo ng bahay! Si Sir Paul.

Pinandilatan ko pa ang mga ito sabay ngiti ng nakakaloko. Walang nagawa ang mga ito at nagpasya na kaming umuwi. Lulan kami ng sasakyan na tinatawag nila ditong " Bao - Bao "..

" Grabe may ganto palang sasakyan dito? Tuwang tuwang tanong ni Peter.

" Kaya nga eh tsaka ano ba tawag dito? Tanong pa ni Sir Paul.

" Rela? Tanong ni Warren.

" Bao-bao ang tawag dito! Singit ng Driver.

" Ah okay Bao - bao pala tawag dito! Sabay - sabay pa naming sagot sa Driver.

" Mga taga saan ba kayo? Tanong ng Driver.

" Taga Manila po Kuya! Sagot ko.

" Mga tagalog! Anas pa nito at ngumiti.

" Opo kakarating lang po namin kahapon dito sa CDO! Sagot ni Warren.

" Dito ba kayo nagtatrabaho? Tanong ulit nito.

" Hindi po kuya , nagnenegosyo po kami dito sa CDO! Sagot ni Sir Paul.

" Ah ganun ba napakalayo naman ng pinangalingan nyo!

" Oo nga po , pero napakaganda po dito sa lugar nyo at mababait din ang mga tao! Sagot ni Peter.

" Naku Oo kaya nga Tinagurian ang cdo ng City of Golden friendship!

" Oo nga po! Literal! Sagot ko na nakangiti sa driver.

Nakarating na kami sa babaan patunggo sa Apartment namin. Pumasok kami sa makipot na Eskinita papasok , May mga ilang tambay din ang nasa daan mga kabataan na malamang edad 18 pataas.

" Makikidaan po! Pasintabi ko sa mga ito.

Nagsipagtabihan naman ang mga ito at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Agad na binuksan ni peter ang Lock ng Gate at isa isa kaming pumasok sa loob. Napatinggin agad ako sa Hagdan na animoy merong nakaupo dito sa Itaas na baitang. Nakaramdam ako ng kakaiba lalo pa ng makita ko ang itim na animoy anino na pumasok sa loob ng pintuan.

Pasipol sipol pa si Warren habang binubuksan ang kandado ng pintuan. Nagulat pa ang lahat ng mabuksan na namin ang pintuan.

" Peter , diba sabi ko patayin mo ang mga ilaw? Tanong ni Sir paul.

" Yes Sir pinatay ko naman po lahat! Sagot nito.

" Eh bakit nakabukas ang ilaw dito sa sala ? Tanong pa ulit nito.

" Diba alice pinatay naten lahat ng ilaw kanina? Baling nito saken.

Hindi agad ako nakasagot , at napatinggin ako sa kwarto ng mga ito , kitang kita ng mga mata ko ang pagpasok ng isang itim na anino sa loob.

" Alice!! Nagulat pa ako ng Sikuhin ako ni Warren.

" Ano yun? Tanong ko.

" Hay naku wala na naman dito ang isip mo! Naiiling na si peter.

" Wag nyonh sabihin na may Multo na naman sa bahay na ito? Tanong ni Warren.

" Multuhun ko kaya mukha mo! Tanda tanda mo na naniniwala kapa sa multo multo na yan! Si sir paul.

" Baka pumasok si Ate dito kanina at sya ang nagopen ng Ilaw para di tayo mahirapan mamaya! Si Peter.

" Pwedeng ganun na nga! Sagot ni Sir paul.

" Mas mabuti pa na simulan na naten ang paglilinis para makapagpahinga na tayo! Si peter.

" May point si peter , yan ang gusto ko sayo eh may iniative ! Natatawang si Sir paul.

Pumasok ako sa kwarto ko at agad na nagpalit ng damit para makapag umpisa ng maglinis. Napatinggin ako sa Dakong Bintana sa sala nakabukas ito at napansin ko na may oarang nagmamasid samin sa lumang bahay s atapat ng bintana.

" Psssttt! Sitsit ni Warren ng matapos akong makalabas ng kwarto.

" Ano yun? Tanong ko.

" May nararamdaman kaba dito? Bulong ni warren.

" Wala okay dito! Anas ko.

Sinabi ko nalng kay Warren na okay sa bahay para narin hindi pamahayan ng takot ang bahay na titirahan namin. Alam ko sa sarili ko na may kakaiba sa bahay na ito , alam kung hindi lang kami ang nakatira sa bahay na ito.

HousemateWhere stories live. Discover now