CHAPTER 49 : A Confession

105 7 5
                                    

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto. Inayos ko muna ang suot ko at muling tinignan ang mga gamit ko sa bag kung kumpleto. 



"Merielle, ang aga mo ah. Halika na dito kain na." Pagyayaya sa akin ni Papa. Dali-dali akong bumaba ng hagdan at imbis na umupo at kumuha na lang ako ng hotdog at nagpapak.



"Hindi ka na sasabay? Maaga pa naman." Singit ni Tita na kakaupo lang.



Umiling ako. Marami akong dapat gawin ngayong babalik na ko school. "Alis na po ako, bye!"



Another hingang malamim bago lumabas ng bahay. Pagkasara ko ng front door, nahagip kaagad ng mata ko ang sobrang pamilyar na mukha. Para akong nawalan ng hininga nang nakita niya ako. At matagal kaming nagkatinginan. 



Binaling ko na lang 'yung tingin ko sa sasakyan. "Hindi ako sasama sa'yo."



"We have to talk." Matipid niyang sinagot sakin. Ang tagal din naming hindi nagkita sa mata, medyo nakakapanibago. "Kaya sumabay ka na."



"Kilala mo ba kung sinong nag-play ng video na 'yon sa cafeteria?" Tanong ko kaagad. "At paano na-lift ang suspension ko kaagad?"



Pero hindi niya ako sinagot, naghahamunan lang kami ng tingin. "Bakit ka ba nandito?"



Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. "We'll talk in the car."



Binilisan ko ang pagpasok sa kotse niya at naglagay ako kaagad ng seatbelt. Maya-maya ay nasa tabi ko na siya at naka-start na ang kotse. "Sinong may pakana non? At bakit niya daw ginawa?" Marami akong gustong malaman sa kanya pero hindi niya ako sinasagot. "Damian, sabi mo maguusap tayo--"



"If you are answering my calls and replying to my messages, hindi ka puro tanong ngayon." Napahawak ako at napaliyad nung bumilis ang andar niya. "Matigas talaga ang ulo mo, Merielle."



"Sasabihin mo ba sakin kung paano na-lift ang suspension ko o hindi?" Kalmadong tanong ko sa kanya. "Ayoko ng away, Damian. Pero gusto ko na lang malaman kung bakit may video na ganon sa cafeteria."



Matagal natahimik ang loob ng kotse. 



"Someone managed to get into the admin's office that day." Nilingon ko siya nung nagsalita siya. "My father looked into the CCTV cameras, nakita nila si Mia na pumasok ng admin office at nagmamadaling lumabas."



Napanganga ako sa sinabi niya. Si VP Mia? Mia Alcantara?



"Sa kanya galing 'yung video?" Naiiling ako at natutulala. "Hindi pwedeng galing sa kanya, kasi sumama siya sa inyo sa contest non, diba? Nangyari 'yung---"



"It was pre-programmed to be played at recess time, Merielle. Ginawa niya 'yon bago pa man makaalis ang bus, she did it that morning before the competition. She had to go with us para may alibi siya." Paliwanag niya. 



Natigilan ako sa gulat, at hindi ko ma-imagine na ginawa niya iyon. Bakit?



"Too bad for her, dahil nakita siya sa cameras. Kung walang naka-install na hidden CCTVs sa admin, hindi mali-lift ang suspension mo." 



"Pero, sabi ng papa mo--I mean, ng principal baka ma-kick out na raw ako." 



I heard him laugh a little. "He won't, trust me. Sinabi ko lang naman na isa ka sa dahilan kung bakit nanalo ang school natin sa SciNAG." Parang may natunaw sa akin nung tinignan niya ako saglit. "Mia is still in school. Mamaya siya ipapatawag ng principal para mag-confess."



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now