CHAPTER 38 : The Disaster After

99 6 4
                                    


Nung natapos ang kanta, mabilis kaming nag-hiwalay ni Damian. Nagsibukasan na ulit ang ilaw sa Main hall at muling naagawan ng liwanag yung kaninang Chandelier na namumukod tangi kaning habang sumasayaw kami. 


"Everyone, you may proceed to the School Garden for some snacks and drinks... and more party." Sabi ng host at nagsi-hiyawan na ang mga estudyante.


Napatingin ako kay Damian, he is back to his usual, sulking, self. Hindi na siya ulit tumingin sa akin nung natapos 'yung sayaw at nasibukasan ang ilaw. Tapos non, nauna na siyang lumabas ng hall.


Tahimik lang kami buong dance kanina. Which is okay, diba? Hindi kami nagbabangayan?


Teka, bati na ba kami?


"Nakita ko 'yon." May kumakantang boses sa likod ko. Tapos nilingon ko si Allain na ang laki-laki ng ngiti sa akin habang sumasayaw. "May nakita ako, hindi ko sasabihin~" Panunukso niya.


Hay nako, Allain.


"You saw what?" Tanong naman ni Sara, na nahahawa na sa pagiging Marites namin. "Have you seen Phoebe? Kanina lang kasayaw mo siya diba?" She asked Allain.


Nag-kibit balikat na lang siya. "Inagawan ako ni Kyle ng partner eh, malay ko." Sabi niya. "Well, at least, free na akong maghanap ng bebe boy. Tara na!"


Kasama ni Kyle si Phoebe? Napalingon lingon ako. Pero naglalabasan na mga students papuntang garden. 


"Do you think she'll be safe with Kyle?" Tanong naman ni Samuel. Isa pa itong balik na ulit sa dati niyang sarili, after niyang ngiti-ngitian si Sara kanina.


"Mabuti pa maglibot tayo sa labas, text na lang tayo." Sabi ko, at nagsimula na kaming hanapin si Phoebe. Well, hindi naman kami very worried na kasama niya si Kyle, gusto lang talaga namin siyang kasama.


At saka sabi niya kanina after ng program dapat sama-sama kami diba!

Pagkalabas namin ng school garden, nandoon ang real fun. May bandang tumutugtog sa stage, may nakaabang na DJ rin para sa sudden change of music.


"In fairness, very prepared 'yung New Gen. Ang bongga bongga!" Komento ni Allain tapos sumasabay na siya sa tugtog ng band.


"I'll get you guys some drinks, wait me here, okay?" Paalam ni Samuel.


"I- I will help you!" Sabi naman ni Sara at sabay silang pumunta sa mahabang tables na may mga pagkain at drinks.

I decided to call Phoebe's phone. Sumagot siya kaagad. "Bakla nasaan ka?" Sigaw ko sa kanya, dahil lumalakas ang tunog ng banda, lumayo ako ng konti sa ingay.


At napadpad ako sa gilid na maraming puno. "Huy! Asan ka na ba?"


"I am also looking for you guys! Nasaan na kayo? Dito ako sa bandang kainan---" Pagkatapos non ay biglang may kinausap siya. "Nakita ko na sila Sara, all good see you."


Pabalik na ako sa kanila nung may pumigil sa aking lalaki na taga New Gen. "Hi, want some drinks?" Sabay alok niya sa akin ng isang baso na may pink na juice ba 'yon?


"It was nice to have you guys in our school, drink up and have fun!" Nakangiting sabi niya tapos umalis na siya.



Weird. Inamoy ko 'yung drinks, amoy strawberry na matamis at maasim.




Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now